Two Weeks: Chapter XII

120 3 0
                                    

'Stranded Hearts'

Itinaas niya ulit ang kamay niya at kumuha ng stolen na litrato.

Click.

"Hahahahaha." tumawa siya habang tinitingnan ang cellphone niya.

"Hoy bakit ka tumatawa? Patingin nga." sabi ko sa kanya.

"Huwag na. Hahahahaha." tawa padin siya ng tawa.

"Isa Renz, patingin nga." sabi ko habang inaagaw ko ang cellphone sa kamay niya.

"Oo na, oo na. Wait lang."

Pinakita niya sa akin ang itsura ng mukha kong sobrang lungkot na akala mo'y batang inagawan ng pagkain.

"Hahahaha. Ang panget ko. Burahin mo yan." sabi ko.

"Ayoko nga. Ang ganda kaya. Hahahaha." pang-aasar niya.

"Ang ganda daw pero pinagtatawanan ang itsura ko." sabi ko.

"Ang ganda mo nga, hindi mo lang makita kasi ang labo ng mata mo. Hahahaha." tawang tawa talaga siya.

Maya-maya pa ay biglang dumilim ang kalangitan kahit alas kwatro pa lang ng hapon.

"Mukhang uulan Renz." pangamba ko.

"Oo nga. Biglang dumilim. Mukhang hindi makakabalik si Manong Ben dito kapag lumakas ang ulan." sabi ni Renz.

"What? Edi hindi tayo makakabalik niyan mamaya sa resort?" tanong ko.

"Mukhang ganoon na nga."

Biglang bumuhos na nga ang malakas na ulan. Tumakbo kami ni Renz patungo sa kubo, inakbayan niya ako para hindi ako masyadong mabasa ng ulan, hawak hawak ko din kasi ang cellphone naming dalawa.

Pagkadating namin ng kubo, nakita kong basang basa na ang damit niya.

Pinunasan niya ang kamay niya gamit ang nakasampay na tuwalya at kinuha niya ang cellphone niya para basahin ang text mesasage na hindi niya nabasa kanina.

"Hindi na pala talaga makakabalik si Manong Ben dito Alexa. Malakas din daw ang ulan sa resort. Bukas na tayo makakauwi nito." sabi ni Renz.

Patay na. Ibig sabihin nito kami lang dalawa dito sa isla.

"Anong iniisip mo bakit natahimik ka? Wala akong gagawing hindi mo magugustuhan Alexa. Trust me." sabi niya.

Pagkasabi na pagkasabi niya ay bigla niya akong hinila palabas ng kubo.

"Basa naman na tayo ng ulan, maligo na tayo ng tuluyan Alexa. Wohoooo. Ang lamig." parang batang tuwang tuwa sa ulan si Renz.

"Ang lamig Renz." sabi ko.

Naalala kong nakasuot pala ako ng puting tshirt kaya bakat ang katawan ko at ang kulay itim kong bra. Nahiya naman ako bigla.

Oh no. Nakita ko na lang si Renz na naghuhubad ng itim na v-neck shirt niya. Ang ganda ng katawan niya. Kahit na hindi visible ang abs niya e halatang nag wowork-out din siya kahit papaano.

"Isuot mo ito kung naiilang ka." nakangiting sabi niya sabay abot ng shirt niya sa akin.

"Lalamigin ka." pag-aalala ko.

"Hindi. Ayos lang ako. Isuot mo na yan, para maenjoy mo rin ang ulan."

Isinuot ko ang tshirt na ibinigay niya sa akin, kahit malaki ito.

Hinila niya na ako ng tuluyan papunta sa pampang at nagbasaan na kami ng tubig dagat. Para kaming batang dalawa. Ang sarap ng pakiramdam ng ganito. Masaya ako. Masayang masaya ako.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon