Two Weeks: Chapter XXII

114 2 0
                                    

'Art of Letting Go'

"Bessy, uhm, halika na. Umuwi na tayo." sabi ni Jassy, bigla kong pinunasan ang mga luha ko at humarap sa kanya at sumang-ayon sa suhestiyon niyang umuwi na.

Tinanong niya ako kung bakit hindi ko daw kinausap si Renz at nagsabi ng totoong nararamdaman ko, sa totoo lang gusto ko, gustong gusto ko, pero ayaw kong marinig ang sasabihin niya kasi alam ko namang hindi ako, at hinding hinding mangyayari na ako ang pipiliin niya.

Mabigat ang puso ko na aalis sa resort, hindi lang dahil sa nasaktan ako sa mga nakita ko, kundi dahil sa alam kong hindi na ako kailangan ng taong natutunan ko nang mahalin kahit sa sandaling panahon lang.

Akala ko siya na yung taong dumating sa buhay ko na makaka'relate sa mga pinagdaanan ko, yung taong makakatulong para mawala yung problema ko. Ito yung mga pagkakataon na nag uumpisa na ako ulit mula sa pagkabigo at humihiling na sana huwag nang mawala dahil naranasan ko ng maiwan pero wala, sa huli ako na lang ulit mag-isa.

Hindi ko talaga gets ang tadhana. Hinding hindi talaga.

Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sa akin ang mga ito. Hindi ko maintindihan kung bakit pinagtagpo ang landas namin. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang epekto niya sa akin. Para bang naging matagal na bahagi na siya ng pagkatao ko, para bang naging parte na siya ng sistema ng buhay ko.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit nahulog agad ang loob ko sa kanya, kung bakit pakiramdam ko na siya na at kung bakit parang mahal ko na siya, kahit na alam kong hindi tama at kahit na alam kong wala lang ang mga ito para sa kanya.

Akala ko kasi mabibigyan kami ng pagkakataong dalawa, pagkakataong buuin ang isa't isa mula sa kanya kanyang pagkabigo, pero nagkamali ako. Akala ko kasi malakas na ako, akala ko kaya ko na, akala ko handa na akong magmahal ulit, pero hindi ko naisip na ang lahat ng ito ay may kaakibat na sakit ulit pala.

Nasaktan na naman ako. Nasaktan ko na naman ang sarili ko dahil nagmahal na naman ako. Nagmahal ako ng taong hindi ako gusto, nagmahal na naman ako ng taong hindi ako kayang mahalin, nagkamali ako dahil umasa na naman ako.

Pero sabi ko nga tuloy pa din ang buhay, kasi pain is part of the risk that we took when we choose to love someone. Matic na talaga. Siguro hindi pa talaga ito ang tamang panahon para sa aming dalawa o hindi pa ito ang tamang panahon para magmahal ako ulit.

Iniisip ko na lang yung paboritong tag line ng isa kong kaibigan, "Magiging okay din ang lahat. Tiwala lang."

Tatandaan ko na lang lagi na "GOD always answers our requests maybe not with a YES but always with what is BEST."

God has a reason for allowing things to happen, we may never understand His wisdom, but we simply have to trust His will.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon