BNM-30

4K 123 27
                                    



Noelle Canarette

"Bakit walang nangyari sayo like in the movie? Why naman ganon?" tanong ni Sage simula nang maabutan nilang gising ako.

"Bakit parang gusto mo pa na may mangyari sa kanya?" sigaw ni Gina na nakaupo sa isang upuan sa kanan ko. Si Sage naman ay nasa kaliwa ko, nakatayo habang sina Jumbo, Meniya, at Tiffany ay nasa mahabang sofa. Samantala, si Tabitha ay tahimik na nakaupo sa isang upuan sa sulok.

"Hindi naman ganun. I wanted to experience what they did in the movie, you know, like 'do you know me? Do you remember what we used to do when you still had memories?'" sabi ni Sage na parang tanga na umarte sa harap namin.

Kung may lakas lang ako, kanina ko pa sana siya binatukan. Alam niya naman na hindi pa ako okay tapos ganyan pa siya? Hirap na hirap nga akong magpigil dito na wag matawa. Ang sakit kaya ng katawan ko.

"Ano, may sapi lang kaibigan natin?" sabi ni Jumbo na nakisingit. Isa rin 'to na kanina pa puro kalokohan ang sinasabi. Namiss daw ako ng ahas niya.

"Correction, amnesia," mabilis na sagot ni Sage kay Jumbo.

"Engk! Sapi yon! Hindi naman totoo 'yang amnesia no! Sa palabas lang 'yan. Kaya sinapian lang ganern!"

"No, you're wrong! Amnesia kaya!" nagpamewang si Sage at masamang tumingin kay Jumbo na inaasar pa rin ang isa. "And it's true yon! Kaya nga hinihintay—"

Bigla kaming lumingon sa pinto nang may narinig kaming parang bumagsak. Naiwang nakaawang ang pinto at nadako sa ibaba ang tingin ko at nakita na may nakaipit sa pinto.

"Sage, get that for me," I gestured towards the door, using my head as a guide.

"Ay, wait!" Nagmamadali siya papunta sa pinto. "Omg, dumating na ang labidabs mo!" Masaya niyang itinaas ang isang bag habang naglalakad pabalik sa akin.

I swiftly adjusted my sitting position, wincing in pain as a sharp pang coursed through my body. Kahit na nakangiwi, sinubukan ko pa rin sumulyap pero wala namang tao. Wala yung taong gusto kong makita simula pa nang magising ako.

"S-saan na siya? Sigurado ka bang sa k-kanya galing 'yan?" pilit kong tanong.

"Yes, tingnan mo oh." Pinatong niya ang bag sa aking kandungan. Nilabas niya ang baunan at may nakasulat na "for my little dwarf. See, I was right!"

"Hala ka, Sage," pananakot ni Jumbo habang kinukumpas ang daliri, sinasabing lagot si Sage. "Mukhang narinig ka ng bebelabs ni Noelle."

Mula sa hawak kong baunan, tinapunan ko ng masamang tingin si Sage. Hindi ito makatingin ng diretso sa akin. Naglilikot lang ang mga mata niya sa loob ng kuwarto.

"Bombastic side eye Criminal Offensive side eye," rinig kong sabay-sabay na kanta mula sa tatlo.

"Aba! It's not my fault!" She exclaimed, "And maybe she just wants to try the amnesia scene too, you know!" Palusot niya.

"Lagot ka!" Pananakot pa ng tatlo kaya lalo hindi mapakali yung isa at biglang humarap sa akin.

"Don't worry, my friend," she reassured at hinawakan niya ang kaliwang kamay ko dahil hindi pwedeng ang isa, naka-cast kasi. Subukan lang niya, malilintikan siya. "She will just go to a quiet place and cry and think dramatic thoughts."

But Not Me (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon