epilogue

145 20 5
                                    

yuno pov.


it's been 12 years since my ate- i mean my tita died, hindi ko inaasahang kaya niyang gawin ang bagay na 'yon. seven years old palang ako nung nawala na siya sa tabi ko.


hindi ko matanggap na nag pakamatay siya dahil sinisisi niya yung sarili niya kung bakit namatay yung umampon saming dalawa. si ms savannah sarmiento francisco.



may utang na loob ako sa dalawa niyang anak, yung tunay niyang anak. sila kuya wade at kuya walter, nung nawala kasi si tita zandria or shakira sa tabi ko, sila na yung nag alaga sakin.



specially si tito hangin, sino paba? edi yung gurang na si caspian. lakas ng apog ng tito kong yon, tinuruan ba naman akong mang chix.



galit na galit tuloy sila kuya wade sakanya.



ilan taon na ako pero si tita 16 years old padin, ang daya kasi niya.




ilang taon nadin simula nung nalaman kong pamangkin pala niya ako, yung lagi niyang kwinekwento sakin nung seven years old ako, ayon pala yung nanay ko.



nalaman ko lang kay tito thaddues kasi kilala pala niya yung nanay ko, cringe man pakinggan yung tawag ko sa kanilang tito, masaya naman kasi binibigyan ako ng pera.




back sa nanay ko, hindi ko siya tanggap. kahit lumuhod pa siya sa harapan ko, hinding hindi ko sila papatawadin.




ang unfair talaga ng mundo, pero swerte padin ako kasi kahit kabaliktaran yung ginagawa ng nanay ko sa tita ko, inaalagaan parin niya ako dati ng maayos.



siya na yung tinuring kong magulang at ate lagi, hanggang sa nagawa nga niya yung mga bagay na yon.


nung una sinisisi ko yung sarili ko kasi nagalit pa ako sakanya noon, totoo naman kasing nakakainis siya kasi puro nasa isip niya ay pagpapakamatay.


hindi naman kasi yun ang solusyon sa problema natin, pero para kay tita zandria ayon daw yun.


hayy, ang gulo ng isip niya.


alam ko namang ang hirap mabuhay dito sa mundo, sinubukan ko nadin kasing gawin yun, kaso napigilan ako. tyka ko lang din narealize na hindi pala talaga yon ang solusyon non.


pero hindi wala akong sinisisi ah, kasi lahat naman ata ng tao nararanasang gawin o isipin yun, kasi may time din na sobrang problemado natin.


pero sana masaya na si tita kung nasaan man siya, alam kong lagi niya kaming ginagabaya nila tito wade, kaso ang problema mga gurang na yun.



"hoy yuno, bar tayo." aya sakin ni caspian gurang, ngumisi lang ako at itinuro yung nasa likudan niya.



patay kang gurang ka.



"what the shit wade?! bakit mo ako sinipa?!" ayan nanga po, mag aaway na yung dalawang gurang. sayang wala si tito walter eh, busy sa company. "who told you to influence yuno, you idiot!" sinipa niya ulit si caspian gurang.


ilang taon naba sila at maka gurang ako? well, si tito wade 30 years old na, tapos si caspian gurang 29 years old, si tito walter namang pogi sempre 27 years old.


halos mag kakasing edad lang sila nila tita zandria, pero mas maganda at fresh parin yung tita ko no, kung nandito nga lang yun baka inirapan na niya sila tito caspian.

oo nga pala!


"alis muna ako dalawang gurang, may gagawin pa ako."


kinuha ko yung susi ko sa mini table at dali daling tumakbo sa garahe, tyka ako sumakay, shit! wala pang gasolina yung kotse ko!


biglang may sumulpot na gurang sa harap ko at may hinagis sakin na kung ano.



"thank you uncle walter! gurang kana talaga." saad ko at tumakbo papuntang kotse niya, nice dami ko nanamang bebegirls na mauuwi.



pero joke lang, baka magalit sakin si tita eh. ayaw na ayaw pa naman non na malalapit ako sa babae, katulad ni jasmine HAHAHAHA!




pero sorry siya, loyal ako sa isa eh.



hindi din naman niya malalaman diba?



pinaandar ko na agad yung kotse, pero bago pa ako makalabas ng mansion ay may tatlong gurang pa na nag salita.



"mag ingat ka sa pag drive!"



"take care of yourself!"



"bar tayo!"


bumusina nalang ako at binilisanan ang pag drive sa kotse ni tito walter, babyng baby pa naman niya to tas dadaan ko lang sa tubig.

joke.

pag dating sa flower shop ay pumasok na agad ako sa loob, sempre alangan naman mag hintay ako sa labas edi na arawan ako.

"good afternoon sir, what can i help you?" nakangiting saad ng isang babae, sempre acting cool lang ako. "1 bouquet of tulips." tumango ito at nag lakad.



napangiti ako ng wala sa oras.


"anong color po?" tinuro ko yung white at kulay gray na tulips.



lalo akong napangiti.



"may letter poba? para kanino po? girlfriend or asawa?" the fish? mukha ba akong may asawa? eh kahit girlfriend nga wala ako, pati ex.



"nah, just leave it like that." tumango nalang ito at inabot sakin yung bouquet na tulips. "5,789 sir." inabot ko sakanya yung 6 thousand.



"keep the change." saad ko at umalis na.



sumakay na ulit ako ng kotse at pinaandar na yun, alangan naman itulak ko lang, diba?


pagdating sa lugar ay sobrang tahimik, dala kopa yung bouquet at yung jollibee na inorder ko lang kanina sa drive thru, nakita kona agad ang kinatatayuan ng puntod niya.


napangiti ako ng mapakla.


nilapag ko lang yung jollibee sa bench at naupo sa harap ng puntod ni tita, tyka ko inilapag doon yung bouquet na binili ko.


"here's a tulips for a pretty woman like you." nilapag ko sa tabi ng puntod niya yung tulips, napansin kong merong bulaklak na luma dito.


roses.


napakunot noo ako dahil sa nakita, sinong tanga ang mag lalagay ng bulaklak nato dito? gusto ata ng away eh.


"tita sino namang pumunta dito? alam ba nilang ayaw mo sa roses?" naiinis na tanong ko dito, na para namang sasagot yung tita ko.


hindi sa kalayuan ay may nakita akong babaeng nag palalad papunta sa gawi ko, bakit siya nandito?


"ay sorry, hindi ko kasi alam favorite flower niya." nag kakamot pa siya ng batok. "yeah, paano mo malalaman yan kung wala naman kayo sa tabi niya simula nung una palang?" malamig na turan ko dito.



siya naman ay ngumiti lang at umupo sa tabi ko.




lumayo ako ng konti.



"hanggang kailan kaba magagalit saakin anak?" gusto kong masuka dahil sa tinawag niya sakin, kadiri.



"umalis kana dito bago pa kita gawan ng masama." napapikit na ako dahil hindi ko kayang kontrolin yung galit ko.




"alis na sabi eh! hindi kita kailangan dito!" tumango nalang siya at patakbong umalis sa pwesto ko.



tama naman yung ginawa ko.



after ilang years na nandito ako, hindi siya nag pakita sakin, tapos bigla siyang babalik kung kailang kaya kona yung sarili ko.


"kain nalang tayo tita, paniguradong nag aaway pa yung tatlong gurang na yon sa bahay." naiiling na saad ko tyka nilabas yung jollibee sa paper bag.



"eat well......"

the unwanted childWhere stories live. Discover now