"sino si shakira santiago?" tanong ng babaeng nag ngangalang savannah sarmiento francisco, lumabas ang labing limang taong gulang na dalaga.
kapansin pansin ang kanyang mahabang buhok at ang kanyang katawan, bukod kasi sa mahaba niyang buhok at magandang mukha ay sexy din ito.
"bakit?" tanong niya gamit ang kalmadong boses niya, lagi lagi naman ganito ang dalaga kaya sanay na ang mga tao doon.
"obvious naman na aampunin ka niya diba?" singit naman ni ms kathrine, napa irap nalang ang dalagang si shakira at lumapit doon sa lamesa ng ginang.
tinatanong ng dalaga na bakit siya aampunin non at ano ang kailangan sakanya.
"it's because gusto ko ng anak." medyo malambing na saad ng ginang na nag ngangalang si savannah. "ah tapos ako napili mo?" walang ganang saad ni shakira, tumango lang ang ginang pero iniwan na siya ni shakira.
"what?! why?!" hindi makapaniwalang saad ng ginang, si ms kathrine naman ay napahawak nalang sa ulo. "may trauma siya madam, her parents used to abused her when she's 8 years old." nagulat doon ang ginang pero hindi parin siya sumusuko.
gusto niya paring ampunin ang babae dahil alam niyang mabait ito, hindi siya susuko at babalik sa ibang araw para makumbinsi ang dalaga.
"okay madam, ingat po kayo." magalang na saad ni ms kathrine sa ginang, tumango naman ito at pumasok na sa kanyang kotse at umalis na.
-
"yuno?" saad ni shakira, kanina pa niya hinahanap ang bata ngunit hindi parin ito nag papakita sakanya. "aish, san ba nag punta yun?" saad pa ulit niya sa isip.
"ate shakira!" napalingon don si shakira, nakita na niya ang kanina pa niya hinahanap. bagong ligo ito kaya naman maaamoy mo yung kanyang pabango.
"wag ka tumakbo, yuno." kalmadong saad ng dalaga habang papalapit din sa pwesto ng bata. "bakit parang ang baho mo?" pabiro niyang saad sa bata, kaya naman ngumuso ito.
"ate kakaligo ko lang!" nakanguso pang saad niya, natawa naman ang dalaga habang inaamoy amoy pa ang leeg ng bata. "hahaha ate nakikiliti ako hahahaha ate!" halos hindi na masabi ng bata ang kaniyang sinabi dahil nauunahan yun ng tawa.
sa loob ng isang taon ay madaming pag babago ang naganap sa dalawang yon, mas lalo silang naging close kahit hindi naman sila mag kadugo.
itinuring ni shakira si yuno na nakakabatang kapatid, ganon din ang turing ni yuno kay shakira. dati din ay nilipat na si yuno sa kwarto ni shakira, pumayag naman kasi si ms kathrine.
naampon nadin sila vivien at viviex nung nakaraang buwan lang, kaya si yuno nalang talaga ang kasama ni shakira dito. bukod kasi sa hindi na dumadalaw ang kanyang kaibigan na si annikka, hindi na din siya ginugulo ng grupo ni ellie.
masaya naman siya dahil don pero nalulungkot parin siya dahil sa naiisip na kinalimutan na siya ng kanyang kaibigan.
pero ayos lang daw yun dahil meron naman siyang yuno na kasama dito sa bahay ampunan, ayos lang daw basta hindi siya iiwan ng bata.
pero....
"yuno santiago?" nagulat si shakira dahil sa last name ni yuno, ngunit mas lalo siyang nagulat dahil may nag ampon na sa kaniyang bunsong kapatid.
"s-santiago?" aniya sa kaniyang isip, pero umiling iling lang siya dahil baka coincidence lang iyon.
"ate!" umiiyak na sigaw ng batang si yuno habang humahabol kay shakira, nag iwas lang ng tingin ang dalaga dahil ayaw niyang makita na umiiyak si yuno.
baka daw umiyak din siya.
"yuno, come here nak." saad ng isang lalaki habang nakatingin kay yuno, si yuno naman ay umiling iling lang habang naka kapit sa kanyang ate shakira.
"ayaw ko pong iwan ka." umiiyak na saad ni yuno habang yakap yakap si shakira. "pero kailangan mo yun, sabi mo gusto mo ng magulang diba?" saad naman ni shakira.
sinusubukan niyang tanggalin ang pag kakayakap ni yuno sakanya ngunit hindi din nito matanggal dahil sa sobrang higpit non.
"yuno." saad ni ms kathrine, kaya wala ng nagawa ang bata kundi ang sumama sa kanya. "bye yuno, ingat ka don ah?" pahabol pa ni shakira bago siya umalis sa pwesto ni yuno.
"ayos na yon, kaysa naman maiwan siya kasama ko." umiling uling pa si shakira habang papalayo ng papalayo kay yuno.
YOU ARE READING
the unwanted child
Fantasyshakira santiago o zandria cielle francisco na ngayon. isang batang lumaki sa bahay ampunan dahil ang kaniyang magulang ay sinasaktan siya nung bata pa ito. si shakira ay kilala bilang isang tahimik na bata, hindi ito palangiti at pala kaibigan. kun...