zandria point of view.
"mommy!" tumakbo ako papunta kay mommy, ilang araw ko din siya hindi nakita, siguro mahigit isang linggo din. "welcome back po." saad kopa dito habang tinatanggal ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko.
niyakap naman niya ako habang hinahaplos ang buhok ko, mas mahal niya ata yung buhok ko kaysa sakin eh, iiyak naba ako?
"i missed you darling! how's your school and study?" napangiwi ako dahil sa narinig. "wala pa naman pong itinuturo sa school since isang linggo palang po yung klase namin." magalang na saad ko dito.
hinila niya ako papunta sa sala at parehas kami dun na naupo.
"mommy, pwede po ba tayong pumunta sa bahay ampunan?" tanong ko dito pagtapos naming umupo. "sure darling, ngayon naba?" tumango tango ako.
gusto ko ulit makita si yuno, paniguradong namimiss na ako ng
batang cute yun."okay, we'll go there okay? change your clothes na then we will leave." umakyat na agad ako ng hagdan ng marinig yung sinabi ni mommy.
i'm so lucky to have her, kahit hindi kami mag kadugo, ramdam na ramdam ko na mahal na mahal niya ako.
"mommy, sino pala yung pumunta sa mansion nung umalis ka papuntang italy?" tanong ko. "na c-curious po kasi ako, tapos sabi niya tita ka daw niya." dagdag kopa.
ngumiti ito bago sumagot.
"he's my pamangkin, kapatid ng anak ko." pakiramdam ko ay nag ningning yung mata ko. "may kapatid po kayo? pwede po ba tayong pumunta don?" hyper na sabi ko dito.
nakikita ko naman na napapangiti siya kaya nag tataka pa ako.
"okay, after nating bisitahin yung bahay ampunan pupunta na tayo don." tumango ako ng ilang beses bago tumingin sa bintana.
"mommy, pwede po ba tayong pumunta muna sa mall? gusto ko pong bigyan ng laruan yung mga bata sa bahay ampunan." naalala ko lang kasi, nag aaway sila sa mga laruan don.
"mhm, mang john sa nigira mall tayo." sabi ni mommy sakin at sa driver, parehas naman kaming tumango ni kuya john.
pag park palang ng kotse sa parking lot ay tinanggal kona agad yung seat belt ko at nauna ng bumama ng kotse, sumunod nalang sakin si mommy kaya naman dumiretso na agad kami sa bilihan ng laruan.
ako sa isang cart tapos si mommy naman sa isa, pang babae yung mga laruang binibili niya tapos sakin naman pang lalake.
nakahiwalay pa yung kay yuno.
pinag masdan ko siya nung mga ilang araw, kahit hindi siya nakikipag laro sa ibang bata dahil sino sila close. alam kong nakatingin siya sa kotse kotsehan ng mga bata na yun.
"darling it's okay, bilhin mona kung gusto mo." napangiwi ako sa sinabi ni mommy pero kinuha ko padin, kay yuno lang naman eh.
transformer na kotse kotsehan.
"you must very liked that kid anak." tumango ako kay mommy habang nakangiti, yes mom he is. "you look so beautiful whenever you smile." feeling ko ay namula ako sa sinabi niya.
hindi naman ako naapektuhan sa mga sinasabi ng tao sakin, pero bakit siya kahit konting salita lang ay sobrang sarap sa pakiramdam ko?
"okay na po ito mommy, baka masyado silang mag hangad if dinagdagan pa natin." saad ko kay mommy, umaapaw na kasi yung dalawang push cart na hawak namin.
"ako na mag bayad sa mga to nak, ikaw na dyan sa nakahiwalay na yan." tumango nalang ako kaya nag hiwalay kami ng counter ni mommy.
habang nag babayad ay meron akong nakitang can bank, nag hulog na agad ako don ng one hundred na coins, i d-donate daw kasi sa bahay ampunan din.
"card ms?" tumango ako habang hinahanap sa bulsa ko yung card, tyka ko sakanya inabot yon. "thanks for shopping, see you again ma'am." kinuha ko na agad yung dalawang paper bag na pinag lalagyan ng laruan ni yuno.
tapos na din mag bayad si mommy kaya nag patulong pa kami na ibaba yung isang pushing cart hanggang sa parking lot.
ang energetic ko ngayong araw, tapos baka mamaya may problema nanamang dadating sa'kin. lagi namang ganito yung sitwasyon ko, magiging masaya tapos ayon nanaman.
YOU ARE READING
the unwanted child
Fantasyshakira santiago o zandria cielle francisco na ngayon. isang batang lumaki sa bahay ampunan dahil ang kaniyang magulang ay sinasaktan siya nung bata pa ito. si shakira ay kilala bilang isang tahimik na bata, hindi ito palangiti at pala kaibigan. kun...