Two Weeks: Chapter XXXVI

94 1 0
                                    

'Forever and Always'

"Good morning Alexa, ano ready ka na ba?" tanong ni Andrea sa akin.

Ang aga ni Andrea, inaasahan ko na hapon pa kami pupunta ng mall pero mukhang kami ang magbubukas ng mall sa sobrang aga niya. Pero mabuti na nga lang na maaga siya kasi nagtext din si Sir Ian sa akin kagabi na may lakad kami today para silipin ang venue kung saan dadalhin ang orders na nabanggit niya sa amin yesterday.

"Yes, I'm ready. Saan mo ba gagamitin ang dress na yan at parang napakaimportante naman ata ng pupuntahan mo?" napatanong ako bigla kay Andrea.

"Ah, basta. Excited kasi ako sa mangyayari, ganyan ako kapag na'eexcite, napapabili. Hahaha." sabi niya sabay tawa.

"Hahaha." tawa na lang din ang naisagot ko kahit na wala akong kahit anong clue sa kung ano man ang sinasabi ng babaeng ito.

Halos isang oras na kaming nag-iikot ng mall ng sa wakas ay makakita na siya ng dress na gustong gustong gusto niya.

"Ano bagay ba?" tanong niya habang pa-ikot ikot niyang pinapakita sa akin ang nakasuot na na dress sa kanya.

Infairness, ang ganda niya sa dress niya, pero sabagay maganda naman talaga si Andrea, kaya kahit anong damit ay ok lang sa kanya.

"Oo, bagay na bagay sa'yo Andrea, siguradong ma'iin-love sayo ang kung sino man ang kadate mo." sabi ko.

"Hahahaha. Wala akong ka-date no. Basta. O ito na ang kukunin kong damit, at bilang ganti sa pagsama mo sa akin, mamili ka na din ng gusto mong damit dito, sagot ko." sabi ni Andrea na ikinagulat ko.

"Wow. Naku wag na. Ok lang naman. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit sa pagsama ko sa'yo." sabi ko.

"Alexa, sige na mamili ka na. Piliin mo yung gustong gusto mong dress na sa tingin mo ay bagay na bagay sa'yo. At yung mapapa 'wow' ang ibang tao at syempre si Renz kapag nakita ka. Dali na please, pagbigyan mo na ako. Isipin mo na lang advance birthday gift ko na yan sa'yo. Please? Tsaka kung hindi ka pipili ako ang pipili ng damit para sa'yo, yung daring ang pipiliin ko, gusto mo ba yon? Like this oh." sabi ni Andrea sabay pakita ng strapless na dress sa akin.

"Grabe naman yan, ayoko ng ganyan. Sige ako na ang pipili. Thank you Andrea ah. Pero hindi naman na kailangan e."

Namili ako hanggang sa makakita ako ng isang dark blue dress, above the knee ito, sa tingin ko naman ay bagay sa akin kaya sinukat ko ito. Paglabas ko ay napatulala si Andrea sa akin. Hindi ko alam kung napatulala siya kasi ang panget ko o napatulala siya kasi nakakita siya ng isang dyosa. Pero joke lang.

"Uy, bakit ka nakatulala dyan?" tanong ko.

"Ang ganda mo Alexa, bagay na bagay ang dress sa'yo Alexa. Konting ayos pa ng hair and konting make-up. Wow na." sabi ni Andrea.

"Bawal magbiro Andrea."

"Hindi ako nagbibiro Alexa. Totoo lahat ng sinasabi ko sayo. Maniwala ka."

"Ano bang meron bakit parang naninibago ako sa inyong lahat? Sayo, kay Sir Ian, kay Jassy, kay Renz. Ano bang nangyayari sa mundo?"

"Hahaha. Paranoid ka lang Alexa. Pinapatawa mo ako sa mga sinasabi mo."

"Nevermind Andrea. Paranoid nga lang talaga siguro ako."

"Oo. Wag kang masyadong mag-isip, dadami wrinkles mo. Ikaw din." sabi ni Andrea.

"Pero hindi mo na naman ako kailangang bilhan ng damit, hindi din naman ako sanay magsuot ng mga ganito. Mahirap kasing kumilos." sabi ko.

"Hahahaha. Nakakatawa ka talaga Alexa. Gamitin mo yan bukas."

"Bukas? Bakit anong meron?"

"Basta, malalaman mo sa tamang panahon." sabi ni Andrea.

--

Halos mag'aalas-tres na ng hapon nang makabalik kami ni Andrea sa shop. Sinabi ko kasi sa kanya na sa shop niya na lang ako ihatid kasi kailangan ko pang tulungan si Jassy para sa orders ni Sir Ian para bukas. Hindi na bumaba si Andrea ng kanyang sasakyan at tuluyan ng nagpaalam.

Pagkapasok ko ng shop ay wala ng ginagawa si Jassy.

"Tapos na?" pagtataka ko.

"Yes! Galing ko no?" sagot naman ni Jassy.

"Ang bilis mo naman, patingin naman ako. Baka hindi yan magustuhan ni Sir Ian ah, lalo na yung client niya." sabi ko.

"I'm sure na magugustuhan ng client ni Sir Ian ang ginawa ko. Tsaka i know na magugustuhan din ng client ni Sir Ian yung ginawa ko. Aba, pang world class kaya yun."

"Patingin nga. Dali na please Jassy."

"Wala na, nadeliver ko na."

"What? Nadeliver mo na din? Bukas pa kailangan ang mga iyon ah, nag-advise ba si Sir Ian na pwede na ngayon?"

"Oo. Alam niya naman ang lahat."

"Oh. Okay. Sorry, hindi na ako nakatulong sa'yo."

"No worries bessy. I'm happy for you."

"Ha?"

"Wala. Ano yang dala mo?" tanong ni Jassy sa akin ng makita niya ang bitbit ko.

"Dress. Binili ni Andrea para sa akin."

"Ah. Okay."

"Ah. Okay? Yun lang? Hindi ka ba magugulat na binilhan niya ako ng damit?" pagtataka ko.

"Baka naman gusto niya lang, tsaka nagpasama siya sa'yo e, baka yan ang kapalit."

"Kailangan bang may kapalit ang lahat?" tanong ko.

"Depende."

"Hay nako Jassy. Nahihiwagaan na talaga ako sa inyong lahat ah. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Ano ba talagang nangyayari?"

"Paranoid ka lang Alexa. Magpahinga ka na, may lakad pa tayo bukas?"

"Saan naman tayo pupunta?"

"Basta. Huwag ka nang magtanong pwede?"

"Ang sungit mo naman, natural magtatanong ako wala akong alam e."

"Basta, hindi lahat dapat inaalam ang sagot."

"Okay fine. Hindi na ako magtatanong."

--

Isang araw na naman ang lumipas, madaming nangyari na hindi ko maintindihan at hindi ko rin kayang ipaliwanag, pero si Renz, hindi parin nagpaparamdam sa akin. Ano na kayang nangyayari sa kanya, bakit natitiis niya akong hindi kausapin, bakit natitiis niya akong hindi pansinin.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon