62: Soulless Bodies

4 0 0
                                    

VESPER

I told Rence that I'll take care of Father and Kuya Iklis. Pagtuunan nito ng pansin ay si Ainelle na lang. Sinabihan ko rin ito na kung maaari, kung maaari lang na huwag niya itong papaslangin. Pwede niyang bugbugin pero bawal patayin. Hindi niya kasi deserve mamatay ng ganun-ganun lang.

"Bakit?" Tanong nito.

"Deserve niya i-torture,"

Iiling-iling ito dahil sa sinabi ko bago nag focus sa laban nila. Samantalang hinarap ko naman sina papa at kuya Iklis. Masyado lang naman akong nagulat kanina kaya hindi ako nakalaban, ngayong nasa matino na akong pag-iisip ay naging malinaw na ang isip ko.

Mas nakokontrol ko na ng mabuti ang kapangyarihan ko. And I've noticed how father and kuya Iklis lost all their edges when fighting. Tho they're more powerful now, but they lost the very essence of how a swordman should be.

The shape of their aura, in other words, their soul.

Malaya is right. They're soulless.

Hindi man naging madali ngunit nagawa ko pa rin silang dalawa na talunin bago pa man dumating sina Ashley at Chain. Nagdalawang isip pa ako kung babasagin ko ba 'yong sinasabi ni Malaya na core sa mga katawan nila o 'wag na.

What if something bad happen to them the moment I crush it? What if they die?

"Do you trust me?"

Tila ba ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ang tanong ni Malaya sa akin. Bigla akong natauhan at parang bula na nawala ang takot sa dibdib ko. I proceeded with her suggestions to crush the core inside their body.

Their bodies immediately fell unconscious in the ground, unmoving, almost lifeless. Dali dali ko silang nilapitan at tinignan kung ayos lang ba ang mga lagay nila. Sakto namang dating nila Ashley at Chain.

Tinulungan nila akong dalhin ang mga ito sa ligtas na lugar upang aking magamot ang mga pisikal nilang sugat.

Nang tapos na ako sa pag gamot ay dumating naman yung tatlo, sina Abby, at Rence na akay-akay sa mga balikat nito si Aidan. Ito naman ang aking ginamot agad.

Rence said that Ainelle and Guinevere escaped, bringing the three Blue Moon members along with them. He ask if we'll going to chase after them but I said no, my priority right now is my father and brother.

Mabuti na rin at nagdala ng karwahe sina Ashley at Chain kaya doon kami lahat sumakay pabalik ng estate. Tahimik lang ang lahat sa byahe hanggang sa makarating kami sa mansyon.

Nagulantang pa si Alfonso nang makita ang duguan kong damit and he suddenly fainted the moment he saw father and kuya Iklis behind me. Napatampal ako sa noo dahil sa naging reaksyon nito. Sobra atang nagulat, kawawa naman.

One of the knights carry him towards his room. Meanwhile, dinala naman sa iisang kwarto lang sina papa at kuya Iklis, ngunit magkaibang kama. Pinahiga silang dalawa at binihisan ng bagong damit.

Agad ding umalis ang mga maid ng matapos sa ginagawa, naiwan akong mag-isa sa loob. Umupo ako sa pagitan ng kama nila at sumandal sa upuan. Ilang sandali muna ang lumipas na nakatingala lang ako sa kisame bago ko nagawang tapunan sila ng tingin.

They're here... In front of me. In flesh and in blood. Hindi ako makapaniwala na sa tagal ng aking paghahanap at paghihintay ay sa wakas natagpuan ko na rin sila.

I've been longing for this moment to arrived. 'Yong muli ko silang makita, mahawakan at mahagkan. Hindi 'yong sa larawan ko lang sila makikita.

I've been longing for this... But what is this feeling inside me. I was excited one moment ago, I feel like a kid again when I saw father and kuya Iklis. I wanted to hug them and told them how I've been missing them badly each day. And how I've been holding on... But right now, in an instant, I don't feel like that anymore.

[√]Lady of the White RoseWhere stories live. Discover now