BNM-1

8.2K 153 12
                                    

Noelle Canarette

Napahinga ako ng malalim nang makita ang pasa sa pisngi ko. Sinipat ko pa ng mas malapitan ang reflection ko sa salamin upang makita kung halata ba pag walang concealer.

Ang galing talaga ng ama ko. Siya talaga ang reason kung bakit fan ako ng concealer. Isn't he aware that I'm wasting money on a concealer?

After I'm satisfied with my look ay lumabas na ako ng kwarto. Today is another boring day, barely surviving. Sana lang talaga hindi ko ma-encouter ang magaling kong ama today at baka madagdagan na naman ang pasa na itatago ko. Nakakasawa na kaya magtapal.

Hindi pa man ako tuluyang nakakababa sa hagdan nang pumasok si dad galing labas.

Talk about the perfect timing.

Umasta ako na hindi ko siya napansin at dire-diretso lang bumaba upang pumunta sa kusina. Papasok na ako sa kusina nang magsalita siya. Wala sana akong balak huminto, but my body stopped when he dropped something that I wouldn't want to hear.

"Naka-usap ko ang lala mo. She agreed with me that you would stay with her." I plastered my phony smile that I mastered a long time ago before turning around to face him.

"Really?" Nagkunwari ako na na-excite sa narinig ko. Hindi ko pinahalata na ayaw ko dahil makikita niya ang kahinaan ko at baka gamitin niya laban sa'kin. "Can't wait."

"Don't be so happy yet." Naiiling na saad niya. Napalingon naman ito nang lumabas mula sa likod niya si Marga na may bitbit na mga plastic. She gave me a faint smile nang makita ako.

Napaka-gentleman talaga. Eto namang isa, nagpapakatanga.

"Bibigyan kita ng last chance, Noelle. Your last chance is in Xaxen's hand, kaya pagbutihan mo dahil kung hindi bagsak mo ay sa lola mo." Tinuro-turo pa niya ako. "Alam mo kung gaano ka-strict ang lola mo. Hindi magwo-work 'yang katigasan ng ulo mo. Actually, pwede na kita i-send do'n kung hindi lang dahil sa pakiusap ni Marga."

Sa haba ng lintanya niya, nakuha ko ng oma-bored. Kahit gusto ko pakita ang napakagada kong smile ay kusa na naglaho ito. I really can't deal with him listening to his homily. It's not suited to him. HIndi siya mukhang father. He didn't do his father's role well.

"Tapos ka na ba? Wala akong time makinig sayo." Walang galang na saad ko. Pinahalata ko pa sa kaniya na wala ako ka-interest interest sa mga sinasabi niya.

Humakbang ito palapit sa'kin ngunit napigilan siya ni Marga sa pagtawag sa pangalan nito. "Hindi ko talaga alam kung saan ka nagmana ng kabastusan ng bunganga mo."

"Thanks to you, I have unlocked these skills of mine." I smiled at him sweetly, yung tipong maiinis siya na makita pa ako sa harapan niya. At hindi nga ako nagkamali. Kita na naman sa kaniyang leeg ang paputok na mga ugat niya kaya lalo lumawak ang ngiti ko.

Hindi na naawat ni Marga ang mabilis na paglapit nito sa'kin. "Kung hindi lang talaga mapapahiya ang asawa ko sa kaibigan niya para mapapasok ka lang sa Xaxen ay ngayon na ngayon din ipapadala kita sa US!"

"Awww, that's cute. You're thinking about her image. How sweet of you, Mr. Canarette." Sarcastic na saad ko with a grin on my lips, kaya lalo itong nag-init.

Mabilis na tinaas niya ang kanan kamay niya para padapuin na naman nito sa pisngi ko ngunit hindi natuloy dahil malakas na sumigaw si Marga at nagmamadaling pumunta sa'min para hawakan ang kamay nito na nasa ere na. I wonder kung labag sa loob nito ang laging pagtatanggol niya sa'kin o pakitang tao lang. Tumingin ako saglit sa pinanggalingan niya at kita ko ang mga pinamili nila sa lapag.

But Not Me (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon