chapter 14

190 44 3
                                    

pag uwi ko sa mansion ay pagod na pagod ako, binigay ko nalang sa maid yung mga binili kong gamit, lalo na yung school supplies ko na kailangan pang ayusin.


pumunta na agad ako sa kwarto at doon ko binuksan yung cellphone na binili ko, nag pabili nadin ako ng sim sa driver para may pang contact ako kay mommy.


pag open ko ng cellphone ay kinabit kona agad ang sim non tapos yung case na clear, kitang kita tuloy kagat na apple don.




tinry ko mag picture at nakita kopa yung salamin kaya naman tumayo ako don at nag picture, buti nalang at malinaw yung camera.



naligo nalang ako saglit tyka ako humiga sa kama, hindi padin ako kumakain dahil na busy ako sa pag bili ng gamit sa national bookstore.



hindi nalang ako kakain, sanay din naman akong hindi kumain dahil lagi lagi akong gutom sa bahay ampunan. pero minsan ay nahihilo padin ako tuwing nalilipasan na talaga ng gutom.


paggising ko ay maliwanag na sa labas, tumatagos na kasi sa bintana at kurtina yung liwanag na nanggagaling sa araw.


nag hilamos lang ako saglit at bumaba na sa first floor, don ko naabutan yung mga maids na busy mag linis. kahit saang sulok ng mansion ay merong nag lilinis.


hay sana all, may sweldo kaya pag nag linis ako?



"good morning ma'am shakira." saad ng isang babaeng sa tingin ko ay kaidaran lang ni ms kathrine. tinitigan ko lang ito  at umalis na sa pwesto niya.



gusto kona kumain.




"anong breakfast?" saad ko sa sarili ko habang naka hawak sa tyan, simula kagabi ay hindi ako kumain. "buti nalang at hindi na ako ganoong nahihilo." dagdag kopa.




may time kasing bigla bigla nalang ako nahihilo pag nalilipasan ng gutom, kahit kumain ako minsan ay nahihilo parin. grabe yung sarili ko ah, hindi naman maganda pero sensitive.




"kumain na po kayo ma'am." hindi ko alam kung tanong ba yon or inaaya niya akong kumain. "ano yung pagkain?" tanong ko sa maid, itinuro niya sakin yung dining area at nag lakad siya papunta don.



mukha bang hindi ko alam kung nasaan yung kainan dito?




"chocomoist cupcake and strawberry shortcake cupcakes filled with fresh strawberry sauce and topped with vanilla whipped icing." napangiwi ako dahil puro sweets yon.



"wala bang hindi matamis?" isa pa sa problema sakin ay hindi ako kumakain ng matatamis, ilang sigundo lang na hindi ako umiinom ay sumasakit na agad lalamunan ko.



sabi sainyo eh, wala namang dahilan ng pagiging sensitive ko.



"ah eh, sandwich lang po." nag kamot pa siya ng ulo niya na parang nag tataka, mukha ba akong baliw? "yun nalang please." tumango ito at umalis na muna ng dining.


pagbalik niya ay meron na siyang dalang sandwich, strawberry, at juice. sabi ko na ayoko ng matamis eh.



pagkatapos kong kumain ng sandwich at juice  ay nag ligpit lang ako ng pinagkainan ko at umakyat na ulit ako sa taas, meron daw kasing pupunta dito na tao mamayang hapon.



anong oras naba?



tinignan ko sa wall clock kung anong oras na, malapit palang naman mag alas nueve kaya pwede pa akong matulog. nagising ako bandang ala una ng hapon, nag madali na akong maligo dahil dadating na daw yung bisita.



nakatawag nadin sakin si mommy, malapit na daw siyang umuwi pero matatagalan pa ng onti dahil sa patong patong na emergency sa company nila sa italy.




[maybe two days anak.]




bumaba na ako at nag punta sa sala, hihintayin ko nalang dito yung bisita na sinasabi ni mommy. sabi pa niya na makipag usap daw ako don ng pormal at wag mahiya.





sino ba nag sabing mahihiya ako? hindi naman ako nahihiya.

the unwanted childWhere stories live. Discover now