Two Weeks: Chapter X

126 2 0
                                    

'Mr. Stranger's Past'

"Bakit hindi natin subukang maging tayo sa mga natitirang araw mo dito?"

Nagulat ako tanong niya. Seryoso ba siya? Ok lang ba siya?

"Ano?" kunwari hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya.

"Sabi ko let's be a couple kahit sa remaining eleven days mo dito resort. Kunwari boyfriend mo ako at girlfriend kita. Pero hindi tayo aabot sa alam mo na. Don't worry walang ganoon." paliwanag niya.

"Hahahahahahaha." natawa na lang ako kasi hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

"Ano namang nakakatawa sa proposal ko?" tanong niya.

"Hindi ko kasi alam kung saang pelikula mo nakuha yang ideya mo." sabi ko.

"I'm serious. I know your very much ok. Mabait ka, maganda ka tsaka pakiramdam ko madali kang mahalin."

"Bakit?" tanong ko kay Renz.

"Ngayon lang din ulit ako naging masaya nung dumating ka Alexa at pakiramdam ko matutulungan mo akong makalimutan ang nakaraan ko. Tulungan mo ako." malungkot na sabi niya.

"So parang gagamitin mo ako para lang makalimutan ang nakaraan mo? Ganon ba?" sabi ko.

"Hindi. Hindi sa ganon. Tutulungan mo ako. Magtutulungan tayo kung paano makakabangon ulit sa mga nangyari sa buhay natin. Parehas tayong iniwan Alexa, katulad mo iniwan din ako, at ayoko ng magtago sa ganitong sitwasyon. Kahit lalaki ako, nahihirapan din ako."

"Sa tingin mo ba may magandang maidudulot ito sa atin?" tanong ko sa kanya.

"Ewan ko. Hindi ko din alam. Pero subukan natin. Subukan nating dalawa."

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Papasok ba ako sa isang sitwasyon na hindi ko alam kung anong magiging bunga sa akin, sa amin. Pero susubukan ko lang naman. 11 days lang pagkatapos non wala na. Tutal mabait naman din siya, sweet at maasikaso tsaka gwapo. Tsaka hindi din naman ako papayag na may mangyari sa aming dalawa no. Kay Matteo nga hindi ko naibigay kay Renz pa kaya.

"11 days lang naman hindi ba? Pagkatapos non tapos na. Baka nga matulungan natin ang isa't isa. Pumapayag na ako." paputol putol na sabi ko.

Ngumiti sya at niyakap niya ako. Mahigpit na yakap.

"Kasama ba ang yakap sa pinag-usapan natin?" biro ko.

"Oo kasama ito." sabi niya habang yakap yakap padin niya ako.

"Miss na miss mo na siya no?" tanong ko.

"Paano mo naman nasabi?" natigilan siya sa pagyakap sa akin at tinitigan niya lang ako.

"Sa yakap mo. Miss na miss mo na siya kasi ramdam ko sa yakap mo." sabi ko.

Niyakap niya ulit ako ng mahigpit at niyakap ko din siya bilang kapalit.

"Thank you Alexa. Thank you." sabi niya sabay halik sa noo ko.

"Pati ba kiss sa noo kasama?" natatawang sabi ko.

"Sorry. Sorry. Nabigla ako." sabi ni Renz.

Ipinagpatuloy namin ang paglilinis na akala mo'y walang nangyaring usapan sa pagitan naming dalawa.

Magtatanghalian na ng pumasok ulit siya ng kubo. Siguro ay nakaramdam na siya ng gutom.

"Tama na muna yan kumain na muna tayo." sabi niya.

Tumungo lang ako. Gutom na din naman kasi ako.

Adobong baboy na may itlog ang dinala niyang tanghalian.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon