chapter 5

229 45 3
                                    

batang musmos pa lamang si shakira ay lagi na siyang ikinukumpara ng magulang niya sa kanyang ate, lagi din nila itong sinasaktan tuwing nakakagawa ng mali.

"ma, tama na po!" pag makaka awa ng batang si shakira sa kanyang mama, nag punta kasi ito sa kaniyang kalaro sa kabilang bahay.

"alam mo bang kahirap hirap mag laba ng damit mo ha?! tapos uuwi ka ng ganyan?!" galit na galit na sigaw ng kanyang mama.

at eto nanaman ang mga salitang lalong ikina sakit ng puso ni shakira.

"buti pa yung ate mo hindi naging sakit sa ulo! tapos ikaw namang kabata bata mo gala kana agad!" pagkatapos non ay pinalo ulit siya ng kanilang mama.

tumatawa naman ang kanyang ate habang pinapanood si shakira na umiiyak habang pinapalo ng mama nila, walang kwentang ate.

-

"ma pinapatawag po kayo sa school ni shakira." sumbong ng ate nito habang bitbit sa damit ang kapatid niyang umiiyak nanaman.

hinatak ng mama nila si shakira sa uniform nito at pinag papalo sa braso at hita, lahat ng parte ng katawan ni shakira ay pinag papalo nito.

"ano nanamang ginawa mong bata ka?! lagi ka nalang sakit sa ulo." sigaw nito habang pinapalo parin si shakira ng walis tambo.

walang nagawa ang bata kundi ang umiyak dahil hindi naman ito aawatin ng kanyang ama at ate, nanonood lang sila habang pinapalo ang kaawa awang bata.



siyam na taon si shakira ng naisipan niyang mag layas sa kanilang bahay, sobrang gabi na non at nag pagala gala lang siya sa labas nila hanggang sa makakita siya ng bahay ampunan.

pinapasok agad si shakira sa bahay ampunan at pinakain ito, binihisan nadin nila ito at pinatulog sa isang kwartong bakante.

tinatawagan nila ang mga magulang ng bata ngunit hindi ito sumasagot, nalaman din ng lahat na lumayas lang si shakira sa kanila.



"grabe, kawawa naman siya."

"hays, anong klaseng magulang meron siya?"

"ngayon lang ako nakakita ng batang nag layas pero hindi hinanap ng magulang niya."

"kung ako may magulang, for sure mamahalin nila ako."

"hindi ata siya mahal HAHAHAHA"

"sus, eh kayo din naman lumaking walang magulang mga tanga."

nagulat ang mga bata ng mag salita si damian sa kanilang harapan, yung iba ay napa nganga pa dahil sa kanilang narinig.

"bakit? totoo naman eh, kaya nga tayo nandito kasi pare parehas tayong abandonado tanga." sagot pa nito bago umalis at pumunta na sa kaniyang silid.

"grabe, pinag tanggol pa niya yan."

"true, ano kaya sasabihin ni lianne?"

"hindi naman niya papatulan yan."

"sabagay, talunan at walang kwenta. hindi nga siya pinag aksayahan ng panahon ng magulang niya eh."


nagising si shakira dahil sakanyang panaginip, basang basa ito ng pawis at sobrang init din ng kanyang katawan. napahawak ito sa kanyang noo at tama nga ang hinala niya, nilalagnat siya!

"aish, sakit ng ulo ko." pormal niyang saad bago lumabas ng kwarto, wala parin itong kasama doon dahil wala pa namang bagong dumadating na bata dito.


"narinig mo yon? sabi ni ms kathrine nag donate daw sila lianne at annikka dito sa bahay ampunan." rinig ni shakira ang mga nag uusap pero iniwasan niya lang ang mga ito dahil sumasakit na talaga yung ulo niya.


"ambait talaga nila." casual na saad ng isang lalaki sa tabi ng mga nag chichismisan na iyon.


si shakira naman ay nakahawak parin sa ulo habang nag lalakad, hindi niya alam kung saan siya pupunta dahil umiikot na ang paningin nito!

tutumba na sana siya ng may sumalo sakanya. "fuck, daddy! miss are you okay?" nag aalalang tanong ng isang estranghero sa dalaga.

napamura nalang ulit siya ng mapag tanto ang tanong niya, ambobo daw niya dahil alam nanga niyang tumumba ang babae ay nagawa niya pang mag tanong kung ayos lang ba ito.

"dad! i need help! fuck it." halos isigaw na niya ang kaniyang kaluluwa sa lakas ng boses niya, doon lang dumating ang kanyang daddy na kasama si ms kathrine.

"she's sick, s-she's burning dad." natatarantang saad ng estranghero sa kaniyang daddy. "calm down son, normal lang yan." pinakalma nito ang anak tyka niya binuhat ang natutulog na si shakira.

sumunod lang naman si ms kathrine sa matandang lalaki at itinuro ang kwarto ng babae. "dyan nalang sir, thankyou." saad niya gamit ang boses ng kaplastikan.

napatingin naman silang lahat sa babaeng binabangungot ngayon, may kumakawalang ungol sa kaniyang bibig habang iniiling iling ang kanyang ulo.

"d-damian...."

the unwanted childWhere stories live. Discover now