"hala so totoo ngang aampunin nadin si annikka?!" malakas pero may gulat na saad ng isang dalaga.
"yes, ackkk! proud na proud ako sa kanila ni lianne!" saad din ng isang bata doon.
"tayo nalang napag iwanan tyka yung isa d'yan, baka mauna pa tayong maampon eh." pag mamayabang naman ng isa habang ang tinutukoy ay si shakira.
ilang buwan nadin simula ng umalis sa bahay ampunan si lianne, pero hindi padin ito dumadalaw dito dahil nag aaral na daw sa isang private school sa nueva ecija.
napatahimik si shakira sa isang sulok dahil sa kung ano ano ang pumapasok sa kaniyang utak, isa na don na baka makalimutan siya ng kaibigan.
"ingat ka don annikka." tipid na saad niya sa babae tyka siya na ang yumakap dito, gulat pero masaya si annikka na ginantihan ng yakap ang babae. "ma m-miss kita aki! babye!" huling paalam ng masayang si annikka habang kumakaway pa kay shakira.
tinawag na kasi ito ng umampon sa kaniya, isang babaeng maputi pero mukhang matanda na, mukhang mayaman din ang babae dahil may bodyguard pang kasama.
ngumiti si shakira ng palihim kahit nasasaktan siya na wala na yung bestfriend niya, nangingibabaw naman ang saya sa puso niya na kanina pa pinipigilan dahil proud siyang may umampon na sa kaibigan.
"w-wag mo akong kakalimutan..... p-pakiusap...."
-
"hoy shakira, tumulong kanga dito!" masungit na saad ni vivien sa babae pero hindi siya pinansin ni shakira, abala padin ito sa kaniyang ginagawa simula pa kanina.
gumagawa kasi siya ng isang bulaklak gamit ang colored paper na nakita niya lang sa gilid gilid.
"aba't ayaw mopa?!" singit naman ni viviex sa harapan niya, kaya walang nagawa si shakira kundi sundin ang utos ng dalawang yun. "susunod din pala mp! may bisita kasi dito mamaya, malaki yung dinodonate nila dito kaya kailangang mag handa, tyka meron din kasing party tayong mga nanditong bata kaya ganyan." dagdag pa ng babaeng si viviex, kambal ni vivien.
napa buntong hininga nalang si shakira dahil wala siyang naalala na nag tanong siya sa mga ito tungkol sa bagay na iyon, pero as if namang may pake daw siya sa mga ito!
"wow? tumutulong si shakira? haha gawain ba yan ng mga sipsip?" natawa ang grupo nila ellie habang nilalait si shakira na nag aayos lang ng lamesa.
"tigilan niyo siya." saad naman ni vivien kaya natahimik ang mga babae, may ilan ding tumingin pero napailing nalang ang lalaki dahil sa iniisip ng mga yun.
"may colored paper pa?" cold na tanong ni shakira sa mga kasamang nag aayos ng lamesa, si vivien at viviex lang naman yun kaya hindi na siya nahiya.
tinuro lang ni viviex yung lalagyan ng colored paper pero binalaan niya ito. "wag mong ubusin, may pag gagamitan pa tayo niyan." hindi na ito pinansin ni shakira at kumuha nalang ng ilang pirasong colored paper don.
gumagawa siya ng bulaklak na tulips, favorite niya kasi ang bulaklak na yon dahil bago siya lumayas sa bahay nila ay meron siyang nakitang lalakeng matangkad na may hawak na ganon, tapos naalam niya lang na tulips pala ang tawag don kaya gumagawa siya non kahit papel lang ang gamit.
iba't ibang kulay ng bulaklak ang kaniyang ginawa, maliliit lang ito kaya nalagyan niya ng mga boquet tulips ang mga lamesang naayusan na.
"ang ganda neto aki!" saglit pang napatigil si shakira dahil naaalala niya ng kaibigan niya, aki kasi ang madalas itawag neto sakanya. "kailan kapa natutong gumawa nito?" tanong ni viviex, pero hindi siya pinansin ni shakira at nilagpasan nalang siya.
wala pang isang araw pero nam-miss na agad niya ang kaibigan, napabuntong hininga nalang siya at pumasok sa kwartong tinutulugan nila ni annikka, namimiss na tuloy niya ang babae, lalo na yung makulit na boses nito.
YOU ARE READING
the unwanted child
Fantasyshakira santiago o zandria cielle francisco na ngayon. isang batang lumaki sa bahay ampunan dahil ang kaniyang magulang ay sinasaktan siya nung bata pa ito. si shakira ay kilala bilang isang tahimik na bata, hindi ito palangiti at pala kaibigan. kun...