prologue.

569 48 5
                                    

"buti pa si lianne kaclose yung ibang mga bata dito, pero siya hindi."

"grabe naman yan, ganyan ba talaga ugali niya?"

"si lianne mabait, pero tignan mo ang isang yan."

"bakit kaya hindi pa siya inaampon no?"

"sempre! masama ugali nyan eh! HAHAHAHA."

napayuko nalang ang batang si shakira habang naka yukom ang kamao dahil sa mga bulungan na naririnig niya, araw araw nalang siyang kinukumpara sa iba.


at isa lang ang nararamdaman niya doon.....



wala siyang pakialam sakanila......



ayaw niyang kinukumpara siya sa iba dahil ayon ang dahilan kung bakit siya umalis sa dating bahay na kanyang tinitirhan, palagi siyang kinukumpara ng kanyang mga magulang sa ate niya.


pero hindi niya naisipang lumaban at magalit dito dahil may puso parin siya kahit ganoon ang ginagawa sa kaniya ng mga tao sa paligid niya.


ilang taon na siyang nag durusa sa bahay ampunan pero wala siyang magagawa dahil ayaw naman niyang bumalik sa kanilang bahay.


wala din siyang kaibigan don kundi si annikka, pero minsan ay hindi niya ito pinapansin dahil makulit ang babae at ayaw niya sa makulit.


si annikka ay doon na lumaki sa ampunan katulad ng mga ilang bata doon, pero hindi nila ito katulad dahil bukod sa maganda at masiyahin si annika, mabait at madaldal din ang babae.


kaya ganoon nalang ang galit ni lianne kay annikaa dahil kahati niya ito sa atensyon ng ibang tao, sa tuwing may pumupuntang tao doon ay silang dalawa ang mukang bibig non.


"huh, kasama mo nanaman pala yung talunan nayan annikka?" nakangising saad ng pilyong si lianne sa babae.


tinutukoy niya ay walang iba kundi si shakira na naka poker face lang sa harapan niya, kaya mas lalong nainis si lianne at gusto ng sugurin si shakira ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili dahil madaming tao ngayon sa bahay ampunan.


"ano bang gusto mo lianne? mag papansin ka nalang sa mga tao nayan tutal attention seeker ka naman." naiinis na sabi din ng magandang babaeng si annikka.


"bakit kasi hindi kapa ipaampon nila sister?" walang gana paring saad ng babae habang naka tingin sa malayo.


ayon din ang iniisip ng iba dahil kahit maganda at na kay lianne ang atensyon ng karamihan, hindi pa siya inaampon ng mga magulang na gustong mag kaanak na dumadalaw dito para mag ampon ng bata.


"masyado kasi akong unique kaya ayaw nila akong ampunin dahil nahihiya sila sakin." makapal na saad ni lianne bago umalis.


hahabulin na sana siya ni annikka ngunit may isang brasong pumigil sakanya.


"s-shakira..." tinignan lang ni shakira ang babae ng walang emosyon sa kaniyang mukha pero hawak hawak parin niya ito sa braso.


"wag." maikling saad lang ni shakira tyka nito binitawan ang braso ng babaeng katabi niya. "wag mong susubukan na saktan siya dahil alam mo ang parusa don." dagdag pa ulit niya bago iwan ang tulalang si annikka.


si shakira at trese anyos palang na bata, habang si lianne at annikka naman ay nasa kinse na, pero mas matured paring kumilos ang batang si shakira kasya sa kanilang dalawa.


"gusto mobang kumain aki?" maligayang tanong ng babae sa nag ngangalang shakira, tinitigan lang siya nito ng walang emosyon at tumulala nanaman sa kalawakan.


napabuntong hininga nalang ito at siya nalang ang kumain sa pagkain na sana'y ibibigay niya sa kaibigan, nag kibit balikat din siya dahil lagi namang ganoon si shakira.




'sana may umapon kay shakira ng taong mamahalin siya ng lubusan at gagamutin ang mga takot niya sa buhay......"

the unwanted childWhere stories live. Discover now