BNM-15

1.8K 65 14
                                    

Noelle Canarette

Please enter the amount you wish to withdraw from the ATM.

The screen displayed the prompt. Nagmamadali na nilagay ko ang number. This would be my last transaction for the day dahil my limit ang maglabas ng pera. Dalawang card na ang ginamit ko para lang makakuha ng malaking halaga na bubuhay sa'kin pansamantala. And this amount na makukuha ko ay ang pang 100k pesos.

Transaction Complete.. Thank you!

Agad na nilagay ko ang huling withdraw sa bag, inayos ang pagkakasuot ng hoody ko and began to walk away from the ATM. Siniguro ko na no one was following me.

I think mabubuhay na ako sa perang hawak ko ngayon.

I waited for a taxi far away from the bank. I didn't want my grandma to track me down at baka hilain na lang ako papuntang amerika. Hindi naman nagtagal, dumating na ang taxi. Pagkasakay ko, agad kong sinabi kung saan pupunta. Sunod kasi na gagawin ko ang maghanap ng matitirhan medyo malapit sa school.

I closed my eyes tightly nang sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi. After Miss Agape and I went our separate ways, binalak ko pa sanang sumama sa kanya. But then, biglang pumasok sa isip ko si grandma.

"Where did you go, young lady?" Bungad na tanong niya.

Talagang hinintay niya ako?

I felt a lump forming in my throat as I struggled to come up with a plausible excuse. "May i-inasikaso lang po," I stammered, avoiding eye contact at sabay yuko.

"Really? In detention?"

Mabilis na inangat ko ang ulo, kabadong sinalubong ang mga tingin na pinupukol niya.

How did she know?

"H-how d—" natikom ko ang bibig ko nang sumagi sa isip ko kung ano ang kayang gawin ni Lola.

Of course Noelle! Malalaman yan ng lola mo. She had connections, remember? And a single phone call malalaman lahat ng katarantaduhan mo!

"I don't think you will learn your lesson just by me being here. Don't you think?" she said.

Kumabog ang dibdib ko at unti-unting nanghihina ang tuhod ko. The mere thought of being drag to America against my will parang gusto ko mag welga pero dahil si Grandma ang involved, ay hindi ko magawa.

What to do, Noelle? Kailangan mong mag-isip ng paraan para hindi matuloy ang binabalak ng lola mo!

"We have a flight tomorrow morning at 7 am," she declared, rising from her seat. "You don't have to bring anything."

Matapos niyang sabihin ang mga salitang ayaw kong marinig, tinalikuran niya ako at pumanic na sa itaas.

Naisipan kong tumakas kaya eto ang ending, naghahanap ako ng pansamantalang matitirhan. Nagpanggap akong tulog kanina at pagkatapos na icheck ni lola kung tulog nga ba ako, agad kong inayos ang mga gamit at dumaan sa bintana. Mahirap pero kinaya kesa naman madala ako sa America.

"Nandito na po tayo." Sabi ng Taxi driver.

Tumingin muna ako sa paligid bago humarap sa driver para magbayad at magpasalamat na rin. Once I was sure that no one was following me, I got out of the taxi.

But Not Me (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon