chapter 12

198 46 1
                                    

"hello? yes, yes." naalimpungatan ako dahil sa boses na yon, kinusot kusot kopa yung mata ko bago mapagtantong si mommy pala yun.

"ayus ayusin mo yang pananalita mo dyan walter, sinasabi ko sayo." ngayon ko lang siya narinig na magalit, at kung hindi ka sanay ay matatakot ka don dahil ang lamig ng boses niya.

parang ako pala siya, pero sanay naman ako dahil halos araw araw ay ganon ang uri ng pananalita ko.

"gising kana pala darling sorry nagising kita." lumingon ito sakin bago haplusin yung buhok ko. "o sge, mamaya nalang." paalam niya sa kausap at tinuon na ang pansin sakin.


"are you hungry? nandon at nag luto na yung chef, kain na tayo." sunod sunod niyang sabi habang inaalalayan akong tumayo.


sinabi ko nalang na mag hihilamos muna ako bago bumaba kaya nauna na siya sa sala.

pumunta na agad ako sa cr at doon na nag silamos, meron pang sabon dito pero hindi ko naman alam kung anong brand kaya hindi kona ginamit.


plus, hindi naman talaga ako nag sasabon ng mukha tuwing nag hihilamos.


pagkababa ko ay naabutan ko don si mommy sa sala habang may kausap nanaman sa selpon, mukha siyang stress habang may kausap.


"walter sinasabi ko naman sayo, nasan si wade?!" nakahawak pa siya sa kanyang noo kaya naman binagalan ko nalang yung lakad ko. "papauwiin ko kayo sa pilipinas sinasabi ko sainyo." sabi niya sabay patay ng selpon.


tinignan niya ako kaya ngumiti siya at sinenyas na umupo sa tabi niya, sinimulan na naming kumain at buti nalang dahil pancake ang breakfast.


"hm, nak maligo kana after tapos aalis na tayo." tumango nalang ako at binilisan na sa pagkain dahil mukhang mas excited pa siya sakin.





mother and daughter bonding daw ata........



pagkatapos naming kumain ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko para maligo, sinubukan kong gamitin ang shower at sobrang lamig.


may pinindot lang ako don kaya naman medyo maligamgam na yung tubig, tyka ako nag shampoo at conditioner na nakita ko lang sa itaas ng lababo.



after kong maligo ay nag suot lang ako ng bathrobe at pumunta sa walking closet, nakalimutan ko kasing kumuha ng damit don.



pero mukha namang ganon talaga yung ginagawa ng ibang tao tuwing may walking closet eh, kasi hindi naman sila mag lalagay ng ganto kung hindi nila trip.



kumuha lang ako ng damit na kulay white, oversized t-shirt na hanggang puson ko lang naman. tyka ako nag suot ng square pants na kulay black at tinernuhan ng nike na sapatos.



pag tingin ko sa salamin ay napangiwi ako dahil sa nakita, mukha akong tanga! napanguso nalang ako pero hindi na nag palit dahil tinatamad.



"mommy." bati ko sa ginang na naka upo sa sofa, tumingin ito sakin tyka ngumiti. "your so pretty darling." saad niya habang lumalapit sakin.



napalabi pa ako dahil ngayon lang ako naka tanggap ng papuri, sa buong buhay ko, ngayon lang talaga. akala ko din magagalit siya sa suot ko at pag papalitin ako ng dress dahil meron don.



ngunit hindi dahil mukhang natutuwa naman siya na ganito yung suot ko, tyka ko din naisip na ayoko nga pala sa dress dahil ang uncomfortable sa pakiramdam.




"let's go?" tumango lang ako dito kaya naman nauna na siyang lumabas ng mansion, sumunod nalang ako dito at lalo nanaman akong napanganga dahil sa nakita.



kagabi kasi ay hindi ko masyadong nakita yung labas ng mansion dahil masyadong madilim, pero mas lalo akong nagulat dahil sa kaliwang sulok dito sa labas ay merong garden, samantalang sa kabila ay swimming pool.



pagkatapos naming lumabas ay sumakay na agad kami sa kotse, tyka niya sinabi sa driver kung saan kami pupunta.


"five star nigira mall." saad ni mommy sa driver kaya naman tumango ito at nag drive na paalis sa mansion. ngayon ko lang din napansin na malayo pala ang mansion na tinatayuan na yon dahil puro puno ang makikita dito at walang kapitbahay.



"what do you want to buy?" kahit nasa kotse palang kami ay tinatanong na agad niya ako, wala pa naman akong idea dahil ngayon lang ako pupunta sa mall.



umiling iling nalang ako dahil wala naman talaga akong gustong bilhin, bukod sa meron na akong mommy, sariling kwarto, pagkain na masarap, wala na akong gusto.



"i'm going to italy since there's an emergency there, yung mansion na yan ay sayo talaga naka pangalan kahit hindi kapa pumayag na maampon ka." nagulat ako sa sinabi ni mommy, kahit daw hindi ako pumayag?



tyka akin yung mansion? kailan pa?



"don't worry, even your just a sixteen years old, i trusted you." sabi niya habang nakangiti, ako naman ay naguguluhan parin.


bakit niya ibibigay yung mansion niya sakin kung hindi naman namin kilala yung isa't isa, tyka isa pa hindi naman niya ako kilala ng lubusan.



"even my company, ceo kana don simula ngayon, okay?" mas lalo akong nagulat, sino naman pumayag na maging ceo ako ng isang kompanya?


"m-mommy, sa tingin kop-" hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko ng mag salita ulit siya. "ayan nalang yung request ko sayo, kaya tanggapin mona." wala na akong nagawa kung hindi tumango dahil sa sinabi ni mommy.



"do you want to change your name?" wala pang isang segundo ay tumango na agad ako dito, hindi ko din naman kasi gusto yung pinangalan nila sakin.


"okay, before i leave this country papalitan na agad natin yung name mo." ngumiti siya kaya naman ngumiti din ako.


'shakira arayah santiago to zandria cielle sarmiento francisco.......'

the unwanted childWhere stories live. Discover now