chapter 16

187 44 2
                                    

"good morning class." bati ng teacher na pumasok sa loob ng room namin, siguro siya naman na yung teacher namin kasi obvious naman?




first day din pala ng school year ngayon, so hindi kona kailangan mag habol ng pinag aaralan nila? hayyy, ang daming hindi ko kilala dito.


lahat pala sila.



diba ang grade 10 palang ako kasi sixteen? tapos graduating palang, pero mukhang inadvance na ni mommy since ganon din yon?



unfair siguro sa iba yun, halos lahat naman basta mapera ka.



"please introduce yourself and why did you choose this strand." hala paano na to?! sasabihin ko bang kasi nandito yung dream na gusto ko?



"you first mister." saad ni ma'am at tinuro yung lalaking nasa harapan namin, gosh buti pala hindi ako sa harapan naupo.



"i'm demetrius martinez, you can call me trius. if you want, baby nalang para hindi mahaba." tumawa yung ibang kaklase namin pero tahimik lang yung iba. "pinili ko yung humss kasi sabi nila wala daw math dito." umupo na siya sa upuan niya na mukhang proud.




corny.



"i'm andrea ashley martinez, hindi kopo kapatid tong baliw nato." hinampas pa niya yung deme ata. "pinili ko yung humss kasi sabi ng iba maganda daw to." umupo na siya kaya naman nag sunod sunod na sila.



*


*


*


*



"i'm lianne salvador, you can call me lia for short. i choose humss because i want to boost my self confidence and also to prove myself that i'm not worthless individual." nagulat ako kung sino yung nag salita.



lianne?



sumunod ay mas lalo pa akong nagulat.




"i'm annikka perez but you can call me nikka for short, like lia i choose humss because i want to boost my confidence too." umupo siya sa upuan niya at nakipag apir kay lianne.



so close na sila ngayon at magkakilala pa? right.



nakatingin lang ako sa kanilang dalawa hanggang sa ako na yung mag iintroduce ng sarili ko, katulad ng dati hindi ako kinakabahan.



"i'm zandria cielle francisco, zc for short. i choose this strand because i want to improve my social and communication skills." umupo na agad ako ng hindi man lang tumitingin sa kanila.



nag english ba talaga ako? yehey, sasabihin ko to kay mommy.



hanggang sa matapos yung pag introduce ng sarili namin ay alam kong may nakatingin sakin, sino pa edi sila annikka at lianne.




"okay class, since nag introduce na kayo ng sarili niyo ay ako naman ang mag papakilala." saad ni ma'am sa harapan. "i'm merlizza fernandez, your adviser. please be quiet all the time because i hate loud noises." so bakit pa siya naging teacher ng humss? edi sana nag gas nalang siya.




sabi kasi ni mommy need daw ng maingay sa humss, paano mo daw ma develop yung social communication mo kung bawal maingay.



"i have rules and regulations here." saad ni ma'am at ipinakita yung powerpoint sa tv. "kindly pakisunod po ito, bawal mag tapon sa sahig at laging linisin ang room." hay, amboring naman.



sa tingin niya mukha ba kaming kinder? aish, speaking of kinder kamusta na kaya si yuno? dadalaw ako sa bahay ampunan mamaya para mabisita sila ms kathrine. kahit wala don si yuno.



matapos sabihin ang rules and regulations ay nag paalam na si ma'am, may sumunod pa na teacher at lalaki naman yun.



ganon parin ang ginawa namin at puro introduce yourself lang hanggang matapos na yung klase, uwian na. bukas pa dadating si mommy kaya naman pwede akong gabihin? i text ko nalang din siya na pupunta ako sa bahay ampunan ngayon.




anong oras naba?



3:46 pm.




maaga pa at pwede pa akong bumili ng pagkain nila ms kathrine sa bahay ampunan, ano ba ang pwedeng kainin ng mga bata don?



nag madali na akong lumabas ng room at dumiretso na agad sa labas ng school, sa tvu pala ako nag aaral. isang sikat na university dito sa cebu.



pero teka, sabi nila ms kathrine dati si lianne ay nag aaral sa nueva ecija, bakit siya napunta dito sa cebu? aish ewan, ayos na yun.



"pa daan sa jollibee kuya john." saad ko sa driver namin, tumango naman ito kaya naman inistart na niya yung kotse.




"drive thru nalang po ba ma'am?" tumango ako kasi nakatingin siya sakin gamit yung salamin na nasa taas, ewan tawag don.


ang daming pila dito, aish nag kumpulan na yung mga kotse at tricycle dito sa drive thru.

the unwanted childWhere stories live. Discover now