Two Weeks: Chapter XXXIV

97 1 0
                                    

'Hurricane'

Isang magandang umaga ang bumungad sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog ko kagabi. Isang text message kasi mula kay Renz ang nagpaganda ng umaga ko. Ang sabi niya mapapadali daw ang pag-uwi niya dahil tapos na ang major projects na hinawakan niya at pinayagan siya na bumalik ng Pilipinas. Lalo akong na'excite at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Pagbaba ko sa kusina ay naabutan kong ipinagluto na ako ni Jassy ng makakain, may kasama pang note na "Kainin mo ito kundi magagalit si papa Renz". Natawa naman ako bigla.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na agad ako para kahit papaano ay maaga naman akong makapasok sa opisina, lagi na lang kasing si Jassy ang nauunang pumasok, sabagay yun naman talaga ang usapan namin simula pa noong buksan namin ang flower shop.

Nag-ayos ako, namili ng magandang damit na susuotin baka kasi totohanin ni Renz ang sinabi niya kagabi na gugulatin niya na lang ako na nandito na siya, at least nakapaghanda ako kung sakaling dadating nga ang mahal ko.

"Wow. Ikaw ba yan bestfriend? Blooming ah, mas lalo kang gumanda, anong meron bakit ganyan ang suot mo? Anong okasyon Alexa?" pagtataka ni Jassy.

Nakasuot kasi ako ng white and red floral dress, naka'make-up ng kaunti at nakasuot ng high heels, pero joke lang, flats lang.

"Wala lang, gusto ko lang maging maganda ngayon araw, bakit ba?" sabi ko.

"Wag mong sabihin na dadating si Renz kaya ka nakaganyan?"

"Hindi. Ewan. Baka. Pero hindi. Baka lang. Ang gulo. Hahaha."

"Ang gulo mo nga. Dadating o hindi?"

"Hindi ko sigurado, kagabi kasi magkausap kami, sabi niya baka magulat na lang ako na nandito na siya, tapos kaninang umaga nagtext pa siya na pwede na daw siyang umuwi dito sa Pinas kasi tapos na yung work nila doon, kaya ayan, nakaganito ako, para naman if ever dumating siya e maayos ang dadatnan niya."

"Bessy, maganda ka naman kahit hindi ka nakaganyan, maganda ka inside and out. Pero mas lalo kang mamahalin ni Renz dahil ang ganda ganda mo ngayon bessy. Inggit ako, mag-aayos din ako. Hahahaha."

"Ewan ko sayo Jassy. Aagawan mo pa ako ng eksena? Hahaha." biro ko.

"Oo, para malaman natin kung sino talaga ang pipiliin niya sa ating dalawa." biro ni Jassy.

"Ok fine. Get your best of the best dress Jassy, baka matalo kita. Hahaha."

"Pero sure ka dadating?"

"Hindi ko nga alam Jassy, wag kang mag-expect para di ka masaktan."

"Yan tayo eh, huhugot ka na naman ba? May lovelife ka na humuhugot ka pa?"

"Hahaha. Biro lang. Wala na akong huhugutin, ok na ako. Ok na ok na ako."

--

Nawala na sa isip ko ang excitement sa pag-aabang kung dadating ba si Renz o hindi, hindi ko din kasi inaasahan ang dagsa ng clients namin ngayon, pero hindi ako nagrereklamo. Magsasara na lang ang shop e may mga pahabol pa na orders for tomorrow. What a tiring but happy day.

"Pagod ka?" tanong ni Jassy.

"Oo bessy, hindi ko expected na madaming clients ang pupunta, nagdress pa ako ang hirap tuloy kumilos."

"Araw-arawin mo kaya ang pagde'dress no, para araw araw din tayong maraming orders."

"Hahaha. Gusto mo? Baka haggard kana pagdating ng papa Renz mo." biro ko.

"Ay oo nga. Gusto ko fresh ako pagdating niya. Pero bes, mukang hindi ata dadating ang 'Superman' mo ah, anong oras na e." sabi ni Jassy.

"Sabi ko naman sayo e, kung ayaw mong masaktan, huwag na huwag kang mag'expect, dahil ang expectations nakakasakit talaga ng puso yan." sabi ko.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon