chapter 6

230 44 3
                                    

hindi na gaanong masakit yung ulo ng babae pero nilalagnat parin ito, ang ipinag tataka niya lang ay bakit siya nasa kwarto, alam niya ay lumabas siya ng kwarto para kumain eh.


tinignan niya yung lamesa dahil may napansin siya don, merong jollibee na nakalapag don with note pa. 'eat well please.'

napailing nalang si shakira at kinuha na yung paper bag na nag lalaman ng jollibee, kumain na agad siya ng mabilis at halos mabilaukan na siya don.

favorite niya kasi yung jollibee at halos ngayon nalang din ito kumain ng ganito, siguro ay after 9 years? natapos siyang kumain ay ilalapag na sana niya ang paper bag sa lamesa ng may napansin ito.

"please take care of yourself, the doctor said you didn't eat food for almost 1 week and your body started to weaken, take your meds and rest."



dahil sa sulat na iyon ay napakamot siya ng noo at tinignan ulit ang paper bag, meron itong gamot na nakalagay sa loob, ininom na niya ito agad at natulog ulit.


nagising nalang siya ng may narinig siyang nag uusap sa tabi niya, pinakinggan niya muna yon pero isa lang yung familiar na boses sakanya.


nung umalis nalang yung isang estrangherong lalaki sa kwarto niya ay doon lamang siya dumilat at tumingin sa lalaking nakaupo sa tabi niya.

"vivien, ginagawa mo dito?" napangiwi pa ang dalaga habang nag sasalita. "tyka sino yun? hindi ko kilala yung boses niya." dagdag pa nito habang nakatingin sa pintuan niya na siguradong dinaanan ng lalaki.

imposible naman kasing dumaan siya sa bintana e maliit lang yung butas don dahil may bakal, imposible din na tumagos siya dahil bukas naman yung pinto.

"h-huh?" nagulat ang lalaki dahil hindi niya inaasahan yung tanong na iyon mula kay shakira, alam kasi niya na wala naman itong pakialam sa mga bagay bagay.

"vivien sabi ko sino yon?" umayos pa ng upo si shakira dahil naiinis na siya sa kalutangan ng lalaki. "a-ah! hindi ko din kilala eh, iaabot ko sana yung regalo mo kagabi na natanggap kay annikka kaso nakita ko siya dito sa loob. tapos ayon nag usap kami." nag kakamot pa siya ng batok habang nag sasalita.

hindi niya inaasahang meron palang ibang lalaki na papasok sa kwarto niyang ito, natatakot siya dahil mag isa lang siya dito ngayon.

'baka kapre yun?'

'may chanak bang dumalaw sa'kin?'

'aish ewan, cute naman boses nun eh.'

'chanak or kapreng cute ang boses?'

'hayy, ewan ko sayo arayah!'

"h-huh? parang ewan naman to, wala namang kapre sa umaga ah?!" sumigaw pa siya dahil kung ano ano ang iniisip niya.

nakatingin nalang si vivien sakanya habang may pag tataka sakanyang mukha, pero tumawa nalang ng mapag tantong iniisip pala ni shakira na merong kapreng dumalaw sakanya.

"may ganitong side pala siya." mahinang bulong ni vivien at tama lang na hindi narinig ng dalaga, pero alam niyang nag salita ito.

"ano?! tinatawa tawa mo dyan?!" inis na halos sumigaw na siya dahil sa lakas ng boses nito. "kainis namang kapre na yun, nahawa na ata si vivien." dagdag pa niya habang naka kunot ang noo.

the unwanted childWhere stories live. Discover now