Two Weeks: Chapter XXXVII

92 1 0
                                    

'You and I'

"Alexa!!!!!!!!" nagising ako sa ingay ni Jassy.

"Ang aga pa bessy, matulog pa tayo." sabi ko.

"No. We have so many things to do today, kaya bumangon ka na! Pag hindi ka pa bumangon dyan, dadaganan kita." sabi ni Jassy.

Hindi talaga ako bumangon at naramdaman ko na lang ang bigat ng katawan ni Jassy na nakadagan na nga sa akin.

"Jassy naman e, ano bang trip mo ngayong araw? Sunday na Sunday e. Rest day hindi ba?" sabi ko habang nakatalukbong ng kumot ang mukha ko.

"Kaya nga, Sunday ngayon kaya bumangon ka na. Please? Nagluto ako breakfast. Tsaka hindi na maaga no, it's already 9 in the morning, tanghali na." sabi niya.

"Maaga pa. Tulog pa tayo."

"Bangon na! Samahan mo ako, magpa'parlor tayo, manicure, pedicure, lahat na. Treat ko!" sabi ni Jassy.

"Wow ah. First time, lilibre mo ako? Hindi ka ba nilalagnat?" pagtataka ko.

"Hindi, kaya let's go na."

"Pwede naman yan mamaya, hapon na tayo umalis."

"Okay sige, mamaya na tayo alis pero bumangon ka na dyan, may kailangan pa tayong asikasuhin."

"Ha? Ano naman yon?"

"Yung client ni Sir Ian, kailangan natin i'meet today. Hindi niya ata nagustuhan ang nagawa ko."

"What?" bigla akong napabangon sa sinabi ni Jassy.

"Pero joke lang. Pinabangon lang talaga kita." sabi ni Jassy sabay tawa.

"Langya ka talaga." sabi ko sa kanya sabay hampas ng unan sa mukha.

--

Pag baba ko sa kusina ay nakita ko ang isang pirasong kulay asul na carnation sa mesa kasama ang mukhang masarap na almusal na sabi ni Jassy ay luto niya.

"Blue carnation at mukhang masarap na almusal, lahat yan para sa akin?" tanong ko kay Jassy.

"Yes. Para sa'yo ang lahat ng iyan Alexa. At hindi yan mukhang masarap, masarap talaga yan. Yung bulaklak natira lang yan kahapon kaya nilagyan kita, kawawa ka naman e, hindi ka pa kinakausap ni Renz." sabi niya.

Bigla ko tuloy naalala na hanggang ngayon hindi pa din ako kinakausap ni Renz. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may text siya or missed calls o kahit message sa Facebook, pero wala. Kahit isa wala.

"Meron nang reply si Renz?" tanong ni Jassy.

Umiling lang ako.

"Kumain ka na lang, hayaan mo muna yung tao. Sasagot din yan sa'yo, bigyan mo lang siya ng panahon."

"Parang matagal na ata ang tatlong araw Jassy."

"Walang matagal sa taong marunong magtiis at maghintay Alexa. Mahal mo si Renz hindi ba?"

"Oo. Mahal ko. Alam niya yun at alam kong alam mo din." sabi ko.

"Pwes, maghintay ka. Mga Two Weeks pa."

"Grabe naman. Wag naman sana."

"O siya na, kumain ka na habang mag-aasikaso ako dito ng mga bagay bagay ok?"

"Hindi mo ba ako sasabayan?"

"Hindi. Tapos na ako. Pagkatapos mo dyan maligo ka na ah, aalis na tayo, medyo matagal magpaayos ng buhok kaya dapat maaga tayo."

"Blow dry lang ako, hindi na naman kailangang ayusin ang buhok ko. Okay na akong ganito."

"No! Minsan lang akong manlibre, sulitin mo na."

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon