ganon nalang araw araw ang aking ginagawa tuwing uwian na sa school, pupunta agad ako ng bahay ampunan para makita ko si yuno.
makikipag laro sakanya or kaya naman pinapatulog nalang siya, basta inaalagaan ko yun pag naka dating na ako sa bahay ampunan.
wala din naman kasi akong ginagawa sa bahay, madalas ay wala si mommy kasi nasa italy siya. ewan ko ba pero sabi niya kasi emergency daw yun.
papunta na ako sa bahay ampunan ng tumawag si mommy as in nasa tapat na ako ng bahay ampunan, umuwi daw ako samin dahil meron siyang ipapakilala sa'kin. sino naman kaya yon?
"aish, siguro naman hindi ako hahanapin ni yuno don." nakangusong saad ko. "iniisip pa naman non na pupunta ako ngayon." dagdag kopa.
sumandal nalang ako sa upuan ng kotse at hinintay na makarating sa bahay, pag pasok ko palang ng mansion ay ang dami na agad kotseng nakaparada sa garahe.
"nuyan, may party ba." bulong ko sa sarili, hindi naman kasi ako ininform ni mommy ng maaga edi sana binilhan ko sila ng mga regalo.
"where is she?" tanong ng isang babaeng siguro kaidaran lang ni mommy, kahit nandito palang ako sa pintuan ay rinig na agad yung boses niya.
"she's on the way carla, chillax." sa boses na iyon ay alam kong si mommy kaya dahan dahan akong nag lakad papuntang sala namin.
pero agad ding natigilan dahil sa nakita ko.
"ate shakiraaaa!" sigaw ni yuno kaya naman lahat ng bisita ni mommy ay napatingin nadin sakin, ano ba naman yan yuno hindi ka nag iingat eh.
"hey baby, anong meron?" at bakit siya nandito? inampon nadin ba siya ni mommy kasi nakikita niya akong pagod tuwing uuwi dito galing sa bahay ampunan?
"hey darling, welcome back. meet your aunty carla and your uncle jack." nakangiting saad ni mommy habang tinuturo yung mag asawa. "hello po." simpleng saad ko sakanila.
ngumiti naman ang dalawa at nakipag shakehands sa'kin yung si tita carla daw, samantalang yung si tito jack naman ay tumango lang.
"hoy anong ginagawa mo r'yan caspian?! makipag interact ka sa pinsan mo!" sigaw ni tita carla sa isang lalaking familiar sakin, siya yung nandito na nag abot ng uniform ko.
"mom, i know her naman na besides mukha siyang nangangain." nakakunot noo ako dahil sa narinig, kailan pa ako naging cannibal? "just kidding, eto na mom." dagdag niya pa habang nag lalakad papunta sa gawi namin.
si yuno naman ay buhat na ni mommy ngayon kaya nangingiti ako dahil sa naiisip na inampon nadin niya si yuno para sa'kin.
"hello m'lady or should i say zandria? i'm caspian but you can call me yours if you want." kumindat pa siya kaya naman binatukan siya ng mommy niya, deserve.
tumingin ako sa iba pang tao na nandito ngayon sa sala, tatlo pa sila pero puro lalaki lahat. para silang mga mafia boss na sinasabi dati sakin ni annikka, naka formal attire pa eh.
"oh don't mind them, just focus on me." saad ulit nung caspian kaya nilagpasan ko na siya at pumunta sa tapat ni mommy.
natutulog na kasi si yuno sa bisig niya.
"akyat ko nalang po muna si yuno sa kwarto ko." saad ko kay mommy pagkatapos kunin ang natutulog na si yuno, nakangiti naman itong tumango kaya nauna na akong umakyat ng hagdan.
YOU ARE READING
the unwanted child
Fantasyshakira santiago o zandria cielle francisco na ngayon. isang batang lumaki sa bahay ampunan dahil ang kaniyang magulang ay sinasaktan siya nung bata pa ito. si shakira ay kilala bilang isang tahimik na bata, hindi ito palangiti at pala kaibigan. kun...