Two Weeks: Chapter VI

159 3 0
                                    

'Mr. Stranger = Mr. Sungit'

"Goodmorning Mr. Sunshine." sabi ko pagkamulat ko. Nagising kasi ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mga mata ko.

Tumingin ako sa orasan, alas otso na pala ng umaga. Tamang-tama ang oras ng pag-gising ko para sa buffet breakfast sa resort.

Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maghilamos at magmumog. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin, parang nabawasan nga ako ng timbang katulad ng sinasabi ni Jassy. Napabayaan ko na nga ang sarili ko simula ng iwanan ako ni Matteo.

Sinuklay ko ang lagpas balikat kong buhok. Itinali ko iyo at ipinusod na para bang maglalaba lang ako. Isinuot ko na ang makapal na salamin ko. Mukha na naman akong teacher sa itsura ko.

Hindi na ako nagpalit na damit dahil gutom na gutom na ako. Kahit ano pang sabihin ng mga nakakakita sa akin e wala akong pakialam. Suot suot ko padin ang kulay puting t-shirt at spongebob na pajama. Nagpunta na ako ng canteen para kumain.

Malayo pa ako pero naaamoy ko na ang mga pagkain. Nagugutom ako sa amoy nito. Pagdating ko sa canteen nakita ko ang itlog na maalat, pritong bangus, tocino, beef tapa at longganisa. Samahan mo pa ng sinangag at fresh na fresh na hinawang kamatis. Mukhang mapapalaban ako sa kainan nito ah. Heaven.

Kumuha na ako ng mga gusto ko. Actually lahat gusto ko, kaya dalawang pinggan ang nasa table ko. Mag-isa lang naman ako kaya ok lang. Tsaka wala namang nakakakilala sa akin dito, bahala sila kung gusto nilang isipin na napakatakaw ko.

Ngayon lang din ako ginanahang kumain ulit. Swear. Sa bahay kasi kaunti lang ang nakakain ko. Ewan ko ba. Tataba ata ako sa pagstay ko ng dalawang linggo sa resort na ito.

"Ang sarap ng tapa." nasabi ko na lang sa sobrang sarap ng tapa nila, napatingin tuloy sa akin ang babaeng nasa harapan ko.

Gusto ko pa sanang bumalik para kumuha ulit pero pang dalawang tao na ang kinuha kong pagkain kanina na nasaksihan nila kung paano ko binitbit sa mesa. Nahiya naman akong kumuha ulit kahit gusto ko pa. Sayang hindi ko nagamit ang breakfast buffet ko kahapon, puro higa kasi ang inatupag ko. Pero di bale may bukas pa naman ulit na breakfast at tiyak mabubusog na naman ako panigurado.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na agad ako sa bahay. Pero naabutan kong nag-aayos ng mga bulaklak sa mesa si Bea at ang iba pa niyang mga kasama.

Syempre bilang may ari ng flowershop e nakiusyoso na rin ako.

"Hi Ms. Bea. May okasyon bang magaganap mamaya? Busy kayong lahat sa pag-aayos ng bulaklak e. Ang gaganda ng white roses at blue carnations ah." sabi ko kay Bea.

"Good morning Ms. Alexa. Opo, may kasal po kasing magaganap dito mamaya. First time nga po namin ulit tumanggap ng kasal dito e, kaya po medyo ngarag kami sa pag-aayos nitong mga bulaklak." sabi ni Bea.

"Ganun ba. Gusto mo tulungan ko kayo? Flowershop kasi ang business ko kaya alam mo na medyo gamay ko na ang mga ganyan. Nagha-handle din kasi ako ng flower arrangements para sa kasal." sabi ko.

"Wow. Talaga Ms. Alexa. Thank you. Thank you. Pero baka po kasi pagalitan kami ni Sir Renz kapag nakita niyang tinutulungan mo kami." takot na sabi ni Bea.

"Bakit naman siya magagalit? Ako naman ang nagpresinta e. Hindi kayo papagalitan ng Renz na yon. Ako ang bahala. Tiyak na magugustuhan ng client niyo ang gagawin natin." nakangiting sabi ko.

"Sige po Ms. Alexa. Salamat po. Pero huwag niyo pong masyadong pabonggahin kasi simple lang po ang gusto ng ikakasal." bilin ni Bea.

Sinimulan kong gawin ang sample flower centerpieces habang nakatingin sila Bea at ang mga kasama niya. Pinagaya ko sa kanila ito at mabilis naman nilang nakuha.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon