"hey, sorry kung pumasok na ako sa loob." saad ni caspian habang nag lalakad papunta sa gawi ko. "nahihiya akong bumaba." nakangiwing saad ko dito habang nakatingin sakanya.
pagtapos niyang mag lakad ay tumayo siya sa harap ko at tinignan si yuno.
"ang cute ni yuno matulog." saad niya habang tinitignan parin ang bata. "sabi ko nahihiya akong bumaba." ulit ko ulit, bingi ata to eh.
dati may kuto ngayon naman bingi na.
"it's okay, hindi ka lang sanay sa presensya nila. samahan na kitang bumaba don?" naupo siya sa gilid ng kama ko. "okay, mag bibihis lang ako. wag mo gisingin yan." nag lakad na ako papunta sa walking closet ko tyka ako nag palit ng damit.
white t-shirt na may mukha ni luffy tapos pajama na kulay gray sempre.
"tara na." hinila kona si caspian dahil baka magising pa si yuno, ayoko namang magising yung baby ko dahil baka tulog.
"ilan taon kana caspian?" tanong ko sakanya habang pababa kami ng hagdan, tumigil siya sa paglalakad at nginitian ako. "18." tumango nalang ako.
16 ako at 18 siya, wala lang, pwede ko kasi siya maging kuya. masarap ata sa feeling na merong kang tatawagin na kuya eh.
ilang saglit lang ay natigilan ako dahil sa naramdaman, hawak kopa pala yung kamay niya mula sa pag hila ko sakanya paalis ng kwarto ko.
"sorry, ang komportable kasi hehe." saad ko habang binibitawan yung kamay niya, first time holding hands ang init ng palad niya.
siya naman ay ngumiti lang habang nauna ng bumaba, luh na awkwardan ba siya? nag sorry naman na ako sakanya eh.
"so how's life caspian?" tanong ni mommy kay caspian pagtapos naming dumating sa sala, hindi ba tinanong ni mommy yun kanina. "i'm okay tita, malapit ng grumaduate ng grade 12." si mommy naman ay tumango lang.
para akong naliligaw dito.
"how about you thaddeus?" tanong ni tita carla sa isang lalaki, katabi namin ni caspian. "same as caspian, aunty." simpleng saad niya, omo ang galing.
parang ako lang siya.
tumagal lang saglit yung usapan nila at umalis nadin agad sila tita carla, naiwan nalang dito sa bahay ay si caspian at yung tatlong lalaki na kasama niya kanina.
"tita, hindi ba kami pupunta sa company ngayon?" pag sisimula ni caspian kay mommy, busy silang mag usap tungkol sa business eh.
akala ko 18 years old siya, bakit may alam na agad siya sa business.
"oo nga pala, about that, isama niyo si zandria pag pumunta kayo don ngayon." natigilan kaming lahat dahil sa sinabi ni mommy, ngayon araw naba agad yon?!
"eh?" -kaming lahat maliban kay mommy.
"what? you guys should go na." sinenyasan pa kami nito na umalis na, seriously? yung damit ko, naka pajama panga ako ngayon.
"ano, mag rereklamo pa kayo? tanggalan ko kaya kayo ng ngipin isa isa?" dahil sa sinabi ni mommy ay nag takbuhan yung mga kasama ko.
like as in, kaming dalawa nalang ni mommy yung naiwan dito sa sala, iniwan ako.
YOU ARE READING
the unwanted child
Fantasyshakira santiago o zandria cielle francisco na ngayon. isang batang lumaki sa bahay ampunan dahil ang kaniyang magulang ay sinasaktan siya nung bata pa ito. si shakira ay kilala bilang isang tahimik na bata, hindi ito palangiti at pala kaibigan. kun...