Two Weeks: Chapter XXV

109 3 0
                                    

'I Swear This Time I Mean It'

"Hi Sir Ian, how are you po? Ok na po yung twelve dozens of long stem red roses natin. Ready na po ito for delivery." niremind ako ni Sir Ian sa phone regarding sa request ng isang client niya.

"Alexa, be sure na fresh and super bloody red ang roses na ipapapadala natin ha. Yan kasi ang kaisa isang bilin ng client natin for his girlfriend." sabi ni Sir Ian.

"Yes po. I will not dissapoint you as well as our client Sir. For sure super magugustuhan niya ang mga roses and yung arrangements na ginawa namin. Siguro po for surprise engagement party ito? Tama po ba?" natanong ko out of curiosity.

"Yes Alexa. I know it is for a surprise engagement of Mr. Velasco sa girlfriend niya."

Mr. Velasco? Bigla tuloy pumasok sa isip ko si Renz. Dahil sa pagkakatanda ko Velasco ang kanyang surname.

"Ah, Sir Ian, if you don't mind. May i know the name of Mr. Velasco? His name is familiar po kasi sa akin."

"Ah, as far as i remember, his name is Gabby Velasco." sagot ni Sir Ian.

Gabby Velasco. Hindi naman siguro si Renz ito. Sana hindi siya.

"Ah. Ok Sir Ian. Thank you. I will make sure na makakarating ito ng maayos kay Mr. Gabby Velasco."

"Ok Alexa. I'll text you later the exact address of my client. Nagbago kasi ang isip niya kung saan ipapadala ang mga roses."

"No problem Sir Ian. Thank you."

"Thank you too Alexa. Bye."

Nagpaalam na si Sir Ian, hihintayin ko na lang ang text niya kung saan ko ipapadala ang mga red roses na ito.

Infairness kay Mr. Velasco ah, ang sweet niya na naisip niya ang ganito para sa girlfriend niya. Ang swerte naman ng babaeng papakasalan niya. 144 pieces of long stem bloody red roses arranged in a unique set-up for his fiancè. Wow. Just wow.

"Anong binubulong bulong mo dyan Alexa?" si Jassy dumating na mula sa paghahatid ng mga bulaklak sa isa naming client.

"Dumating ka na pala. Ang bilis mo ah. Wala, ito kasing client ni Sir Ian na si Mr. Velasco e ang sweet. Tingnan mo naman kung anong ipapadala niya para sa magiging fiancè niya." sabi ko sabay turo sa mga bulaklak.

"Wow. Infairness bessy, ang ganda ng pagkakaayos mo. Ang galing mo talaga. For sure mapapasagot ni Mr. Velasco ang girlfriend niya ng isang napakatamis na oo." sabi ni Jassy.

"Sana nga." sagot ko.

"Pero teka, Mr. Velasco? Diba surname ni Renz e Velasco?" tanong ni Jassy.

"Hahaha. Naisip ko din yan kanina. I asked Sir Ian regarding the name of Mr. Velasco and it's not Renz, his name is Gabby. And bakit ka bothered? If si Renz man yan edi good for them, atleast ok na ok na sila ni Andrea." sagot ko.

"Weh bessy? Ikaw ba yan? Wala na talaga si Renz sa puso mo? Bakit napalitan na ba ulit ni Matteo? Yikee." pagbibiro ni Jassy.

"Hoy Jaspher. Magtigil ka!" inis na sagot ko.

"My name is Jassy. Eww Jaspher ka dyan."

"Pag hindi ka tumigil sa kaka Matteo mo, Jaspher ang itatawag ko sayo. Kaya please tigil tigilan mo ako Jaspher!" pang-aasar ko sa kanya.

Maya-maya pa ay may isang delivery van na tumigil sa harap ng shop namin.

"Jassy check mo nga yang van na yan, bakit dyan yan pumarada sa harap natin?" sabi ko.

"Ok wait." lumabas si Jassy para kausapin ang driver ng delivery van. Medyo matagal ang kanilang pag-uusap kaya lumabas narin ako para makialam.

"What's happening here? Is there any problem?" tanong ko kay Jassy.

"Ah. Alexa, the delivery is for you." sabi ni Jassy.

"Really? For me? Kanino naman galing and ano yan?" pagtataka ko.

"Hi Ms. Alexa Marie del Mundo?" tanong ng delivery boy.

"Yes, ako nga." sagot ko.

"Hi Mam, for you po ang mga ito. Pinadala po ni Mr. Matteo Lopez. Are you familiar po ba sa kanya?"

"Si Matteo? Yes. Kaibigan ko siya."

"Yikee. Bessy. Kinikilig." pang-aasar ni Jassy.

"Shut up Jaspher! Hindi ako kinikilig. Pwede ba?!" sabi ko.

"Kuya, pakilagay na lang po sa loob ang ipinadala ni Matteo for my bessy. Anyway, ano ba yang mga yan? Bakit nakadelivery van pa? Pangkabuhayan package ba yan? O bigasan package? o entertainment package? Bongga bessy ah. Hahaha." biro ni Jassy.

"Ah, bears and chocolates po." sagot ng delivery boy.

"Bears and chocolates? Nakadelivery van pa? Gaano ba kadami yan?" tanong ko.

"Ipasok niyo na lang po sa loob. Huwag ka ng magtanong bessy. Ipapasok mo na lang sa loob lahat." singit ni Jassy.

Isa-isa nilang ipinasok sa loob ng shop ang ipinadala ni Matteo. Puro malalaking teddy bears and maraming flowers na made of chocolates amd ipinadala niya. Kaya naman pala naka delivery van pa.

"Haba ng hair mo bessy ah. Nagbago na talaga si Matteo. Pursigido talaga siyang patawarin mo." sabi ni Jassy.

"Bessy. Hindi niya na ako madadaan sa mga ganyan niya. Hindi ko naman kailangan ng mga yan. Anong gagawin ko sa mga teddy bears na yan? Tsaka chocolates? Alam niya naman na hindi ako mahilig sa matatamis lalo na sa chocolate tapos yan pa ibibigay niya. Mabuti pa sana kung mga books pa yan or the best is umorder siya ng mga bulaklak dito at ibigay niya sa akin pero surprise. Kumita na ako napasaya niya pa ako kung ganoon ang ginawa niya." sabi ko.

"Ikaw masyado ka. Bakit ganyan ka kay Matteo. Hindi ka naman ganyan ah. Nag-e'effort na nga yung tao e. Aba, malaki ang nagastos niya dito ah."

"Bessy, kilala mo ako. Hindi ako materialistic na tao. Kahit hindi mo ako bigyan ng mga ganyan basta maramdaman ko na mahalaga ako sa isang tao, sapat na sa akin ang mga iyon. Hindi mo na ako kailangan pang gastusan." sagot ko.

"I know. Alam ko naman yon. Ang sa akin lang is be thankful naman. Wag kang rude." sabi ni Jassy.

"Thankful naman ako. Alam ko naman na kahit papaano e pinag isipan niya din yan. Hindi ko naman binabalewala ang mga ginagawa ni Matteo for me." sagot ko.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko, tumatawag na pala si Matteo.

"Hi. Thank you. Hindi mo naman na kailangan gawin ito." sabi ko.

"You deserved it. I hoped na nagustuhan mo. Thank you dahil tinanggap mo." sagot ni Matteo.

"Salamat ulit." maiksing sagot ko sabay nagpaalam na sa kanya dahil tumawag naman si Sir Ian para ipaalam kung saan dadalhin ang mga roses na pinag-uusapan namin kanina.

Binuksan ko ang text message ni Sir Ian.

'Hi Alexa, here's the exact address of Mr. Gabby Velasco.

Memory Lane Resort
1436 Santiago St. Brgy. Pag-asa, Baler, Aurora.

Thank you.'

Nagulat ako sa nabasa ko. Memory Lane Resort. Ang lugar kung saan nangyari ang isa sa bahagi ng buhay ko na kahit kailan ay hindi ko malilimutan.

Napaisip tuloy ulit ako tungkol sa client ni Sir Ian na si Mr. Gabby Velasco. Bigla ko tuloy naalala na ang buong pangalan ni Renz ay Renz Gabriel Velasco.

Nagtext ulit ako kay Sir Ian para iconfirm kung iisa silang dalawa.

'Hi Sir Ian, si Mr. Gabby Velasco and Mr. Renz Gabriel Velasco e iisang tao lang po ba?'

'Hi Alexa, yes. Mr. Gabby is Mr. Renz Gabriel Velasco.'

At doon na tumulo ang mga luha ko.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon