Two Weeks: Chapter XIX

101 3 0
                                    

'The Past'

Pagkadating namin ni Renz sa bahay niya ay agad siyang nagluto ng simpleng agahan. Inaasikaso niya ako na para bang pakiramdam ko ay may puwang na ako puso niya.

"Renz." tinawag ko siya.

"Yes?" sagot niya.

"Bakit mo ito ginagawa?" hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong tanungin siya.

"Ang alin?" tanong niya.

"Ito. Ang lahat ng ito. Yung pag-aasikaso mo sa akin, yung atensyon na binibigay mo sa akin. Bakit?" tanong ko.

"Diba girlfriend kita? May usapan tayo. May deal tayo. 2 weeks diba? Kaya ko ito ginagawa. Don't worry Alexa, after this wala na." sagot niya.

Kinurot na naman ang puso ko sa mga sagot niya. Nag assume na naman ako. Nag expect na naman ako. Bakit ba kasi ganito ako? Bakit ba lagi na lang ganito?

"Oo. After this tapos na." matipid na sagot ko sa kanya.

Hindi na ulit ako nagsalita. Ayoko na din kasing madagdagan pa ang sakit na naramdaman ko kanina.

--

Alas kwatro na ng hapon, simula kanina hanggang ngayon ay wala kaming magawa ni Renz kundi mag movie marathon. Parehas kasi naming ayaw lumabas kanina at mas gusto naming sa bahay niya na lang magpalipas ng oras.

"Alis tayo." sabi ni Renz.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta. May gusto kasi akong ipakita sayo." sabi niya.

"Ok. Malayo ba yun?" tanong ko.

"Hindi naman. Basta." sagot niya.

Sumakay na kami sa sasakyan niya. Ang sabi niya mga 15 minutes drive lang daw ang pupuntahan namin. Saan naman kaya ako dadalhin ng taong ito. At ano kaya ang binabalak niyang ipakita sa akin.

"Nandito na tayo." sabi ni Renz ng makarating kami sa isang napakagandang lugar sa tabing dagat.

May isang napakalaking puno at halatang matandang puno na ito. Mayroon din itong nakakarelax na duyan na nakasabit sa sanga nito. Napakahangin ng palagid at ang sarap sa pakiramdam.

"Tambayan mo?" tanong ko.

"Tambayan namin." sagot niya. Marahil ay si Andrea ang tinutukoy niya. Si Andrea na naman.

"Ah. Madalas siguro kayo dito." sabi ko. Sabay nakita ko ang pangalan nilang dalawa na nakaukit sa puno.

"Oo. Dito lang kami nagpapalipas ng oras. Dito namin pinag-uusapan yung mga gusto naming mangyari sa buhay naming dalawa." sabi niya.

"Ah." sagot ko. Nandito ba kami para ipakita niya sa akin ang nakaraan nilang dalawa ni Andrea.

"Pero ang lahat ng pangarap na iyon e wala na." bakas pa din ang lungkot sa mukha niya.

"Bakit hindi mo siya subukang kausapin ulit Renz, baka hanggang ngayon e mahal ka padin niya. Baka hanggang ngayon e mahal niyo padin ang isa't isa." masakit sa akin ang mga salitang binigkas ko.

"Ewan ko Alexa. Hindi ko alam. Hindi ko siya magawang kalimutan." sabi ni Renz.

Bumagsak na naman ang puso at kaluluwa ko sa mga nasabi niya. Hanggang ngayon ay si Andrea parin ang laman ng puso't isip niya. Alam ko naman na hindi talaga madaling makalimutan ang lahat pero bakit ang sakit sakit para sa akin na malaman na hindi ako nagkaroon ng impact sa buhay niya? Pero sa buhay ko, ang lakas ng naging epekto niya.

"Pag mahal mo parin ang isang tao, mahirap talagang makalimutan. Lalo na kung ayaw mo talagang kalimutan." sabi ko.

"Ikaw? Paano mo nagawang kalimutan si Matteo?" tanong niya.

"Iba naman kasi ang sitwasyon namin. Hindi na niya ako mahal at klaro yun sa akin. Nilagay ko sa puso't isip ko ang mga salitang HINDI NA AKO MAHAL NI MATTEO." sabi ko.

"Kahit na mahal mo pa siya?" sabi niya.

"Mahal ko siya, pero aanhin ko ang pagmamahal na iyon kung yung taong pag-aalayan ko ng pagmamahal e wala na. Sumuko na." malungkot na sabi ko.

"At sumuko ka na din?" sabi niya.

"Hindi ko gustong sumuko Renz. Masakit lang para sa akin ang mamalimos ng pagmamahal. Naawa ako sa sarili ko, kasi pakiramdam ko pilit ko nang ipinagsisiksikan ang sarili ko sa isang taong hindi naman na ako kayang mahalin." pakiramdam ko ay para kay Renz ang mga salitang nasabi ko.

Tinitigan niya lang ako. Mga titig na parang tumutunaw sa puso ko.

"Ikaw Renz, kung bibigyan ka ng pagkakataon na magkabalikan kayo ni Andrea, anong gagawin mo?" tanong ko.

"Gagawin ko ng tama ang lahat." maiksing sagot niya.

"Gawin mo na ang lahat habang may oras pa. Kung mahal mo pa kausapin mo. Para magkaayos kayong dalawa." sabi ko.

Ayoko ng magsalita pa. Ayoko ng magtanong pa. Sobrang nasasaktan na ako sa mga narinig ko galing sa kanya. Alam kong hindi niya naman intensyon na saktan ako pero bakit sa tuwing magsasalita siya ng tungkol kay Andrea e naaapektuhan ako.

"Renz, ok lang bang ibalik mo na ako sa tinutuluyan ko?" sabi ko.

"Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong niya.

"Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko. Para kasing magkakasakit ako." sabi ko. Totoong parang magkakasakit ako sa mga narinig ko.

"Ok sige. Para makapahinga kana din." sabi niya.

Madilim na ng maihatid ako ni Renz sa resort. Papasok na sana ako ng bahay ng tawagin niya ako.

"Alexa." sabi niya sabay hawak sa dalawang kamay ko.

"Bakit Renz?" sabi ko.

Pero hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako ng matagal. Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya magawa. Kaya binitiwan ko ang mga kamay niya at tumalikod na ulit sa kanya.

Pero hinila niya ako at hinalikan ang labi ko.

Nagulat ako. Kahit na hindi na first time sa akin ang mahalikan ang labi niya, dahil nagawa ko ng manakawan siya ng halik habang tulog siya.

Akala ko madaling halik lang ang gagawin niya pero nagtagal ang halik na iyon at naramdaman ko na lang na tumutugon na din ako sa halik niya.

Bakit niya ito ginagawa? Bakit ginagawa ni Renz ang lahat ng ito.

Naramdaman ko na lang na inilayo na ni Renz ang labi niya. Tapos na.

Pinunasan din ni Renz ang luha sa pisngi ko. Naluha na naman pala ako. Luha ng kaligayahan at kalungkutan. Maligaya dahil naramdaman ko ang labi ng taong pakiramdam ko ay mahal ko na, lungkot dahil alam kong panandalian lamang siya.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon