BNM-22

4K 128 52
                                    

Noelle Canarette

"My friend Noelle," I heard Sage's voice call out to me, breaking through the silence. She was sitting in an Indian sitting position, facing me.

Nandito kami ngayon nila Sage sa field, nakaupo sa damuhan. They are working on their homework while my mind wandered—where? Nowhere... in short, lutang.

"What?" walang buhay kong sagot, nakatingin pa rin sa kawalan.

"Bakit parang problemado ka?" Tanong naman ni Tiffany na nakadapa sa damuhan sa tabi ni Sage.

"Pwede mong sabihin ang problema mo, pero huwag kang umasa na may magagawa kami," dagdag ni Gina na katabi ni Tiffany.

"Gina!" Sage scolded, slapping her butt.

Tamad na lumipat ang tingin ko sa kanila at nagpakawala ako ng malalim na hininga. Nakakatamad gumalaw, kahit paghinga parang ayaw ko nang gawin.

Binitawan ni Gina ang ballpen niya at tumingin kay Sage na nasa kanan ni Tiffany. "Kesa magkapalit sila ng katawan ni Miss Agape?"

"Magtigil na nga kayo." Nilagay ni Gina ang kamay niya sa era sa pagitan nung dalawa.

The reason kung bakit ako ganito dahil hindi ako sinasagot ni Miss Agape! Hindi niya ako nire-replyan. Tapos hindi na naman siya pumasok. Hindi lang sa klase namin kundi sa buong araw. Wala siya dito sa Xaxen dahil may mahalagang inasikaso raw. I never expected her absence to have this effect on me.

"I know her problem! She just doesn't want to admit sa self niya na namimiss niya si Miss Agape."

"Hindi ko siya namimiss—" my word was cut off because Miss Agape's face suddenly popped up. Lumipat ang tingin ko kay Sage. "Sage," sambit ko sa pangalan niya na parang naiiyak.

"Hmm?" malawak ang ngiti niya na para bang alam na alam na niya kung ano ang lalabas sa bibig ko.

"Parang namimiss ko ata." Pag amin ko. Bumagsak ang balikat ko, tinupi ang mga binti ko pataas at saka sumubsob.

I can't believe this! Hindi ko inaasahan na darating ako sa puntong ito! We were just playing a game of cat and mouse, and now I'm feeling this way? Tapos biglang ganito na ang nararamdaman ko?  I was confident that she would fall for me—that she would be the first one to develop feelings, not the other way around! And besides, don't I already have feelings for Khloe? So why is everything so confusing?

"Then tell her," Sage offered a simple solution, as if it were the easiest thing to do.

"She's not gonna believe me. She's mad too." Sagot ko na nakasubsob pa rin sa tuhod ko.

After I returned to the dorm yesterday, I tried to reach out to her through chat and calls, but she never responded. I assumed she was angry, even though I had no idea why.

"You did something to her, no?"

Iniangat ko nang bahagya ang ulo, sapat lang para makita si Sage. Tiningnan ko silang isa-isa at dahan-dahang tumango.

"Sakit niyo sa bangs!" Sigaw ni Gina, sabay mabilis na umupo. "Alam niyo ba ang pinakamahirap sa isang relasyon?" she continued, her hand gesturing in the air as she spoke.

But Not Me (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon