Two Weeks: Chapter XXIX

103 3 0
                                    

'Come Home'

________- Renz's POV -________

Anim na buwan na ang nakalipas simula ng iwanan niya ang Pilipinas ng dahil sa akin. Kamusta na kaya siya? Babalik pa kaya siya? Papansinin niya pa kaya ako? Kilala niya pa kaya ako? O pinilit na niyang kalimutan ang isang tulad ko.

"Hi Renz, kamusta? Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?" tanong ni Jassy sa akin. Halos linggo lingo kasi akong pumupunta sa shop nila ni Alexa, nagbabaka sakali kasi akong nagbago na ang isip niya at nandito na siya.

"Hindi ako napapagod Jassy. Hinding-hindi ako mapapagod para kay Alexa." sabi ko.

"Kahit na hindi niya nakikita tong ginagawa mo araw-araw para sa kanya?" tanong niya.

"Alam kong hindi niya ito nakikita pero alam kong alam ni God kung gaano ko kamahal si Alexa."

"Hay Renz, naaawa na ako sa'yo. Pasensya na kung hindi ko mabanggit-banggit ang lahat ng ito kay Alexa, hindi ko din alam kung tama ba ang ginagawa ko, hindi ko alam kung dapat ko bang itago ito kay Alexa pero siguro Renz panahon na."

"Anong ibig mong sabihin Jassy?"

"Panahon na para malaman ni Alexa ang lahat ng ito."

"Paano? Ipapakausap mo na ba siya sa akin Jassy? Ibibigay mo na ba ang lahat ng detalye kung paano ko makakausap si Alexa?"

"Dahil nakita ko naman ang pagti'tyaga at pagmamahal mo sa best friend ko, sige ako na ang bahala. Ipagdasal na lang natin na sana hanggang ngayon ay ikaw padin ang mahal ni Alexa."

"Nararamdaman ko Jassy. Alam kong mahal padin ako ni Alexa."

"Paano kung hindi na? Paano kung natutunan na ni Alexa ang kalimutan ka?"

"Ewan ko Jas, hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mangyari ang mga kinakatakot ko, pero lalaban ako."

"Sana nga Renz. Basta balitaan kita. Hahanap muna ako ng tyempo kung paano ko makakausap si Alexa."

"Salamat Jassy. Salamat." sabi ko.

--

________- Alexa's POV -________

Maaga akong nagising dahil sa lamig ng panahon dito, anim na buwan na ako pero hindi pa din ako sanay sa klima dito.

Pumunta ako ng kusina para magtimpla ng mainit na kape para maibsan ang nararamdaman kong lamig. Habang iniinom ko ito ay nakatingin ako sa labas ng bahay. Napakapayapa ng paligid. Ang sarap sa pakiramdam na at peace na ako. Ang sarap sa pakiramdam na finally, naka move-on na ako.

Anim na buwan na ako dito, ang lahat ng mga ninais kong kalimutan ay nagawa ko. Wala na akong nararamdamang sakit, wala na akong nararamdamang kirot sa puso ko. Ok na ako.

Kring. Kring.

Kring. Kring.

Ang aga naman ng tumatawag na ito. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tiningnan ko phone ko at nakita kong si Jassy ang tumatawag, kaya sinagot ko.

"Hi Bessy!" sabi ni Jassy.

"Hi Jassy. Kamusta? May problema ba sa shop kaya napatawag ka?" sabi ko. Madalas din naman kaming nagkakausap ni Jassy kahit nandito ako sa New York. Madalas sa skype niya ipinapakita ang progress ng shop namin sa Manila.

"Wala naman bessy. Open mo laptop mo skype tayo please." request ni Jassy.

"Bakit? Miss mo na ang maganda kong face?" biro ko.

"Hindi. Haha. Pero i have something to share na gusto kong makita ang reaction ng feslak mo." sabi niya.

"Ano na naman yan? Siguraduhin mong hindi masisira ang araw ko dyan ha! Umayos ka. Hahaha." habang nagdadaldal si Jassy sa phone ay dali dali ko namang kinuha ang laptop ko at in'open ang skype.

"Oh what's your story?" sabi ko nang makita ko na ang pagmumukha ni Jassy sa screen ng laptop ko.

"I have an important announcement for you Alexa. I'm sorry if natagalan to bago ko sabihin sayo. Concern lang ako kaya ko naitago ito. Sorry Alexa. I'm so sorry." sabi ni Jassy.

Seryoso ang mukha ni Jassy habang sinasabi ang mga salitang binigkas niya kanina. Ano kayang sasabihin nitong bestfriend ko?

"Bakit ka ba hingi ng hingi ng sorry? Ano bang naging problema?" sabi ko.

"Alexa. Si Renz kasi."

"Bakit anong nangyari kay Renz? May nangyari bang masama sa kanya? Kamusta siya?"

"Bessy. Si Renz."

"Ano ngang meron kay Renz? Jassy!!"

"Si Renz, hindi natuloy ang engagement nila ni Andrea dahil sa'yo Alexa."

"Ha? Paanong hindi natuloy? Tsaka bakit dahil sa akin? Hindi ba sila nagandahan sa mga bulaklak natin? Anong naging problema Jassy?" pagtataka ko.

"Hindi. Hindi Alexa. Hindi tinuloy ni Renz ang engagement nila, dahil mahal ka ni Renz Alexa. Hanggang ngayon ay mahal na mahal ka ni Renz."

"Hindi ko maintindihan Jassy. Hindi ko maintindihan."

"Nalaman ni Renz na ikaw ang nag'arranged ng mga bulaklak nila for engagement."

"Dahil lang doon nagawa niyang iwanan si Andrea?"

"Oo Alexa. Dahil mahal ka niya."

"Mahal ako ni Renz? Paano? Diba ok sila ni Andrea?"

"Kausapin mo si Renz Alexa. Halos linggo linggo ka niyang inaabangan dito sa shop. Palagi siyang pumupunta at nagbabaka'sakaling umuwi ka na at magkita na kayo. Nakita ko ang hirap at sakripisyo niya para patunayan sa akin na mahal ka nga niya Alexa. Inilihim ko sa kanya ang contact numbers mo at pati nadin address niyo dyan sa New York. Ginipit ko si Renz Alexa pero lahat na iyon ay tiniis niya. Kaya ngayon sinasabi ko na ang lahat ng ito para sa kanya. Mahal na mahal ka niya Alexa."

Bumilis ang bawat tibok ng puso ko. Pabilis ng pabilis na halos hindi ko na mahabol ang paghinga ko. Bakit?, yan ang tanong sa puso't isip ko. Bakit hinayaan ni Jassy na mangyari ito. Nagagalit ako sa kanya dahil ipinagkait niya sa akin na malaman ko ang totoo. Nagagalit ako sa kanya dahil inilihim niya sa akin ang mga ito.

Anim na buwan akong nagtiis, anim na buwan kong hinayaang tumulo ang mga luha ko, anim na buwan kong pinilit kalimutan ang taong mahal na mahal ko tapos malalaman kong mahal din niya pala ako. Bakit? Bakit?

Akala ko ok na ako. Akala ko naka move on na ako kay Renz, pero hindi. Hindi pa pala. Hindi talaga.

Hindi ko na tinapos ang pag-uusap namin ni Jassy kasi galit ako sa nagawa niya. Pero alam ko din namang hindi ko matitiis ang bestfriend ko. Mga ilang araw lang ay magiging ok ulit kami ni Jassy. Siguro palilipasin ko muna ang sama ng loob ko.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon