shakira pov.
"nak, gusto mo bang mag shopping tayo? or gusto mo bang kumain sa restaurant?" hyper sa tanong saakin ni mommy, umiling iling nalang ako habang tinitignan ang kanyang itsura.
hindi ko talaga maiwasang hindi maging emosyonal lalo na't sobra niya akong inaasikaso dito sa mansion, hindi ko din naman alam na ganito pala siya ka seryoso sa pag ampon sakin.
"hmn, i enroll na kita sa school and need pa natin bumili ng school supplies mo nak." nagulat pa ako pero tumango nalang ulit habang nag lilibot ng tingin sa mansion.
"mr- m-mommy, sure ka po ba sakin?" mahinang tanong ko dito, sakto namang narinig niya iyon kaya nagulat pa siya. "what are you saying ba? ofcourse i am, hindi naman kita kukulitin diba?" tumango ulit ako habang naka yuko.
baka kasi iwan niya ako at ipag palit sa ibang bata, mamaya mag sawa siya sakin tapos mag hanap ng ibang anak.
"hey, what are you thinking? i won't leave you okay?" niyakap pa ako nito kaya naman hindi kona napigilan yung iyak ko. "shhhh, tahan na anak." hinagod hagod pa niya yung likod ko kaya naman mas lalo akong naiyak.
sa buong buhay ko kasi ngayon lang ako nag karoon ng kasama sa lahat, sa tuwing umiiyak ako ay wala kahit isang nandyan para sakin. natutulog akong merong mabigat na nararamdaman, tapos gigising ng wala na yon.
pero ngayon kasi ay parang iba, merong yumayakap sakin at hinahayaan lang na ibuhos ko lahat ng nararamdaman ko. kung panaginip man ito ay ayoko ng magising.
"okay na, tahan na." inalis niya ang pag kakayakap sakin at pinunasan ang luhang tumutulo sa pisngi ko. "tara sa kwarto mo." nagulat pa ako dahil sinabi niyang kwarto ko.
ibig sabihin wala akong kasama don?
umakyat kami sa second floor at nag lakad papunta sa dulo non, tapos binuksan niya yung isang pintuan. mas lalo akong napanganga dahil sa nakita.
"pasok ka." nakangiting saad niya pagkatapos buksan yung pintuan, makikita mo agad sa kwarto na araw araw itong nililinis.
"matagal kona yang pina ayos sa mga maid, pero araw araw nililinis dahil hindi ako sumusuko na ampunin ka." nakatingi pang sabi ni mommy.
na guilty naman ako dahil natagalan ako sa pag payag na ampunin niya ako.
hinila niya ako papunta sa kama, nilibot kopa ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto, mas lalo tuloy akong namangha!
"this will be your permanent room okay?" tumango tango ako habang ginagala ang paningin sa kwarto.
yung theme ng kwarto ay kulay gray, favorite color kopa. tapos meron ding aircon at dalawang pintuan, meron ding malaking salamin sa gilid tapos study table.
"t-thank you po." naiiyak na saad ko dito habang niyayakap siya, siya naman ay bumawi ng yakap at hinahaplos haplos ang buhok ko.
"i guess hindi nga ako nag kamaling piliin ka, anak." natutuwang saad niya habang nanunubig din ang kanyang mata.
hala pinaiyak koba siya?
-
"eat well anak." saad ni mommy habang busy sa pag sandok ng kanin sa aking plato, medyo hindi pa ako sanay sa tinatawag ko sakanya dahil nahihiya ako.
"kain nadin po kayo." magalang na saad ko dito habang sumusubo ng pagkain, kahit hindi ko alam ang tawag sa pagkain ay masarap padin.
basta alam ko lang na hipon ito.
"bukas na bukas ay aalis tayo para mag shopping ah?" tumango ako dito habang kumakain parin, saglit pa akong natigilan dahil nakatitig lang siya habang kumakain ako.
"matagal kona kasing pangarap mag karoon ng anak na babae. i always wanted to have a daughter, kaso malas ako at na menopause agad." tumango nalang ako kaya naman kumain nalang agad kami.
natapos kaming kumain ay mag liligpit sana ako kaso binawal niya ako, tapos dun ko lang naalala na meron palang katulong dito.
paakyat na sana ako ng hagdan ng maka salubong ko si mommy savannah, pababa naman ito. nagulat panga dahil muntik na kaming mag kabanggaan.
"ikaw pala nak, akyat kana at may gagawin pa ako." tumango nalang ako dito at pumasok na sa loob ng kwarto ko.
para san ba yung dalawang pintuan na nandito?
binuksan ko muna yung ilaw tyka ako lumapit sa pinaka dulong pintuan. dito pala ay cr, nagulat pa ako dahil sa lawak non at may bathtub pa.
sa pangalawang pintuan naman ay mas maluwag, nandito ay merong mga damit na nakaayos. eto pala yung cabinet ko.
cabinet ata or walking closet, ah basta lalagyanan ng mga damit.
inamoy ko muna yung saliri ko bago ko naisipang maligo nalang, nag tataka pa ako kung paano gamitin yung shower at bathtub kaya naman gumamit nalang ako ng tabo at timba.
YOU ARE READING
the unwanted child
Fantasyshakira santiago o zandria cielle francisco na ngayon. isang batang lumaki sa bahay ampunan dahil ang kaniyang magulang ay sinasaktan siya nung bata pa ito. si shakira ay kilala bilang isang tahimik na bata, hindi ito palangiti at pala kaibigan. kun...