shakira pov.
abala sila sa pag aayos ng mga gamit dito sa labas ng bahay ampunan, may dadating daw kasing mga bisita na nag d-donate ng mga malalaking pera para may makain sila dito, oo sila lang dahil hindi naman ako kumakain.
hayyy, sayang hindi ito naabutan ni annikka, gusto pa naman niya yung mga ganitong event sa bahay ampunan kaso wala na siya. paniguradong masaya nadin siya dahil nakahanap na siya ng pamilyang maituturing.
"hey shakira." bati ng isang matangkad na lalaki sakin, halos kasing edad lang din siya ni annikka. "happy birthday." nagulat pa ako sa sinabi niya pero nanatiling walang emosyon ang mukha ko.
"thanks." maikling saad ko dito, ginulo lang niya yung buhok ko at inakbayan ako. "alam ko no? kahit hindi mo sabihin samin yan, kwinento kasi kahapon ni annikka sakin na birthday mo ngayon." napairap nalang ako dahil sinabi pala ni annikka yun bago umalis.
pero masaya parin ako kasi hindi pala niya nakalimutan na birthday ko ngayon, at least kahit isa may bumati saakin, diba?
"happy 14th birthday, aki." tumalikod ako dahil sa aking narinig, luh nandito si annikka? eh kahapon lang siya umalis ah?! "ginagawa mo rito?" malamig pero may pagkabigla sa aking boses.
natawa naman siya at inabot sakin ang regalong dala dala niya, nakita ko din na meron siyang kasamang body guard. nasa likod niya ito.
"mayaman sila bhie!" sumigaw ang babae sanhi ng pagkagulat ni vivien, ganon nadin ako dahil hindi ko inaasahan ang sasabihin niyang iyon.
pero sempre bilang kaibigan niya ay masaya ako, hindi ko lang pinapahalata dahil baka maulit nanaman yun.... hays! wag nanga isipin yon.
"buti naka punta ka?" ngayon ay kami nalang ni annikka ang nag uusap, tinawag kasi si vivien ng isa sa mga nag aalaga sa bata. "pwede bang makalimutan ko yung birthday mo?" masaya pa siya habang niyakap ako, hindi ako gumanti ng yakap at tinanggal lang yung braso niya sa likod ko.
hindi ako maka hinga.
"ang saya mo ah." sarkastikong saad ko dito, siya naman ay ngumisi habang bumubulong sakin. "ang laki ng bahay, may second floor siya tapos may sarili akong kwarto. tapos yung ulam namin kagabi ay beaf steak, nahiya panga ako dahil panay sila welcome home sakin, pero masaya." madadama mo talaga na masaya siya.
"ah." tipid na saad ko dito, tumulong nalang ako sa pag aayos ng mga lamesa dito, si annikka naman ay nakitulong nadin ngunit binawal siya ng body guard niya. "ma'am, baka magalit si seniorita sakin." nag kakamot pa siya ng ulo habang binabawal ang babae.
at dahil pasaway si annikka, hindi niya pinansin yung body guard niya at nakitulong parin. sempre dito siya lumaki alangan namang kalimutan niya agad to dahil lamang sa meron ng umampon sakanya.
"beh, hindi kaya't nag handa sila dahil alam nilang birthday mo?" chismosang aniya ni annikka sakin, nag kibit balikat lang ako dahil hindi ko alam. baka coincidence lang ganun.
nag paalam muna ako sa kanila na mag papahinga ako, pumayag naman sila viviex dahil kanina padaw ako tumutulong.
naiwan ko din don si annikka dahil wala ako sa mood na makipag usap sakanya, hayyy. ang saya ko dahil nakahanap na siya ng sarili niyang pamilya.
humiga na ako sa aking higaan at nag takip ng unan sa mukha, ganito kasi ako matulog eh. mas komportable ako dito dahil nakasanayan kona, tuwing umiiyak kasi ako sa kwarto dun sa bahay namin dati ay nakatagilid ako don habang umiiyak tas may takip ng unan, ayon nasanay nanga ako palagi dahil nakakatulog ako sa tuwing umiiyak.
nagising ako dahil sa ingay sa labas, tumingin ako sa bintana at gabi na pala, nagugutom nadin ako kaya lumabas na ako ng kwarto. nakalimutan ko din kung saan ko naiwan yung regalong binigay sakin ni annikka kanina.
"nandito pa pala siya." mahina kong saad matapos makita si annikka na nakikipag kwentuhan kila ellie, nilagpasan kolang sila at nag hanap ng lugar na tahimik.
sempre sa playground nanaman ako napunta, pero nagulat ako dahil meron din don nakaupo na bata. sa tingin ko ay nasa eight pababa lang ang edad niya.
"a-ate shakira.." bati ni yuno sakin, umupo lang ako sa tabi niyang duyan at tinignan ang langit, ang ganda naman ni luna.
"hey uno, ginagawa mo dito?" seryosong saad ko sa bata dahilan ng pag yuko niya, tinakot koba siya? natural voice ko naman yun ah? "h-huy wag kang iiyak please.... tinatanong ko lang naman kung anong ginagawa mo dito." nataranta na ako pero ganun parin yung tono ng boses ko.
bigla naman akong nakarinig ng hikbi kaya naman lumapit na ako sakanya at lumuhod sa harapan niya, ano na bang gagawin ko?
"h-hey yuno naman oh, please wag kanang u-umiyak." hinawakan kopa yung pisngi niya para punasan yung luha niya na pumapatak dito. "hindi naman mangangain si a-ate shakira okay?" hinagod hagod kopa yung likod niya para pigilan siya sa pag iyak at para mapakalma ito.
arghhh, hindi lang kasi ako marunong mag alaga ng bata. i mean, i hate it. ayoko ng bata, mahirap kasi silang paamuhin tapos minsan tatarayan kapa or hindi ka papansinin.
"ate aki." tuluyan na talaga siyang umiyak kaya naman binuhat kona ito at hinagod hagod yung likod niya. "shhhhh, bakit ka umiiyak? ayos lang yan baby, shhh wag kanang umiyak." patuloy pa akong nag patahan sakanya.
"na m-miss ko n-napo y-yung mama ko." humihikbing saad ni yuno, ako naman ay hinahagod parin ang likod niya habang hinehele hele siya.
ang bigat niya.
"shhhh, she missed you too okay? don't cry na." napa english tuloy ako ng wala sa oras. "promise, babalikan ka ng mama mo okay?" tumango tango siya habang pinupunasan ang luha, ngayon ko lang nalaman na cute pala yung bata.
specially yuno....
YOU ARE READING
the unwanted child
Fantasyshakira santiago o zandria cielle francisco na ngayon. isang batang lumaki sa bahay ampunan dahil ang kaniyang magulang ay sinasaktan siya nung bata pa ito. si shakira ay kilala bilang isang tahimik na bata, hindi ito palangiti at pala kaibigan. kun...