chapter 19

182 44 4
                                    

"yunooo!" sigaw ko kay yuno ng makita siyang nakikipag laro sa isang batang babae dito sa playground.



busy sila sa pag lalaro ng kung ano doon.


tumingin siya sakin sabay takbo, ako naman ay lumuhod habang inaabangan siyang makapunta sa gawi ko, nang makalapit siya ay niyakap ko na agad siya, namiss ko talaga yung batang ito.



"atee! nag lalaro po kami ni jasmine." itinuro pa niya yung pwesto nila kanina kung saan sila nag lalaro, pero sempre wala na dun yung kalaro niya.



nag tago sakin, dapat lang na matakot siya. bakit kasi niya pinatakbo si yuno diba? edi nadapa yung baby ko, nag karoon tuloy siya ng peklat sa tuhod.




"kamusta ang baby ko? may pasalubong sayo si ate, tara sa kwarto mo." binuhat ko siya sabay lakad sa isang kwarto, silid to ng mga batang kaedaran lang niya.



wala ng nag k-kwarto sa dati naming kwarto kaya bakante na yon, hindi naman din pwedeng gamitin ni yuno dahil masyadong malaki at may bakante pa naman sa iba.


"akin po lahat yan?" nag n-ningning pa yung mata niya habang nakatingin sa mga laruan, tumango lang ako sakanya habang binababa siya sa kama niya.


"woahh, ang ganda po ate!" amazed na amazed na sabi niya habang binubuksan yung mga laruan. "ate aalis ka po ba mamaya, hindi ka dito matutulog?" tinigil niya pa yung pag bubukas sa laruan niya sabay tingin sakin.


kahit hindi ko gustong iwan siya ay bawal naman ako mag stay dito, may pasok na ako sa isang araw.


"yeah, aalis din si ate." lumuhod ako sa harapan niya habang inaayos yung mahaba niyang buhok. "ang cute cute mo, picture nga tayo." kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa sabay click ng camera.



0.5 nalang ginawa ko tapos yung pose namin ay kiniss ko siya so naka side view ako, tapos siya naman ay nakatingin sa camera, yung pangalawang picture ay simpling selfie lang na mag kadikit kami tapos naka thumbs up siya.




habang nasa labas na ulit kami ay tinanong niya ulit ako.



"ate hindi ka talaga dito matutulog?" malungkot na aniya ni yuno, umiling iling ako dito tapos binuhat siya.




"mag take ako ng video ah?" sabi ko dito sabay abot ulit ng cellphone ko sa bulsa, cinlick ko lang yung camera tapos video agad.



"mag hi ka sa camera yuno." itinapat ko sakanya yung cellphone kaya todo ngiti siya, ako naman ay pasimple ding nangingiti dahil sa ka cute-an niya.



"heyow, ako po si yuno." saad niya habang nakangiti at kumakaway kaway pa sa camera. "ilang taon kana daw baby?" tanong ko dito.



"mag six years old po." sabi niya habang nakatingin na sakin. "ate ang ganda mo po tuwing nangiti." dagdag pa niya, bigla ako don natigil dahil sa narinig.



"talaga ba?" hindi ko na namalayan na naka ngiti na pala ako ng mawalak sa harapan niya, sa camera din. "opo, opo. ganyan nga po ate." naramdaman ko yung maliliit niyang palad na dumapo sa pingi ko.



bakit parang ang gaan talaga ng loob ko sakanya? dati ay tuwing nakikita ko lang siya sa playground ay iniiwasan ko siya, tapos ngayon pag iiyak or madadapa lang siya natataranta na ako.



ayaw ko siyang makita na umiiyak, nasasaktan din ako tuwing nakikita ko siyang punong puno ng luha sa mata.



**


authors note

kabahan kana zandria, mag overthink ka kung
sino si yuno sa buhay mo
at bakit siya importante sayo, mamaya isa pala siyang ipis dati tapos kaibigan mo siya noon.

the unwanted childWhere stories live. Discover now