BNM-6

1.9K 56 12
                                    

Noelle Canarette

"Good morning, Miss," some greeted her, and the rest of my classmates fell silent as she entered the room. Bilang isang pasaway, I chose not to greet her verbally, but instead, I offered a smile when her eyes landed on me.

"Goo—" babati pa lang sana ako ng i-iwas niya na agad ang tingin niya at itinuon sa laptop na kaka-open lang. It was as if she didn't want any interaction or acknowledgment from me.

Aga-aga nagsusungit na.

Inayos niya muna ang mga gamit niya sa table. Napansin ko rin na may dala itong jar. Ano na naman pauso ni Miss. Nangangamoy recitation ah. Pagkatapos niyang i-set up ang laptop niya ay nagsimula na itong magturo. Nakuha din naman niya agad ang atensyon ng mga kaklase ko, samantalang ako naman ay busy sa pagtingin sa kabuoan niya.

She exuded elegance and grace while wearing eggplant slacks and lilac sleeves. Her expensive-looking attire emphasized her already intimidating presence. Sigurado ako na hindi niya sinasadya na maging hot sa paningin ng iba.

There was no arguing that she was one of our school's hottest professors. She stood out thanks to her exceptional sense of style, which boosted both her teaching abilities and general presence.

Tumagal ang mga oras at patuloy lang itong magturo. Napansin ko na napakapino ng kanyang mga kilos at sinsero ang kanyang pagtuturo. Hindi siya nagpapakita ng kahit anong kapabayaan o pagkukulang sa trabaho niya kahit na napakasungit niya madalas.

Throughout the class, I found myself enjoying watching her and trying to decipher the mystery behind her behavior. Napangiti ako sa sarili ko, natutuwa na pagmasdan ang napakasungit at pinaka-ayaw sa'kin na professor dito sa school.

"All right, class, take everything off your table except a full sheet of paper and a ballpen." Biglang saad ni Miss Agape.

I was left speechless upon hearing that because, honestly, nothing entered my mind. Rinig din ang reklamo ng iba kong kaklase, but she doesn't care.

"Write an essay about our today's lessons."

​Walang nagawa na naglabas ako ng papel at ballpen. I stared blankly at my clean paper before focusing on the front where Miss Agape was leaning on her table, habang ginagala niya ang mga mata sa buong classroom.

Dahil walang matino na pumapasok sa utak ko, nakaisip ako ng magpapainit ng ulo niya. Napangiti ako nang magsimula na akong magsulat. Inuna kong isulat ang pangalan ko na hinaluan ng kalokohan.

Noelle Canarette Agape

Nang matapos ako ay pasimpleng tumingin ako sa kaniya and only to realize that she was already looking at me. Nagkatinginan kami ng ilang segundo bago niya ako irapan at tumingin sa iba. I couldn't help but giggle at her rudeness.

I think alam ko na kung ano ang natutunan ko.

Habang sinusulat ko ang kalokohan ko, hindi ko maiwasan ang mapatawa ng mahina. Alam ko pagnabasa niya 'to ay magagalit na naman siya sa'kin. Baka nga detention pa ang bagsak ko nito.

Oh, our professor with her eyes that roll,
A cranky demeanor is taking its toll.
Oh, my professor, for I'm here to say,
Let's turn this situation into something sweet and gay!

But Not Me (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon