chapter 10

204 47 2
                                    

"where's shakira?" lumabas ang dalagang nag ngangalang shakira, tyka ito lumapit sa pwesto ng ginang.

ngumiti ang ginang at inayos ang buhok ni shakira, natatakpan na kasi yung mukha nito dahil sa iilang hibla ng buhok na nasa mukha.

"are you ready to go darling?" tumango lang si shakira habang pinapanood ang ginang na abala sa pag aayos ng kanyang buhok.

'yung buhok ko lang pala habol niya, bakit hindi ko nalang sakanya to ibigay?' sa isip isip ng dalaga.

mahaba na kasi ito at abot hanggang tuhod niya, hindi niya din naman ito ginugupit dahil daw baka malasin siya at habulin ng kapreng dumalaw sakanya nung 14 years old pa lamang siya.

ngumiti naman ang ginang na si mrs savannah ng malawak dahil sa loob ng ilang buwan niyang pangungulit kay shakira ay ngayon lang niya ito napapayag.

"thankyou ms kathrine, we'll go na." tumango lang naman si ms kathrine at hinatid na sila sa labas ng bahay ampunan.

pinapanood niyang sumakay ng kotse si shakira habang inaalalayan ng ginang na si savannah, pagkatapos non ay umandar na ang kotseng sinasakyan nila shakira.

ngumiti din ang babae dahil sa isip niya ay sa wakas ay meron na daw umampon sa batang iyon.

habang nasa kotse naman sila shakira ay hindi niya maiwasang tignan ang ginang na nag seselpon, malawak kasi ang ngiti nito habang nag sasalita.

"yes darling, kasama kona siya." saad ng ginang habang mawalak parin ang ngiti sa labi. "yes, i'm so happy to have her. isipin mo ang tagal kona siyang kinukulit pero ngayon lang pumayag." tumili pa ito na parang teenager.

gulat man si shakira ay umiling iling nalang siya at sumilip sa bintana habang tinitignan ang mga building na madadaanan nila.

iniisip din niya na sana wala na siyang traumang mararanasan sa bago niyang pamilya, kaya din kasi siya sumama ay naramdaman niya na mahal talaga siya ni mrs savannah at halata iyon sa kanyang mata.

sa pag iisip ay nakatulog pala ang dalaga, naramdaman nalang niya ang masuyong pag haplos sa kanya ni mrs savannah.

"we're here darling."

sumilip ang dalagang si shakira sa bintana ng kotse at napanganga pa siya dahil sa kanyang nakita.

inalalayan ulit siyang ni mrs savannah hanggang sa makapunta sila sa loob ng mansion, madaming maid ang nandoon at lahat sila ay binabati si mrs savannah at shakira.

nilibot ni shakira ang kanyang paningin sa loob ng mansion at halata sa kanyang mata na hangang hanga ito sa nakikita, lalo na sa vase na nandon sa gilid ng sofa at sa kumikinang na chandelier na nasa itaas.

"you like it?" nakangiting tanong ni mrs savannah sa dalaga, mahina itong napatango kaya naman pumalakpak ang ginang. "i told them to clean this mansion, ilang taon na kasi tong bakante eh." saad ng ginang kay shakira na busy parin sa pag lilibot ng mata sa paligid.

napatingin siya sa isang painting na malapit sa isang pintuan, si mona lisa ito. "nabili ko yan sa paris, ang ganda diba?" tumango ulit ang dalaga habang papalapit dito.

"p-pwede ko po bang hawakan mrs savannah?" nagulat pa ang ginang dahil sa tinawag sakanya ni shakira, pero tumawa lang ito at tumango naman.

"you know you can call me mommy, don't be to casual darling." nakangiting saad nito sa dalaga, tumango nalang si shakira at hinawakan ang painting na naka display doon.

"ang ganda, m-mommy." dahil don ay mas lalong natuwa ang ginang at niyakap si shakira, gumanti nalang ito ng yakap habang pinipigilan ang pag iyak.

ngayon nalang kasi ulit siya nakaramdam ng kaligtasan sa buong buhay niya, at sa tao pang hindi naman niya kilala.

the unwanted childWhere stories live. Discover now