54: The Greatest Betrayal

5 0 0
                                    

VESPER

Naiinis kong nilakumos ang sulat na hawak pagkatapos basahin ng makailang ulit. Naiinis ko rin itong itinapon bago naiinis na umupo sa upuan ko. Halos magdikit na ang mga kilay ko sa sobrang pagkakakunot ng noo ko.

Sumasakit na ang ulo ko sa dami ng mga kailangan gawin at iisipin tapos dumagdag pa 'tong mga 'to. Napunta ang tingin ko sa apat na taong nagbabangayan sa harap ng mesa ko. Habang sa gilid, kung saan malapit sa bintana ay prenteng nakaupo si Alfonso habang nag-t-tsaa. Tila baliwala sa kanya ang kaguluhang nagaganap.

Mukhang nasa ibang mundo na ata. Unbothered ang lolo niyo.

"Sinasabi mo bang i-assassinate natin ang witness nila? Naririnig mo pa ba ang sarili mo?"

"Bakit hindi? Hindi naman iba sa ating ang mga ganitong bagay."

"Paano pag nalaman nila?"

"Nobody will know if nobody will tell."

"Ghad!" Napahawak si Ashley sa noo, pumikit na tila pagod na pagod na sa buhay niya. "Wala na ba talaga kayo naiisip na ibang solusyon?"

"Usurp -" agad nitong pinigilan si Rence sa sasabihin nito at sinamaan ng tingin.

"Matinong solusyon, Rence. Hindi bayolente. Kung hindi assassination, usurping the throne ang sina-suggest mo." Asik ni Ashley.

"At least I suggested things," Rence frown.

They continue to bicker for another hour or so. Ang sabi nila kanina ay mag-b-brain storming sila para sa maaaring solusyon sa problema ko, namin pala since they choose to side with me.

I only know recently that they all left their families, Aidan, Ashley and Chain and choose to serve under me even after the treason case against my family. When their families learned that they're going to forsake them just for me, they all disowned them. Hindi ko rin alam kung anong trip nilang tatlo sa buhay at nagawa nilang iwan ang pamilya nilang ganun, but I'm thankful for them. For giving their loyalty to me.

As for Rence. I still don't know know his background. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, pero mas mabuting na yung nag-iingat. I tried doing a background check sa kanilang apat pero kahit ni isang maayos na impormasyon ay wala akong nakuha kay Rence. Tanging sa tatlo lamang.

I only know that he's from Horizon and that he's a magician from the Magic Tower.

"Rence," tawag ko rito nang paalis na silang apat. Tumigil ito at binalingan ako ng tingin. Nauna namang umalis yung tatlo sa kanya, habang si Alfonso ay kanina pang umalis habang nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap nila. Tapos na sila magbangayan - este mag brain storming.

"Umalis ka ba sa Magic Tower?" Tanong ko. Ilang sandali ako nitong tinignan bago sumagot.

"Matagal na,"

Tumango ako bago inabot sa kanya ang isang papel. Kunot noo nitong kinuha at agad na natigilan pagkatapos mabasa ang nakasulat.

"Can you do it?" I firmly ask him if he can do what was written on the paper.

Nagpabalik-balik ang tingin nito sa akin at sa papel na hawak. Tinatantya ang sitwasyon. Pagkalipas ng ilang sandali ay tumanggo ito. "It'll take time,"

"I know," I nodded, agreeing with what he said. "You're free to use all resources that belongs to Frontera. Use my name, my family's name or whatever. Do whatever it takes and get her to our side."

"Why don't we just destroy the Tower?"

Tinaasan ko ito ng kilay, "That wasn't necessary. May silbi naman ang Magic Tower, malaki pa rin ang kapangyarihang hawak nila sa kaharian. What we'll do is to just put one absolute head to rule the Tower. Don't you think that the Magic Tower is too small for two kings?"

[√]Lady of the White RoseWhere stories live. Discover now