Two Weeks: Chapter VII

143 1 0
                                    

'Here Comes The Bride'

"Guys, in 10 minutes magsisimula na ang kasal. Standby lang tayo sa kung anong gagawin ng wedding coordinator." sabi ko sa mga tao ko.

First time ulit kasi naming tumanggap ng wedding dito sa Memory Lane. Simula kasi ng. Ah. Never mind.

Mabuti na lang at magaling si Alexa sa mga bulaklak. Siguro hobby niya ang mag-ayos ng mga ito or pwede din namang may flower shop business siya kaya alam niya ang mga ito.

Yun nga lang, nabadtrip siya sa akin kanina dahil sa biro kong naging makatotohanan.

Hindi ko naman siya mapuntahan ngayon sa tinutuluyan niya kasi busy din ako dito. Hindi ko pwedeng iwanan sila Bea dahil dumadating na ang mga bisita ng ikakasal. Mamaya na lang ako babawi sa kanya. Sana tanggapin niya ang paumanhin ko.

_______- Alexa's POV -________

Nagsimula na ang kasal. Isang napakaganda pero napakasimpleng beach wedding.

Ang simple lang ng suot ni soon to be Mrs. Cruz, isang champagne colored wedding gown na fit na fit sa kanya. Para syang isang fairy sa suot niya.

Hindi na ako lumabas ng bahay para masaksihan ang kasal. Kita ko din naman kahit papaano kasi medyo malapit ako sa kanila.

Rinig na rinig ko din ang mga sinabi nilang vows para sa isa't-isa. Nakakakilig na nakakainggit kasi buti pa sila swak na swak para sa isa't - isa.

"I prayed to God for someone who could understand my past and accept me as I am and God sent you. Jen dela Merced, thank you. Thank you for being the most unselfish person that i know. Lalo kitang minahal dahil nakita ko sayo kung paano mo mahalin ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, ang pamilya ko at ako."

So si soon to be Mrs. Cruz pala e si Ms. Jen dela Merced. Nice.

"Hindi alam ng lahat na hindi naging madali ang lovestory natin. Hindi tayo dumaan sa boy meets girl and girl meets boy and they live happily ever after bagkus boy meets girl but girl loves another boy. Mahal kita pero may mahal kang iba."

Parang kami ni Matteo to ah. Mahal ko siya pero may mahal na siyang iba. Ang pinagkaiba lang ay nauwi sa kasalan ang kanila, ang sa amin naman ay nauwi sa hiwalayan. Saklap.

"Nasaktan ako at nasaktan ka. Hindi naging madali ang pinagdaanan nating dalawa. Umalis ka para hanapin ang sarili mo, nawala ka at hindi nagpakita ng matagal, hinintay kita at ngayon nandito kana, isang napakagandang babae na nasa harapan ko ngayon at ng Diyos at pinili akong makasama."

Mabuti pa siya nagawang maghintay para sa mahal niya.

"Jen i promised to love you for the rest of our lives, tumanda man ako, pumuti man ang buhok ko at kapag maging mas pogi pa ako lalo. Pangako na ikaw lang ang mamahalin ko sa buong buhay ko. I love you Jen."

Ang swerte naman ni Miss Jen. Pero swerte din naman ang mapapangasawa niya sa kanya kasi mukhang mabait naman din siya.

Si Miss Jen na ang nagsasalita. Isinuot ko ang eyeglasses ko para lalo ko silang makita mula sa bintana.

"I prayed and asked God, to give me the perfect one and I prayed for Superman but instead He gave me you. His own version of Superman. Alam talaga ni God kung ano at sinong best for me. He may not given me what I thought was the perfect Superman according to me but He gave the perfect Superman for me."

Lord, kailan mo din ibibigay ang Superman ko. Yung Superman na makukuntento sa kung anong maibibigay ko. Yung Superman na makakapaghintay hanggang sa maging handa na ako.

"Thank you for being there for me. Thank you for loving me unconditionally. Minahal mo ako kahit walang kasiguraduhan na mamahalin din kita pabalik. Minahal mo ako ng hindi ka naghihintay ng kapalit. Salamat din dahil hindi ka sumuko at hindi mo ako iniwan. Palagi kang nandyan para sa akin bilang si Superman."

Wow. Nakakainspire naman silang dalawa. Ang ganda ng love story nila.

"Mark Nathan Cruz, this time the whole world will know that you are mine. Mahal na mahal na mahal kita. I love you and i will love you for the rest of my life kahit iisa na lang ang kidney ko."

What? Siguro nagkasakit si Miss Jen kaya isa na lang ang kidney niya. Nakakainggit naman silang mag-asawa. Mabuti na lang at hindi nila sinukuan ang isa't isa.

Yung sa akin kasi sumuko. Hindi ako naging sapat sa kanya kaya naghanap siya ng iba. Pero siguro kung ibinigay ko lang ang gusto niya malamang baka kami pang dalawa ang magkasama.

Ayoko na ngang mag-isip. Nandito ako sa Baler para mag-enjoy, para makalimot at para magrelax.

Hindi na muna ako mag-iisip ng kung anong makakasakit sa damdamin ko. Nadagdagan pa ang inis ko dahil sa nagawa ng Renz na yon. Napakawalang kwenta niya talaga. Sayang ang kagwapuhan niya, ang sama naman pala ng ugali niya. Akala mo kung sinong makaasta. Bakit siya ba ang may-ari ng resort na ito? Kung makasigaw e akala mo iniwan din, akala mo heartbroken din. Kainis talaga.

_______- Renz's POV -________

Matatapos na ang kasal pero hindi ko nakitang lumabas o sumilip man lang si Alexa. Siguro nawalan na talaga siya ng gana dahil sa nagawa ko sa kanya.

Dahil hindi na kami masyadong kailangan dito e napagpasyahan kong magtanong kay Bea.

"Bea, may mga bulaklak pa ba tayo na natira kanina?" tanong ko.

"Opo sir. Nilagay ko sa storage room natin. Kailangan mo ba sir? Kukunin ko na lang po." sabi ni Bea.

"Naku huwag na. Ako na lang. Maiwan muna kita dito." sabi ko.

Nagpunta na ako ng storage room para kumuha ng kaunting bulaklak. Gagawa din ako ng sarili kong boquet kahit na wala akong alam tungkol sa bagay na iyon. Gusto ko lang kasing bigyan si Alexa. Peace offering kumbaga at sana tanggapin niya.

Sa tingin ko naman nakagawa ako ng kahit papaano ay magandang obra. Kumuha pa ako ng ribbon at nilagyan ko pa para naman mag mukhang presentable sa kanya.

Gumawa din ako ng note para kay Alexa.

Miss Alexa,

Sorry for being rude kanina. Hindi kita gustong saktan sa mga actions ko. Gusto lang talaga kitang pikunin pero mali ang timing ko. Mali ang acting ko. Sorry. Sorry talaga. Gumawa ako ng sarili kong flower arrangement para sayo. Sana magustuhan mo. Peace na tayo.

PS.

Na'appreciate ko lahat ng ginagawa mo. Thank you Alexa. Makakabawi din ako sayo.

Renz

Ako na mismo ang maglalagay sa pinto niya nito. Ayaw ko na munang magpakita sa kanya kasi tiyak na kinamumunghian niya padin ako hanggang sa mga oras na ito.

Kumatok ako at iniwan ko lang ang lahat sa pinto. Umalis na din ako ng naramdaman kong papalapit siya upang buksan ito.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon