Two Weeks: Chapter II

217 3 0
                                    

'Stranger'

"Miss, miss. Miss, gising nananaginip ka. Miss, bakit ka umiiyak?" sabi ng isang boses lalaki na nagpatigil sa isang bangungot na naranasan ko. Siya pala ang katabi ko sa bus patungong Baler.

"Miss ok ka lang ba?" tanong niya.

Tinanggal ko ang eyeglasses ko at pinipilit kong imulat ang mga mata kong bumabagsak pa.

"Ok lang ako. Pasensya na." sabi ko.

"Pasensya na din kung ginising kita, kanina kapa kasi umuungol e, pero hinayaan ko lang, pero natakot ako nung umiyak kana. Ok ka lang ba talaga?"

"Oo. Salamat. Ayos lang ako. Nanaginip lang ako ng hindi maganda." sagot ko.

Hindi ako makapaniwala. Hanggang sa panaginip ba naman hindi ako tinatantanan ng masaklap na pangyayari na yan.

Tatlong buwan na simula ng mangyari ang eksena na yon sa buhay ko. Tatlong buwan ko na ding pinipilit na kalimutan si Matteo pero hirap ako. Pinapaulit ulit ko sa utak ko ang mga salitang sinabi niya sa akin para masaktan ako, pero wala pa din. Hanggang ngayon, hindi ko magawang kalimutan ang nangyari sa aming dalawa. Ang pagmamakaawa ko sa kanya, ang paghuhubad ko sa harap niya para lang huwag niya akong iwan. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko yon para sa kanya. At hindi din ako makapaniwala na ang dalawang taong pinagsamahan namin ay balewala sa kanya at mauuwi din sa wala.

Ang dalawang taong relasyon na pinilit kong iningatan e para lang palang basura para sa kanya, napakabilis niyang itinapon ang lahat.

Ang dalawang taong inakala kong minahal niya ako ay isang napakalaking kasinungalingan lang din pala.

Minahal ko siya kahit tutol ang daddy at kuya, pero tama sila. Dapat pala nakinig ako sa kanila. Dapat nung una palang hindi ko na hinayaang wasakin ako ni Matteo. Dapat hindi ko hinayaang wasakin ni Matteo ang puso ko.

"Ok ka lang ba talaga?" tanong ulit ng katabi ko.

Napakakulit naman nitong katabi ko sabi ko ngang ok lang ako e.

"O panyo o. Malinis yan. Huwag kang mag-alala." sabi niya.

Hindi ko naman kailangan ng panyo e. Hindi ako umiiyak. Pero hinawakan ko ang pisngi ko. Tumulo nga ang mga luha ko.

"Salamat, pero ok lang ako." sabay punas ko sa dalawang pisngi ko gamit ang palad ko.

"Sa tingin ko mas malinis ang panyo ko kaysa sa kamay mo." sabi niya.

Hindi ko alam kung tinutulungan niya ako o nang-aasar lang siya pero tama naman siya, medyo madumi talaga ang kamay ko dahil sa pagkakahawak ko sa estribo ng jeep kanina. Wala na akong nagawa kundi kunin ang panyong pinahiram niya, para narin matigil siya.

Pinunasan ko ang mata ko at ang pisngi ko gamit ang puting panyong ipinahiram niya.

"Paano ko ito isasauli sayo?" tanong ko.

"Sa'yo na yan Miss. Pero kung pagtatagpuin ulit ang landas natin baka sakaling maisauli mo pa yan." sabi niya sabay ngiti.

"Taga Baler kaba?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Ikaw? Taga Baler ka din ba?" tanong niya.

"Hindi, sa Manila ako nakatira, may importanteng pupuntahan lang ako." sabi ko.

"Ah. Mukhang magtatagal ka sa Baler ah. Ang dami mo kasing dala e." sabi niya.

"Ah oo. 2 weeks din ako sa pupuntahan ko."

"San ba sa Baler ang tungo mo?" tanong niya.

Seryoso? Close na ba tayo?

Dun din ako nakatira. Baka magkita pa tayo don." dagdag pa niya.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon