"hey, wake up." kinusot ko ang aking mata dahil hindi ko makita kung sino ang nag sasalita sa harapan ko. "we're going home." ah si caspian pala.
pero teka, bakit siya nandito sa kwarto ko?
"h-huh?" nag tatakang aniya ko sa kaniya, sabi niya uuwi na daw kami? eh nandito nga ako sa kwarto ko, baka siya na yung uuwi sa kanila.
"hinahanap kana ni tita." dahil sa sinabi niyang iyon ay dinilat kona ng maayos yung mata ko, nakatulog pala ako sa bench dito sa garden.
oo nga pala, umalis ako sa company nila mommy.
"bakit ka nandito?" tanong ko sakanya, diba dapat nasa company pa siya? "sabi mo uuwi kana, hindi mo pala alam yung address ng sarili niyong bahay." nakapamulsa pa siya, hindi naman niya yun kina cool.
tyka galit ako sakanya eh.
"hinahanap kana ni tita, sabi niya dito kalang daw pwedeng pumunta kaya sinundo na kita." nauna na siyang mag lakad. "sumunod kana sakin, ayaw mo naman sigurong buhatin kita diba?" umirap nalang ako at nauna na sakanyang sumakay ng kotse niya.
sempre sa backseat ulit, pero wala na si thaddeus eh.
baka nauna na siyang umalis or sumabay na kila sino yun? ah basta ayon.
pag dating sa bahay ay nauna na akong lumabas ng kotse, tyka ako pumunta sa sala kung nasaan si mommy, hindi siya mapakali kakalakad don.
'nag alala ba siya sakin?' nakagat ko yung gilid ng labi ko dahil sa naisip, hindi ko pala siya na text bago ako makatulog.
"anak!" tumakbo si mommy papunta sa gawi ko ng makita niya ako, tyka ako nito niyakap. "pinag alala mo naman ako eh." dagdag pa niya na para bang iiyak na.
hindi naman ako nag layas ah? nakalimutan ko lang address ng bahay namin.
"kumain kana ba? tara na, ipag hahain kita." umiling iling ako habang tinatanggal ang pag kakayakap niya sa akin. "hindi na po, pagod na ako mag papahinga nalang po ako." saad ko sakanya.
kahit gulat siya ay tumango nalang habang may pilit na ngiti.
"nandon pa pala si yuno sa kwarto mo nak, matulog kayo ng mahimbing don ah?" nauna na akong mag lakad papunta sa taas ng hindi siya nililingon.
pag akyat ko ay pumunta na agad ako sa kwarto at diretso na sa bathroom, maliligo nalang ako para matanggal yung sakit ng ulo.
nag bihis na agad ako at dumiretso sa kama, nakita ko agad si yuno na mahimbing na natutulog.
napangiti ako sa nakita.
dati pangarap ko lang na magkaroon ng kapatid na bunso, pero hindi ko inaakalang si yuno pala yon. swerte ko din kasi hindi ako nalayo sakanya, hindi kona siya iiwan kahit kailan.
YOU ARE READING
the unwanted child
Fantasyshakira santiago o zandria cielle francisco na ngayon. isang batang lumaki sa bahay ampunan dahil ang kaniyang magulang ay sinasaktan siya nung bata pa ito. si shakira ay kilala bilang isang tahimik na bata, hindi ito palangiti at pala kaibigan. kun...