"hmm, gusto mopa kumain?" tanong ko kay yuno, siya nalang yung pinakain ko ng jollibee dahil mukhang gutom na gutom siya at sabik na sabik sa jollibee.
nakangiti naman ito habang tumatango tango sakin, meron pang sauce yung gilid ng bibig niya kaya hindi ko maiwasang hindi matawa sakanya.
ang cute cute niya.
binuksan ko yung isa pang lalagyan at meron pa don na isang rice at chicken, sinubuan ko nalang si yuno at masaya naman niyang tinatanggap yun sa bibig niya.
"ate kain kana din po." aniya niya habang ngumunguya, punong puno pa yung bibig niya pero nag sasalita siya. umiling nalang ako at inabot sakanya yung cup ng ice tea.
ininom naman niya agad yun at ngumanga ulit, sinubuan ko naman siya hanggang sa maubos iyon.
"ate tulog tayo." tumango lang naman ako at inalalayan si yuno na makahiga sa kama ko.
tyka ko nalang din niligpit yung pinag kainan ng bata at humiga din sa tabi nito, bigla akong niyakap ni yuno kaya naman nagulat ako, pero niyakap ko lang din ito pabalik at pumikit na.
hindi ko alam pero dati naman akong masungit sa mga bata, naiinis ako pag umiiyak sila dahil maingay. pero pag kay yuno ay para akong naaawa at magaan ang loob ko sakanya.
hindi ko naman siya kilala, sa totoo lang ay naiinis ako dito dahil minsan ay maingay siya. pero nung nakita ko siyang umiiyak sa play ground noon ay bigla nalang akong naging malapit sa kanya.
pag gising ko ay tulog parin si yuno, nakatalikod ngalang siya sakin at mahimbing paring natutulog, lumabas muna ako ng kwarto at iniwan siyang mag isa don.
"hinahanap na ni ms kathrine at ms tessie yung bata." saad ni viviex sakin habang nag lalakad kami, bigla bigla nalang siyang sumusulpot dito.
ang tinutukoy niya ay si yuno, pwede naman niyang sabihin yung pangalan pero bata pa yung sinabi niya, naiinis nanaman tuloy ako sakanya.
"sabihin mo nasa kwarto ko, natutulog." tumango lang naman ito kaya naman umalis na agad ako sa harapan niya, sumasakit nanaman yung ulo ko.
"aish, ano nangang gamot yung ininom ko nung isang araw?" tanong ko sa aking sarili habang naka hawak sa ulo, umiikot nanaman yung paningin ko.
"hoy shakira!" tinignan ko kung sino yung nag sasalita, hindi ko masyadong maaninag dahil madilim nanaman yung paningin ko. "sino ka?" tanong ko sakanya dahil nasa harapan kona ito ngayon.
"baliw kaba?! malamang ako si ellie!" ah tumango tango ako dito habang nakahawak na sa tuhod ko, aish ayoko na nahihilo na talaga ako.
pumikit lang ako saglit pero mas lalo na akong nahilo, hindi ko nadin namalayan na bigla nalang akong tumumba sa isang matigas na bagay.
pag gising ko ay puting kisame agad ang nakita ko, nasa langit na agad ako?
"gising na po siya." hala, familiar sakin yung boses niya ah? nandito din sa langit si vivien? mag kasama kaming sinundo sa langit?
"hoy, maayos naba pakiramdam mo?" tanong ng kung sino, pag lingon ko ay si ms kathrine pala yon. "nasa langit kadin?" tanong ko dito, baka nandito din si yuno ah.
"anong langit pinag sasabi mo? nasa hospital ka tánga." napakamot ako ng pisngi sa narinig, akala ko pa naman nasa langit na kami eh.
kinusot kusot kopa yung mata ko bago ako naniwala sa kanila, meron ditong mini ref at meron pang pintuan, cr ata yun.
"ano nangyari?" tanong ko ulit kay vivien, siya lang naman kilala ko na nandito eh. "bakit ako nasa hospital?" tanong ko ulit dahil hindi siya sumasagot.
"nakita ka nanaman ni dairus sa labas ng kwarto mo, don ka mismo nahimatay." napakunot ako ng noo dahil sa narinig. "sino si sairus?" tanong ko nanaman sakanya.
"dairus hindi sairus." pag tatama niya, tumango nalang ako kahit hindi ko naman kilala kung sino yun. "siya nga yung nakakita sayo." sabi pa niya, tumango nalang ulit ako.
"ah, eh nasan si ellie?" napakamot na siya ng batok dahil sa dami ng tanong ko, tyka siya nag kibit balikat at umalis sa loob ng kwarto.
"kumain ka daw sa tamang oras sabi ng doctor, bawal ka din daw mag skip ng pagkain sa isang araw or baka daw ay kahit paano ay dagdagan ang pagkain sa isang araw para maging maayos yung pakiramdam mo." hindi ko siya maintindihan, si ms kathrine.
binigay ko kay yuno yung pagkain ko kanina kasi gutom yung bata, tapos hindi din naman ako nagugutom kaya pinaubos kona sakanya yun.
ibig ba niyang sabihin ay bawal ako mag palipas ng gutom? tapos pag hindi ako nakakain sa tamang oras ay pwede akong mahilo?
malas naman ng buhay ko.
YOU ARE READING
the unwanted child
Fantasishakira santiago o zandria cielle francisco na ngayon. isang batang lumaki sa bahay ampunan dahil ang kaniyang magulang ay sinasaktan siya nung bata pa ito. si shakira ay kilala bilang isang tahimik na bata, hindi ito palangiti at pala kaibigan. kun...