Two Weeks: Chapter XX

168 2 0
                                    

'Begin Again'

"Manong anong oras ang bus pabalik ng Manila?"

"Mga limang minuto pa mam." sabi ng konduktor ng bus.

Nagpasya na akong bumalik ng Manila, hindi ko na kasi kayang tapusin ang dalawang linggo sa resort, baka lalo akong mahulog kay Renz, baka maging tama si Jassy na umuwi akong luhaan ulit.

Walang alam si Renz na uuwi na ako. Hindi ko na ipinaalam sa kanya. Matapos ang matamis na halik niya sa akin kagabi ay pakiramdam ko sapat na ang mga iyon para sa akin. Hindi na ako maghahangad ng higit pa, dahil alam kong wala naman talaga.

Gusto ko mang aminin kay Renz na gusto ko na siya at mahal ko na siya, di ko kaya. Hindi ko kasi kayang marinig ang rejection niya, hindi parin pala ako handang ireject ulit matapos akong ipagtabuyan ni Matteo para sa babae niya.

Masaya na rin ako dahil nakilala ko siya. Masaya na rin ako dahil naramdaman kong naging mahalaga ulit ako para sa iba. Masaya na rin ako na kahit sa almost Two Weeks ay naging priority ako sa ibang tao. Naramdaman ko ulit ang presence ko, naramdaman ko ulit na tumitibok na muli ang puso ko. Kahit na masakit para sa akin ang lahat dahil alam kong nagmahal na naman ako ng isang taong hindi ako kayang mahalin.

________- Renz's POV -________

Pagbalik ko kinaumagahan ay wala na si Alexa. Umalis na siya. Bakit? Bakit umalis na siya? May nagawa ba akong mali para hindi na niya tapusin ang Two Weeks niya dito?

"Bea, anong oras umalis si Alexa?" tanong ko kay Bea.

"Sir Renz, hindi ko na din po naabutan si Mam Alexa." sagot ni Bea.

Ngayon pa siya nawala kung kailan handa na akong aminin ang lahat sa kanya. Kung kailan sigurado na ako sa nararamdaman ko para kay Alexa. Kung kailan handa na akong sabihin sa kanya na mahal ko siya.

________- Alexa's POV -________

"Hi there Jassy." bungad ko na makarating agad ako sa flowershop.

"Oh. Hi there Alexa Marie. Why are you so early? I thought Two Weeks ka?" gulat na sabi ni Jassy sabay halik at yakap sa akin.

"Ayaw mo ba akong makita? Tsaka miss na miss na kita." sabi ko.

"Ahem. Bakit parang nararamdaman kong may heart problem parin ang bestfriend ko?" sabi ni Jassy.

"Wala no. Pagod lang ako sa byahe." pagsisinungaling ko.

"Alexa, huwag mo na akong lokohin ok. Magpahinga ka na muna at kakausapin kita ng eye to eye and heart to heart later. Ok bessy?" sabi ni Jassy.

"Ok fine. But i'm fine and i'm ok." sabi ko.

"Don't fool yourself Alexa." sabi ni Jassy.

Nagtungo na ako sa maliit na kwarto sa shop baka kasi tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan at ayaw kong makita iyon ni Jassy, at para narin makapagpahinga na ako at ang puso ko.

--

"Bessy Alexa, bangon kana muna, i ordered food for us. Kain muna tayo." ginising ako ni Jassy, halos limang oras na din pala akong tulog.

"Ang sweet mo. Thank you for always being here Jassy. Sana naging lalaki ka na lang at ikaw na lang ang boyfriend ko." sagot ko.

"Eeew. In your dreams Alexa. You know that i'm always here for you no matter what. Pero please huwag mo ng pangarapin na maging lalaki ako at maging boyfriend mo kasi hindi yun mangyayari ok? Hahaha." sabi ni Jassy.

"Hahahaha. Ok ok. Hindi na. Hahahaha." natatawang sabi ko.

"Tapatin mo nga ako Alexa, anong nangyari sayo? Tama ba ang feeling ko?" sabi ni Jassy.

Tumango lang ako sa kanya. Niyakap ako ni Jassy na para bang alam na niya agad ang pinagdaanan ko sa resort.

"Sabi ko naman kasi sayo hindi ba? Never expect, never assume. Parehas kayong broken hearted nung tao. Ikaw alam mong sa sarili mo e kahit papaano ay naka move on kana, ok kana, handa kana, pero siya? Hindi mo alam. Nilagay mo ang sarili mo sa sitwasyong dapat ay alam mong mas lamang na matatalo ka, na dapat ay handa ka sa anumang kahihinatnan ninyong dalawa. Alexa, walang mali, walang masama sa pagmamahal, ang sa akin lang ingatan mo naman ang sarili mo, lalo na yang puso mo. Pinaghirapan mong mabuo yan ulit tapos ano? babalik ka ditong broken into pieces na naman?" hindi na napigilan ni Jassy amg sarili niya.

"Huwag mo na akong pagalitan Jassy please." sabi ko.

"Hindi ako galit, mahal kita bessy kaya ko nasasabi ang lahat ng ito sa'yo. Kung napapagod kana dahil paulit ulit kang nasasaktan e mas napapagod akong nakikita kang paulit ulit na sinasaktan." sabi ni Jassy.

"Wala naman siyang ginawang mali. Ako ang mali. Ako ang may kasalanan. In the first place pumayag ako sa deal namin na hindi ko inisip na mahina pala ang puso ko pagdating sa ganyan. Nakalimutan kong madali akong mahulog, nakalimutan ko." sabi ko kay Jassy habang umiiyak.

"Shh. Shh. Tama na. Ayaw kitang umiiyak. Ihahanap na lang kita ng bago. Hahaha. Pinapatawa lang kita." sabi ni Jassy.

"Jassy naman e." sabi ko habang napangiti sa mga sinabi niya.

"Nasabi mo ba sa kanyang gusto mo na siya? Na mahal mo na siya?" sabi ni Jassy.

Umiling ako.

"Kung ganon babalikan natin siya at sasabihin mo sa kanya yang nararamdaman mo." sabi ni Jassy.

"Ano?" gulat na sabi ko.

"Kunwari pang nabingi." biro ni Jassy.

"Anong gusto mo? Habang buhay mong pagsisihan na hindi mo nasabi ang totoo mong nararamdaman? Alexa, mas maigi ng nasabi mo sa kanya at masaktan ka sa katotohanan kung wala talaga siyang nararamdaman kesa naman hindi mo nasabi sa kanya at parehas lang pala kayong nag-iintayan. Next week babalik tayo dun. Sasamahan kita. Sisiguraduhin kong masasabi mo sa kanya ang totoo mong nararamdaman." sabi ni Jassy.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon