Noelle Canarette
"Bye, Ms. Suave!" Sage shouted before they finally left the classroom.
"Bye," I replied, nodding my head bago alisin ang tingin mula sa kanilang tatlo. Wala nang tigil kaka-asar sa'kin ang mga 'yon after ko i-kwento ang nangyari.
Impatiently, I tapped my fingers on the table habang panaka-nakang tumitingin sa pinto upang tingnan kung dumating na si Miss Agape. I leaned back and faced the board, but within a second, my eyes returned to the door. There was something inside me that couldn't wait to see her.
Napangiti ako at nagningning ang mga mata nang makita ko siya. I followed her every step through the window, even though I could only see her upper body due to the glass window barrier. As she stepped through the front door, nagtagpo ang mga tingin namin. Sinubukan kong pigilan ang sarili na ngumiti sa pamamagitan ng pagkagat ng labi ko. She didn't break eye contact until she reached the front table.
Itinaas niya ang isang kilay, nagtatangkang magtaray ngunit nabigo dahil kasabay nito ang pagtaas ng magkabilang gilid ng labi niya. Kaya kahit anong gawin ko upang pigilan ang sarili na ngumiti, hindi ko na ito nagawa. I puffed up my cheeks and tried to look away, but my traitorous self kept focusing on the one who was trying hard to act tough in front.
"Good morning, class," she said after rolling her eyes at me and composing herself.
"Good morning, Miss." Balik-bati namin sa kanya, but of course, I added a little extra. I also winked at her, causing her to avert her gaze.
"Find your partner," she announced, habang nagkukumpuni sa laptop.
"Kahit sino po?" Tanong ng isa sa aking mga kaklase.
"Yes."
Nagpalinga-linga ako para makita kung sino ang available. Alam ko naman na walang gustong makipag-partner sa akin so I would just settle for whoever was left. Pinanood ko lang ang mga kaklase ko na abala sa pagtatanong. Muntikan ba akong matawa nang may makasalubong ako ng tingin na agad niyang iniwas. Napa-oo na lang siya sa kausap niya na sa tingin ko ay napilitan lang para maiwasan ako.
Karma... as if I even wanted to be her partner. Ganda lang naman ang meron siya. I won't gain anything from her anyway.
Nagpangalumbaba na lang ako at tumingin sa harap. Maghihintay na lang ako kung sino ang malas na walang ka-partner, yung wala nang ibang choice kundi ang lumapit sa akin. As I turned to face our teacher, Miss, I noticed her piercing gaze fixed upon me. It was a look that seemed to say, "What are you doing? Go find your partner already."
I responded with a nonchalant shrug of my shoulders and silently mouthed the words, "you?"
Nakatanggap lang ako mula sa kanya ng pag-iling.
Arte naman. Ako na nga nagvo-volunteer maging partner niya.
"Pwede ka bang maging ka-partner?" May mahinang boses na nagtanong sa kaliwang side ko.
Tinungo ko ang aking mukha sa kaliwa. "Suzette?" Tanong ko at tiningnan ang iba kong kaklase na may ilang nagtatalo pa at walang ka-partner. "Are you sure about that? There are still some who don't have partners."
"Sa tingin mo ba may gustong makipag-partner sa isang mahiyain tulad ko?" Tanong niya habang nakaturo sa kanyang sarili.
"Point taken." I replied. "Okay then, let's do it."

BINABASA MO ANG
But Not Me (GxG)
Romantizm"C'mon Miss Agape, let me warm your bed. Hindi ba 'yon lang naman habol niyong mga professor?" I went near her tsaka bumulong. "I offer myself before you beg." "Oh yeah? You beg, but not me. It's not you who's winning this game, but me." In the mids...