Noelle Canarette
"Ingat ka, pilantod!" sigaw ni Jumbo habang kasama si Meniya na kumakaway.
"Malumpo ka sana!" sigaw ko pabalik, sabay irap sa kanya, na tinawanan lang ng dalawa.
Even though I was perfectly fine, hindi na sila tumigil sa pagtawag sa akin ng pilantod. Ang lakas nilang mang-asar, lalo na si Sage. She had a knack for pushing my buttons.
Isang beses, hinagis ni Sage ang sapatos ko sa hallway, at ang mga walangya tinawanan ako at tinanong kung namimiss ko ba ang maging pilay. Wala na akong choice kundi kunin ito sa hallway dahil walang gustong kumuha. Habang papunta ako sa sapatos, patalon-talon ako gamit ang isang paa dahil naka-white socks ako, kaya ayun, tinawanan ako ng mga baliw.
"Bye! Don't be tanga, okay?" Sage shouted, habang kumakaway kasama sina Tiffany at Gina. Si Tabi naman ay nauna nang umuwi.
Hindi ko na lang sila pinansin at tinalikuran ko na sila. Ngayon, naglalakad na ako papunta sa kabilang kalsada kung saan may naka-park na itim na kotse.
Alam ko na kahit nakakulong si Dad, hindi pa rin ako ligtas. Hindi ko nga alam kung bakit, basta sinabi lang sa akin ni Big Giant na hindi pa tapos kaya mag ingat daw ako. Isa pa, alam kong may bantay ako. Nung isang araw ko lang napansin na laging may nakasunod sa akin at sigurado akong utos niya iyon.
Nagpakawala ako ng mabigat na hininga. I needed to take action. This was no way to live—gusto ko nang ibalik sa normal ang buhay ko. Sawa na akong mabuhay ng ganito.
Tumingin ako sa magkabilang daan at nang makita kong ligtas, saka ako tumawid. And yes, mas naging maingat na ako ngayon.
Duh! Siyempre, hindi ko mamimiss ang maging pilantod.
When I finally made it to the other side, I strolled casually toward the black car. Kunwari, abala ako sa pagtingin sa mga tindahan na nadadaanan ko. Nang nasa harap na ako ng sasakyan, mabilis akong lumapit at kinatok ang bintana.
Narinig ko ang tunog ng makina, ngunit hindi gumalaw ang kotse. Marahil ay nag-iisip siya kung ibababa ba niya ang bintana. At hindi nga ako nagkamali dahil ilang sandali lang ay bumaba na ang bintana at tumambad ang mukha ng tauhan ni Giant. His eyes darting nervously, avoiding direct contact with mine.
I smiled at him.
He cleared his throat. "H-hi Miss Noelle," he stammered, his voice shaky.
"Don't bother," I replied coolly, cutting him off. There was no need for him to explain himself; I already knew what this was about. "I've noticed you for days now."
He gave me a hesitant smile, "Malilintikan na naman ako," narinig kong bulong niya.
I leaned against the window and slightly poked my head inside the car. "Wag kang mag-alala, hindi ko sasabihin basta't samahan mo ako sa gagawin ko."
"Pero—" pinutol ko siya.
"Walang 'pero'. Tulungan mo ako." Ngumiti ako sa kanya at agad kong binuksan ang pinto. Hindi na siya nakapag-reklamo nang tuluyan kong buksan ang passenger door and hopped into the passenger seat just like that.
"Saan po ba tayo pupunta?" tanong niya.
"First, let's go to my mom's," I replied, strapping myself in with a firm tug on the seatbelt.
Wala siyang nagawa kundi paingayin ang sasakyan at sundin ang gusto ko.
"Wag mong sabihin sa boss mo," utos ko.
"Pero miss, malilintikan ako kapag hindi ko—"
"Gawin mo na lang ang sinasabi ko," putol ko sa kanya. "Mag-re-report ka pa rin naman, same thing, same routine. Sinusundam mo pa rin ako, yun na yun."
BINABASA MO ANG
But Not Me (GxG)
Romance"C'mon Miss Agape, let me warm your bed. Hindi ba 'yon lang naman habol niyong mga professor?" I went near her tsaka bumulong. "I offer myself before you beg." "Oh yeah? You beg, but not me. It's not you who's winning this game, but me." In the mids...
