Two Weeks: Chapter XVI

115 2 0
                                    

'Revelation x 2'

Ikapitong araw ko na dito. Tapos ko na ang unang linggo ko dito. Isang linggong memorable sa buhay ko. Pitong araw na lang at aalis na ako pero medyo matagal pa naman. Hindi na muna ako mag-iisip. Bahala na.

--

Hapon na ng bisitahin ako ni Renz sa bahay. May dala dala itong hilaw na barbeque at marshmallows.

"Para san yan?" tanong ko.

"Para mamaya." sagot niya habang nilalagay niya sa ref ang hilaw na inihaw.

"Mamaya?"

"Mamaya. Magse'celebrate kasi ng anniversary si Jay at Bea, gusto nilang icelebrate ito kasama tayong dalawa. Mag-iihaw tayo at mag-iinuman sa bonfire mamaya dito sa tabing dagat."

"Si Jay at si Bea?" kaya pala napapansin ko ang closenese nung dalawa.

"Oo. Sila." sabi ni Renz.

"Wow." sabi ko.

"Babalik na muna ako sa trabaho. Inilagay ko lang ang mga iyan tsaka tiningnan ko din ang girlfriend ko." sabi niya sabay ngiti sa akin.

"Magpapakasaya ulit tayo mamaya." pahabol na sabi niya.

Ngumiti na lang ako sa kanya.

Pumasok muna ako sa loob ng bahay para mag-ayos ng gamit, naglaba din muna ako ng mga labahan ko. Alas sais na ng matapos akong maglinis ng tinutuluyan ko.

Kring. Kring. Kring.

Sino naman kaya itong tumatawag.

Tiningnan ko ang phone ko. Si kuya Pat tumatawag. Seryoso? Baka may binanggit na naman ang baklang Jassy na iyon. Masasabunutan ko na talaga siya pag may sinabi pa siya kay kuya.

"Hi kuya Patrick." bungad ko.

"Hello Alexa. Kamusta? Nakabalik kana ba?" tanong ni kuya.

"Hindi pa kuya. Nandito pa din ako sa resort. Two weeks ako dito remember?" paalala ko.

"Ay. Yeah i remember." sabi niya.

"Kuya is there a problem?" iba kasi ang tono ng pananalita niya.

"Nag-away kasi kami ng ate Gail mo. At alam mo naman kung sino ang kinakampihan ni mommy at daddy." sabi niya.

"At feeling mo kakampi mo ako?" sabi ko.

"Alexa naman e. Huwag mo nang ganyanin kuya mo."

"Hahaha. Ano na naman bang ginawa mo kuya at nag-away na naman kayo ni ate?" palagi kasi akong tinatawagan ni kuya pag may problema sila ni ate Gail.

"Ewan ko sa kanya. Naging mainitin ang ulo this past few weeks. Tapos kung ano anong hiningi sa akin na kakaibang pagkain na hindi ko naman alam kung saan ko kukunin. Tapos kaunting kibot ko may sinasabi siya. Wala na akong nagawa na hindi niya napapansin e. Kagabi napagtaasan ko siya ng boses, tapos ayun, hanggang ngayon hindi na ako pinapansin."

"Baka ate is pregnant kuya. Baka napaglilihian ka."

One year ng kasal si kuya Pat at ate Gail pero wala pa silang baby.

"Pregnant?"

"Oo. Baka buntis si ate Gail kuya. Magtanong ka kaya kay mommy kung anong mga symptoms ng isang nagbubuntis para malaman mo. Baka kasi hindi lang niya masabi sa'yo." sabi ko.

"E bakit naman siya mahihiyang sabihin sa akin, asawa niya naman ako. Dapat nga ay matuwa siya. Unless hindi akin ang ipinagbubuntis niya."

"Sira talaga ang ulo mo kuya. Syempre first time niya magkababy! Baka ganoon talaga ang pakiramdam. Kausapin mo kaya siya. Kunwari may napapansin kang kakaiba sa kilos niya tapos biglang ipasok mo yung tanong na "buntis ka ba?", pero syempre ngumiti ka ha, hindi yung nakabusangot ang mukha mo, baka lalong hindi magsabi ng totoo si ate pag nagkataon."

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon