Two Weeks: Prologue

440 6 0
                                    

"Hay nako girl, sigurado ka ba sa desisyon mo na yan? Mag-isa ka lang dun at mukhang napakaliblib pa ng pinili mong lugar na ayaw mong sabihin kung saan. Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo? Paano kung may mangyari sayo? Paano kung kuhain ka ng mga NPA dun girl. Alexa naman." sabi ni Jassy ang gay bestfriend ko na sobrang love na love ako at sobra ring gwapo na kamukha ni Richard Gutierrez.

"Jaspher Fuentes, daig mo pa boyfriend ko sa pag-aalala sa akin e." sabi ko.

"Excuse me Alexa Marie del Mundo, first of all my name is Jassy, not Jaspher OMG, and second of all, wala ka nang boyfriend! Iniwan ka na diba? Kaya nga pupunta ka sa maliblib na lugar na ewan na yan dahil sa hinayupak na lalake na yan. Kapag nakita ko talaga yan masasapak ko yan e, kahit masaktan ang beautiful and soft hands ko." sabi ni Jassy.

Oo nga pala. Wala na nga pala kami. Ipinagpalit niya na nga pala ako sa ibang babae. Kaya nga pala ako pupunta dun kasi gusto kong magpahinga, gusto kong mapag-isa at gusto kong kalimutan ang isang taong minahal ko ng sobra sobra.

"Two weeks lang naman akong mawawala Jassy e. Gusto ko lang hanapin ang sarili ko. Gusto kong malaman kung ano bang mali sa akin, sa pagkatao ko at kung bakit iniwan niya ako." sabi ko.

"Girl, ayan kana naman e. Diba i told you, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Mali niya yon. Kawalan niya yon."

"May mali din naman ako Jassy."

"Alexa, kahit kailan hindi naging mali ang hindi mo pagbibigay ng pagkababae mo. Kung iyon lang ang dahilan kung bakit iniwan ka ni Matteo e napaka walang kwenta niyang tao." sabi niya tapos niyakap niya ako.

"Mamimiss kita Jassy at ang napakaingay na bunganga mo."

"Girl, mag'iingat ka dun ha. At siguraduhin mong sa 2 weeks na yan e makakalimutan mo na ang ex mo, at mag-uwi ka na ng bago mong boylet dito ha."

"Loka ka talaga. Sa tingin mo ba may makikilala ako don? Baliw ka talaga."

"Of course girl, nagtatago sa mga liblib na lugar ang mga endangered species. Kaya be ready."

"Walanghiya ka. Tinatakot mo na naman ako sa mga sinasabi mo, para kasing aswang o multo ang dinedescribe mo e."

"Ay nako girl. Ang shumad ng utak mo. Boylet ang tinutukoy ko."

"Whatever Jassy. O sige na. Aalis na ako. Behave ha. I love you girl."

"Sure kang hindi kana magpapahatid sa bus terminal?" tanong niya.

"Hindi na. Kaya ko na to. Tsaka malalaman mo pa kung saang liblib na lugar ako pupunta."

"I love you girl. Two weeks lang ha. Bawal mag-extend. Mamimiss kita sobra."

--

Pumara ako ng taxi patungo sa terminal ng bus. Pupunta ako doon para maghanap ng sarili. Bakit doon? Siguro kasi, yun ang una kong nakita nung mga panahong naghahanap ako ng marerentahan na lugar na pwedeng magstay ng two weeks, at dahil na rin siguro sa maliit na bahay na tutuluyan ko na nasa dalampasigan lang. Tiyak na matutulungan ako ng mga tunog ng hampas ng alon para makalimutan si Matteo Lopez, ang taong nagwasak sa puso ko na hindi ko alam kung paano ulit mabubuo.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon