Two Weeks: Chapter III

178 2 0
                                    

'Stranger Part II'

"Oo nga maisasauli ko pa ang panyo mo." sabi ko.

"Biro lang. Sa'yo na yan. Isipin mo na lang regalo ko." sabi niya.

"Gusto niyo talagang umiiyak ako? Seryoso? Reregaluhan mo ako ng panyo? Ayoko." seryosong sabi ko.

Naniniwala kasi ako sa sinasabi nila na kapag niregaluhan ka ng panyo ng isang tao ay papaiyakin ka lang nito.

"Naniniwala ka ba sa mga ganyan? Hindi totoo yan. O sige para narin matahimik ka isauli mo na lang sa akin yan." sabi niya.

"Ok good. Ibabalik ko ito sayo. Lalabhan ko lang." sabi ko.

"Ok Miss Sungit." sabi niya.

"Miss Sungit? Hindi ako masungit." sabi ko sabay busangot ng mukha ko.

"Oo na. Hindi kana masungit. Halika na sakay na tayo ng jeep para makarating kana sa resort at makapagpahinga kana Miss Sungit." sabi niya.

"Hindi nga ako masungit. Ang kulit mo." naiinis na sabi ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko para alalayan ako. Pero binitawan ko din agad.

"Bayad ho." inunahan na ako ni Mr. Stranger sa pagbayad.

"O bayad ko." iniabot ko sa kanya ang bayad ko pero ayaw niyang tanggapin.

"Huwag na, ayos lang. Eight pesos lang naman yon." sabi niya.

"Kunin mo na to please." hinawakan ko ang kamay niya at pilit kong binubuka ang palad niya pero ayaw talagang magpapilit.

"Ok fine. Ako na ang magbabayad sa trike pwede?!" masungit na sabi ko sa kanya.

"Bakit ba ang sungit mo bigla? Kanina ok naman tayo ah. Dahil ba yan sa panyo?" sabi niya.

"Hindi. Basta." sabi ko.

"Sungit talaga." biro niya.

"Ano?!" sabi ko.

"Wala. Sabi ko malapit na tayong bumaba." sabi niya.

"Manong Brgy. Pag-Asa lang ho, para!" sabi ni Mr. Stranger.

Tumigil din ang sinakyan naming jeep sa arko na may nakalagay na Brgy. Pag-Asa. Wow. Brgy. Pag-Asa. Para ba talaga sa akin to? Para ba sa sarili ko ang salitang pag-asa? O kabaliktaran to kasi ako ay umasa? Umasa sa wala.

"Sungit. Ok ka lang? Bakit nakatulala ka sa arko? May nakikita kabang hindi ko nakikita?" biro niya.

"Ah. Eh wala. Binasa ko lang yung nakasulat. Sitio Pag-Asa. Wow." sarcastic na pagkakasabi ko.

"Haha. Bakit?" tanong niya.

"Wala. May naisip lang ako." sagot ko.

Naglalakad na kami patungo sa sakayan ng tricycle.

"Akin na yung bag ko. Baka sabihin mo inaabuso ko pa ang kabaitan mo. Ako na ang magbubuhat tutal malapit na naman na tayo." sabi ko.

"Ok lang. Pero medyo mabigat bigat ito ah. Tsaka sabi mo nga malapit na tayo, kaya ko na ito." sagot niya.

"Ok. Gusto mo yan e. Salamat." nagpasalamat na lang ako.

Medyo madilim ang nilalakaran namin. Gabi nadin kasi ng makarating kami. Paano kasi liblib na lugar ang Brgy. Pag-Asa. Gaya nga ng sabi ni Jassy kanina baka may mga NPA dito at makidnap ako sa sobrang dilim.

"Ganito ba talaga dito? Bakit walang street lights?" tanong ko sa kanya habang sinusundan ko lakad niya.

"Oo, wala pa kasing budget ang gobyerno para ipaayos ang mga ito. Kaya ayan, tiis tiis muna sa dilim. Pero pagdating natin ng resort maliwanag na naman na." sabi niya.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon