Noelle Canarette
Ilang araw na ang nakalipas since the incident with Miss in the library and I can say that we have become close, o baka ako lang ang nag-iisip ng ganito. Her behavior has changed bagaman hindi pa rin nawawala ang katarayan niya, lalo na pagdating sa akin.
One time, hindi ako nakakain ng almusal at hindi ko sinasadyang sabihin ito sa kanya. Nag-ingay kasi yung alaga ko sa tiyan kaya ayon nasabi ko. Bago pa niya ako pakainin, nakatanggap muna ako ng homily.
"You know, you should always start your day with a proper meal! How can your brain function if your stomach is empty? You're already lazy, and now your brain won't be of any use either."
Pinanood ko lang siyang tumalak habang inaayos ang mga files niya sa mesa. Napahawak ako sa tiyan nang mag-ingay ito muli.
"Miss, food." Sambit ko. Binagsak ko pa ang mga balikat habang hawak pa rin ang tiyan. Sana effective ang pagpapaawa ko.
Napaigtad ako nang bigla niyang ibinagsak ang hawak niyang libro, iyon na ang huling inaayos niya. Her gaze turned cold as she stared at me, but then her expression softened.
"What do you want? Should I cook for you or should we just order something?" she asked, her eyes shifting to my stomach that I was still clutching. "Nevermind, let's go so you can eat quickly."
Papakainin din pala ako pero bakit kailangan may sermon muna?
That was just one of the many encounters we had. Kung hindi tungkol sa pagkain, makakatanggap ako ng sermon tungkol sa pagiging late ko at hindi na ako natutuwa.
"Noelle!" Tamad na lumingon ako sa taong tumawag sa akin.
"Himala at nagpapandesal ka ngayon?" Umupo sa tabi ko si Jumbo, kasunod si Meniya na umupo sa harap na upuan.
Nandito kami ngayon sa labas ng dorm. Weekends kasi kaya walang pasok.
"Trip ko lang tikman." Sagot ko at tamad na tamad na kumagat sa pandesal na walang palaman.The truth was, I was completely broke, and I had no idea where all my money had gone. Ganito na ba talaga ako kagastos? I hadn't even gone shopping! Well, except for that one time when I accompanied Sage to the mall the other day to buy a few pairs of clothes. I was so used to not paying attention to the prices that I didn't realize I had spent 20k.
20k lang naman! 100k ang pera ko ah... kaya bakit 5k na lang ang hawak ko?
"Bakit amoy wala kang pera?" Malokong tanong ni Jumbo sabay kuha ng pandesal na nasa paperbag.
"Hindi uso sa akin 'yon." I replied, trying to brush off the topic.
Naramdaman ko na lang na pinatong ni Jumbo ang kanyang kamay sa aking balikat. "Basta pag kailangan mong kumita, lapitan mo lang kami ni Meniya, marami kaming ibibigay sayo."
"True! Ganito talaga kapag matindi ang pangangailangan dapat lagi kang may baon na diskarte." Dagdag ni Meniya na nakikain na rin sa pandesal.
"Masarap ano?" Sarcastic na tanong ko sa kanilang dalawa dahil sila na ang umubos ng pagkain. Nakatanggap lang ako ng tawa mula sa kanila.
Kita na ngang nagtitipid.
"Pagkain mo, pagkain na rin namin!" Natatawang sabi ni Jumbo at sinubo ang natitirang pandesal sa kanyang kamay.

BINABASA MO ANG
But Not Me (GxG)
Romance"C'mon Miss Agape, let me warm your bed. Hindi ba 'yon lang naman habol niyong mga professor?" I went near her tsaka bumulong. "I offer myself before you beg." "Oh yeah? You beg, but not me. It's not you who's winning this game, but me." In the mids...