chapter 26

152 22 0
                                    

"ate? bakit kapo umiiyak?" pinunasan ko yung pisngi ko at nilingon si yuno habang nakangiti. "h-hindi naman umiiyak si ate." saad ko dito habang pilit paring ngumingiti.


bakit siya gising? nagising koba siya?


tyka hindi naman ako umiyak, napuwing lang ako.


"tignan niyo po yung eyes niyo, namumula na." umayos siya ng pagkakaupo at pumantay sakin. "wag na po kayong umiyak, nandito naman si yuno sa tabi niyo eh." pinunasan pa niya yung pisngi ko dahil may tumulong luha don.


wala na, iiyak na talaga ako.


"tulog kana, hindi ako umiiyak." binuhat ko siya at inihiga ulit sa kama, kaso umupo lang ulit siya habang umiiling. "ayaw ko po ate, hindi ka okay eh." bumuntong hininga nalang ako at umupo sa tabi niya.


bigla namang lumawak ang ngiti niya na lumabas pa ang dimples.


"may k-kwento si ate sayo, pero wag mong sasabihin kahit kanino okay?" tumango tango ito habang nakangiti parin. "okay, sge." nag simula akong mag kwento sakanya.

siya naman ay tahimik lang na nakikinig na para bang naiintindihan niya talaga yung pinag dadaanan ko.


"yung parents ko kasi lagi akong sinasaktan, tapos yung kapatid ko lagi may dahilan non kung bakit." natigil pa ako saglit. "pero ayos lang, kahit ganon tinuring ko silang pamilya ko." nakangiting saad ko.


kahit sila hindi.

"alam mo ba dati muntik na akong masagasaan ng truck? kaso may nag ligtas sakin eh, nung araw din na 'yon, dun ko naisipang umalis samin." kwento kopa. "kasi ano, pag nalaman nila mama na muntik na akong masagasaan ng truck baka sabihin pa nila sana matuluyan nalang ako." pumantay ulit sakin si yuno kaya natahimik ako.

tyka niya pinunasan yung luhang tumutulo sa pisngi ko.

"pero baby, alam mo yung masakit?" tanong ko, umiling iling naman siya. sempre paano niya malalaman yon? "gusto ko din mangyari nalang sakin yon, at least hindi na ako nahirapan pa." umiling iling siya habang niyakap ako.


niyakap ako?


"yuno, bakit ka umiiyak?" nag aalalang tanong ko sakanya. "a-ate, edi p-pag nawala ka, mawawalan na ako ng ate?" umiiyak paring saad niya habang patuloy na umiiling.


"pwede namang mag hanap ulit, hindi ako worth it yuno." umiling ulit siya, tyka niya tinanggal yung pag kakayakap sakin. "no!" sigaw niya tyka ako sinampal.


"aray, bakit mo ako sinampal?" gulat na tanong ko dito, tumayo siya at umalis sa kama ko. "bad ka! hindi na kita bati!" sigaw ulit niya habang tumatakbo papuntang pintuan ng kwarto.


ako naman ay gulat paring sinundan siya ng tingin.

pero bago pa niya buksan yung pintuan ay may nag bukas na non.

"zandria! si tita!" hingal na hingal na saad ni caspian, halos hindi kona maintindihan yung sinasabi niya. "si tita, inatake sa puso!" dahil sa sinabi niya ay nagulantang ako.


binuhat niya si yuno at nauna na silang bumaba ng hagdan.


"i-inatake?" nauutal na saad ko, tyka ako umiling iling habang sumusunod sa
bumaba ng hagdan.

don sa sala ay naabutan namin si mommy tyka sila tita carla, hawak hawak ni tita carla yung kamay ni mommy habang pinapa kalma siya.


"m-mommy?" tawag ko sakanya, tumingin siya sakin tyka ngumiti. "shakira anak." lumapit ako sa pwesto niya at hinawakan siya sa kamay.



anong nangyayari sakanya? bakit hindi pa nila dalhin si mommy sa hospital?


"may trauma siya sa hospital, ayaw din niyang mag hire ng private doctor." napa sampal ako ng noo dahil sa narinig.

gusto naba niyang mamatay?!

the unwanted childWhere stories live. Discover now