Two Weeks: Chapter XXXIII

103 2 0
                                    

'Best I Ever Had'

Isang linggo na buhat ng umalis si Renz patungong UK para sa trabaho niya, isang linggo na lang at magkikita at magkakasama na kaming muli dalawa. Excited? Oo excited na ako. Excited na excited na akong ipagpatuloy ang naudlot naming love story ni Renz Velasco.

"Hi Alexa!" umagang pagbati ni Matteo sa akin. Oo si Matteo. Naunawaan niya naman ang lahat ng nangyari sa aming dalawa at ang naging desisyon kong ipaglaban ang pagmamahal ko para kay Renz.

Sabi ni Jassy nung una niyang nabanggit ang naging desisyon ko kay Matteo ay hindi niya agad ito natanggap. Syempre, maski ako, kung ako ang nasa kalagayan niya ay mahirap tanggapin na hindi kana mahal ng taong dati ay mahal na mahal ka. Pero unti-unti din daw naka move on si Matteo. Siguro sa tulong ng pamilya niya at mga kaibigan ay naunawaan niya at natanggap ang lahat, at syempre hindi pa naman huli para sa panibagong pag-ibig na maaaring dumating sa buhay niya.

"Hi Matteo. Kamusta? Bat napaaga ata ang dating mo?" sabi ko.

"Si Tito Ian kasi pinagmadali akong dalhin ito dito. Hindi ka daw niya matawagan kaya ako ang kinulit niya para pumunta dito."

"Ah. E para saan daw ang mga ito? Orders ba ulit yan?" tanong ko.

"Oo. Sa palagay ko." sabi ni Matteo sabay abot ng mga papeles sa akin.

"Wow. Ang dami nito. Paniguradong matutuwa si Jassy nito." sabi ko.

Maya maya pa ay dumating na si Jassy hawak hawak ang telepono.

"Jowawit mo, tinatawagan ka hindi mo daw sinasagot. Ako tuloy ang tinawagan. Sinasabi ko sa'yo Alexa pag yan naagaw ko ewan ko na lang. Hahahahaha." biro ni Jassy.

"Loko ka talaga Jaspher. Magtigil ka sa ilusyon mo. Hahahaha." sabi ko. Pati si Matteo ay natawa sa mga sinabi ni Jassy. Tiningnan ko ang cellphone ko at may missed call nga ako galing kay Renz.

"Renz, sorry. Hindi ko nasagot ang tawag mo." sabi ko kay Renz sa telepono.

"Ok lang. Alam ko namang busy ka sa trabaho." nagtatampo yata ang mahal ko.

"Ay sows. Nagtatampo ang isa dyan. Kahit gaano ako ka-busy sa work e hindi ko yata kayang hindi kausapin ang mahal ko." paglalambing ko.

"Haha. Biro lang. Kamusta ka dyan? One week na lang makakabalik na ako. Konting work pa e matatapos ko din ang lahat ng ito. Hopefully pag natapos ko agad e pauwiin na ako."

"Good to hear that. Miss na kita sobra. Ok naman ako, kami. Ikaw kamusta ka dyan? Toxic ba work mo?"

"Ok naman ako dito. Miss lang kita. Magaan naman ang trabaho. Medyo pagod lang kasi walang katapusang meetings ang pinupuntahan ko. Pero ok na ako basta marinig ko lang boses mo."

"Hahaha. Nambobola pa e. Renz, sabi ni Jassy skype daw tayo, para daw makita niya yung face mo. Miss kana din daw niya."

"Hahaha. Sige. Saglit lang."

"Jas halika na, nandito na si Renz o."

"Wait. Magpapaganda muna ako. Hahahaha." pagbibiro ni Jassy.

"Oh hi Renz! Miss you. Hahaha." bungad ni Jassy nang makita niya si Renz.

"Hahaha. I miss you too Jassy. Si Alexa alagaan mo ah."

"Oo. Akong bahala dyan sa mahal mo. Super miss ka na niyan kaya umuwi ka na. Pero mas super miss kita. Hahaha. Joke." sabi ni Jassy.

"Grabe kayong dalawa ah. Ang sweet niyo. Ikaw na muna bahala kay Renz, ayusin ko muna si Matteo kasi paalis na din siya." sabi ko.

Hinayaan ko na munang mag-usap si Renz at Jassy para ayusin ang mga orders ng client ni Sir Ian. Pero naririnig ko padin ang kanilang usapan.

"Busy na busy yung bestfriend mo o." sabi ni Renz.

"Haha. Biglaan lang yan, dumating kasi si Matteo, pinapunta ni Sir Ian para ibigay ang orders ng clients niya, medyo madami kaya ayan busy busyhan." sagot naman ni Jassy.

"Nandyan pala si Matteo."

"Oo. Nandito siya." sabi ni Jassy.

Narinig ko ang tono ng pagtatampo sa boses niya. Mukhang nagseselos pa si Renz kay Matteo ah.

Lumabas na kami ni Renz ng shop, paalis nadin kasi siya at nagmamadali dahil may pupuntahan pa daw siya.

"Pasensya na sa abala Alexa, atleast ok na yung orders ni Tito para hindi na niya din ako kulitin sa mga ito." sabi ni Matteo.

"Wala yun Matteo. Ok lang. Wala kang dapat ikabahala. Pakisabi kay Sir Ian salamat ulit ah." sabi ko.

"Oo sige. Pakikumusta mo na lang din ako kay Renz."

"Sige, sabihin ko na lang. Ingat."

Pagkatapos na pagkatapos ng pag-uusap namin ay bumalik na ako sa loob ng shop. Sakto namang hindi na kausap ni Jassy si Renz, may bigla daw kasing tumawag na consultant sa kanya kaya nagmamadali itong sinagot ang tawag.

"Hindi ko na naabutan si Renz, baka magtampo yun sa akin."

"Haha. Ano ka ba bessy. Maiintindihan niya naman yon. Tsaka business is business. Tatawag ulit yon mamaya panigurado."

--

Pasara na ang shop ngunit hindi pa din tumatawag si Renz. Siguro nga ay nagtampo na ito dahil hindi ko man lang siya naasikaso kanina, pero sana hindi. Sana mali ako ng iniisip.

Maya maya pa ay tumawag na nga ito.

"Nagtatampo ka sa akin?" bungad ko.

"Medyo. Tsaka Selos."

"Huwag ka na magtampo please. Trabaho naman ang ipinunta ni Matteo dito. Tsaka bakit nagseselos?"

"E kasi nandyan si Matteo sa tabi mo tapos ako wala. Hindi kita mayakap, tapos ni hindi ko man lang mahawakan yung kamay mo."

"Pagbalik mo gagawin natin lahat ng sinasabi mo. Sorry na. Bati na tayo." paglalambing ko.

"Cute mo. Haha. Hindi naman ako galit. Miss na miss na lang kita."

"Naman Renz e. Uwi ka na para di mo na ako mamiss."

"Oo. Magugulat ka na lang nandyan na ako sa tabi mo."

"Hahaha. Nakakatakot naman yon. Wag ganon." sabi ko.

"Hahaha. Tulog ka na. Maaga pa ang pasok mo bukas diba?"

"Oo. Ang dami na naman kasing orders ni Sir Ian, yung mga dinala ni Matteo kanina."

"Ah kaya pala nandyan siya."

"Oo. Dahil sa work yun at wala ng iba. Nga pala, kinakamusta ka niya."

"Talaga? Mabuti naman ako. Sana ay ok na din siya."

"Sa palagay ko naman ok na siya. Kaya wag ka nang magselos ok?"

"Opo. Hindi na. Tulog ka na. Tawag na lang ulit ako bukas."

"Sige. Tulog na ako. Mag-iingat ka ha. Good night. I love you." sabi ko.

"Oo mag-iingat ako. Ikaw din, mag-iingat ka at alagaan mo ang sarili mo. Tulog na. Good night. Mas mahal na mahal kita Alexa."

"Sarap naman pakinggan. O sige na, byebye."

"Bye."

Paniguradong napakasarap ng tulog ko nito dahil nakausap ko ang taong pinakamamahal ko.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon