"hey zandria, how old are you?" nandito kami ngayon sa kotse ni caspian, nasa backseat kaming dalawa ni thaddeus.
yung dalawa kasi naming kasama ay may sariling kotse kaya hindi namin kasabay dito, pero kung kasabay namin yun ay baka sa bubong nalang ako ng kotse sumakay.
"she's 16 dambass, so shut up now." pati si caspian ay napalingon na kay thaddeus, kanina pa makulit yung dalawang to.
"i'm just asking bro, tch." napairap nalang ako sa kanilang dalawa at humarap nalang sa bintana ng kotse.
kasunod pala namin yung kotse ng dalawa nilang kaibigan, si zacchaeus at caden.
"where's ashley? i've never seen her lately." seryosong saad nanaman ni thaddeus kay caspian. "i don't know either so stop asking me." sungit naman nila.
anong oras naba?
tinignan ko yung cellphone ko at five pm palang, uwian kasi namin kanina ay two pm kaya maaga akong nakauwi.
"zacchaeus said he seen her sa bar, pero pag lingon daw niya ulit wala na." pinark na ni caspian yung sasakyan sa parking lot sempre.
nauna na akong bumaba at napanganga dahil sa nakita.
"caspian, si mommy ba yung nag m-manage ng company na ito?" manghang tanong ko kay caspian habang iniikot ang paningin sa building.
"yes, tita was amazing right?" tumango tango ako dito habang nililibot parin yung tingin sa kabuuan ng building. "sa loob tayo." saad niya habang nauna ng mag lakad papunta sa loob.
patakbo akong sumunod sa kanilang apat, kung titignan kami ng mga tao dito ay alam ko yung iisipin nila, kapatid ko tong tatlong to!
aish pero malabo eh, kasi maganda ako sila pangit, edi kinidnap nila ako?!
"hey zandria, be careful." tumango nalang ako at nag lakad ng dahan dahan, nasa likod parin nila ako hanggang ngayon.
"good afternoon sainyong lahat sir." bati ng mga empleyado dito, sila ba yung mga swineswelduhan dito? nakakatakot itsura nila.
yung mga kasama ko naman ay nilampasan lang sila kaya yun nalang din ginawa ko, pero hinarangan ako ng isang babae.
"where do you think your going miss?" mataray na saad niya habang nakaharang parin siya sa dinadaanan ko kanina.
"sinusundan yung apat na yon." tinuro kopa sila caspian na patuloy paring nag lalakad na parang hindi ako napansin na wala na sa likod nila.
susumbong ko sila kay mommy mamaya.
"and why the hell your doing that?" saad nanaman niya, nauubusan na ako ng pasensiya sa isang to.
lahat tuloy ng tao dito sa baba pinagtitinginan na kami, ano bang kasalanan ko? eh sabi ni mommy isama daw ako dito eh.
"get out miss, nanggugulo kalang dito." dagdag nanaman niya kaya ngumuso nalang ako at lumabas na ng building.
akala kopa naman makakapag libot na ako dito sa company ni mommy, yun pala hindi dahil iniwan ako nila caspian dito.
umupo nalang ako sa gilid ng hagdanan at nag cellphone, hihintayin ko nalang silang lumabas dito. pero sana wag nilang tagalan kasi malamok.
habang nag c-cellphone ako ay may narinig akong boses, tinatawag yung pangalan ko.
"hey zandria, what the fuck are you doing here?" ah si caspian pala, ay nag mura siya? ang sama naman pala niya eh, isusumbong ko siya kay tita carla.
"i said what the fuck are you doing here?!" tumayo na ako dahil sa gulat, sinigawan niya ako? akala ko pa naman tapos na yun.
akala ko lang pala.
"uuwi nalang ako, bye." tumakbo na ako palayo sakanya, tyka ako sumakay sa taxi, sempre joke lang na uuwi ako. hindi konga alam address ng bahay na yon.
"mariah orphanage po." saad ko sa taxi driver pagtapos sumakay ng taxi, alangan naman sumakay ako ng truck tapos taxi driver uutusan ko.
YOU ARE READING
the unwanted child
Fantasyshakira santiago o zandria cielle francisco na ngayon. isang batang lumaki sa bahay ampunan dahil ang kaniyang magulang ay sinasaktan siya nung bata pa ito. si shakira ay kilala bilang isang tahimik na bata, hindi ito palangiti at pala kaibigan. kun...