Two Weeks: Chapter XVIII

132 2 0
                                    

'Bruised and Scarred'

Pagbalik ko ng kwarto ay mahimbing padin ang tulog ni Renz. Hindi na muna ako tumabi sa kanya at sa labas na lang ako mamamahinga. Baka kasi marinig ko ulit ang mga salitang iyon sa kanya at hindi ko na makayanan pa.

Bakit ko kasi ginawa pa ang halikan siya. Para ko naring inamin na may gusto na ako sa kanya. Pero mali, dapat ay hindi ako mahulog sa pag-ibig niya.

Halos alas dos na ng dalawin ako ng antok. Bahala na bukas kung magtanong siya kung bakit dito ako natulog.

________- Renz's POV -________

Nagising ako ng maramdaman kong wala si Alexa sa tabi ko. Tiningnan ko ang oras, alas tres y medya na ng madaling araw. Gising pa siya? Nasaan na kaya si Alexa?

Lumakad ako papalabas ng kwarto at nakita ko siya sa sala, sa sala nahiga si Alexa. Bakit kaya?

Pero bigla kong naalala ang nangyari kanina. Oo nga pala may nasabi akong hindi maganda na hindi ko na naman sinasadya.

Nakainom ako pero hindi naman ako lasing nung humiga kami ni Alexa, ipinikit ko lang ang mga mata ko at nagpanggap akong tulog sa kanya.

Nakikita kong pinasmamasdan niya mukha ko. Mabuti na lang at magaling akong magpigil ng emosyon ko. Hinawakan niya ang kilay ko, mata, pisngi, ilong at ang aking labi. Hinahaplos niya ang labi ko na parang gusto niyang angkinin ito.

Pero nagulat ako sa ginawa ni Alexa, nagulat akong hinalikan niya ang labi ko. Gusto kong sumagot sa halik niya pero nagpigil ako. Unang beses na naglapat ang mga labi namin pero wala naman akong magawa, nakita ko na lang ang tuwa at kilig sa mukha ni Alexa. Napasaya ko siya.

Hindi ko din naman napigilan ang sarili ko dahil nasambit ko ang mga salitang 'Mahal na mahal kita', pero imbes na pangalan niya ang mabanggit ko ay pangalan ni Andrea ang nasabi ko. Ang pangalan ng ex ko. Hindi ko pa kasi kayang aminin kay Alexa ang nararamdaman ko. Baka kasi hindi pa siya handa at tanggihan niya ang pag-ibig ko.

Nakita kong napakagat labi si Alexa at pilit na pinipigilan ang luha niya, pero hindi siya nagtagumpay. Nakita ko kung paano tumulo ang mga luha niya ng dahil sa mga nasabi ko. Pinaiyak ko siya, nasaktan ko si Alexa.

Pero hindi niya padin ako iniwan kahit nasabi ko ang mga salitang iyon, naalala ko kasi na hanggang sa makatulog ako ay katabi ko ang babaeng gusto ko. Si Alexa.

Kaya nagpasya akong tabihan siya kahit na alam kong lumayo siya akin ng dahil sa mga nasabi ko kanina.

Kinuha ako ang mga unan at kumot sa kama ni Alexa at tumabi ako sa kanya sa sala. Pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha, halata ang maga ng mata niya, matagal siguro siyang umiyak kanina.

Pero bakit naman siya iiyak sa mga nasabi ko? Hindi kaya ay may nararamdaman na akin si Alexa? Sana. Sana.

Hinalikan ko ang noo niya. Napamulat siya ng bahagya sa ginawa ko at pagkatapos ay pumikit din. Niyakap ko siya at niyakap din ako ni Alexa.

________- Alexa's POV -________

Pagkagising ko ay nagulat ako dahil katabi ko na si Renz. Ang alam ko ay sa kama ko siya natulog kagabi pero bakit ngayon ay nandito na siya sa tabi ko at yakap yakap pa ako?

Tumalikod ako sa kanya at nagising siya sa ginawa ko. Nakumpirma kong gising na nga siya dahil hinalikan niya ako sa buhok ko.

"Morning." nagsalita siya.

"Gising ka na. Anim na araw na lang kitang makakasama." dagdag niya sabay hinalikan niya naman ang likod ng balikat ko.

Anim na araw na nga lang pala ako dito. Anim na araw ko na lang makakasama ang taong nagpalimot sa akin kay Matteo. Ang taong sa tingin ko ay nagbuo ulit ng puso ko. Kahit na nasaktan ako sa nasabi niya kagabi ay hahayaan ko na lang. Ang mahalaga sa ngayon ay maiparamdam ko kay Renz kung gaano ako nagpapasalamat dahil siguro ay naging importante ako buhay niya kahit papaano. Bahala na kung uuwi akong durog na naman ang puso. Bahala na.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa akin at iniangat ko ng bahagya sa mukha ko upang mahalikan ko.

"Mamimiss ko yung ganito." sabi ko.

"Ako din. Mamimiss ko." sabi niya.

Humarap ako sa kanya at isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Mamaya na tayo bumangon, wala ka namang pasok diba. Gusto lang kitang mayakap ng matagal kasi malapit ka ng mawala sa tabi ko." paglalambing ko.

"Matagal pa naman yon." sabi niya.

"Kahit na." sabi ko.

"Bakit ginawa mo yun kagabi?" tanong niya sa akin na nagpatalon ng puso ko. Alam niya kayang hinalikan ko siya sa labi?

"Ano bang ginawa ko?" kunwari ay hindi ko alam.

"Umalis ka sa tabi ko, at lumipat ka dito sa sala para matulog." sabi niya. Mabuti na lang at hindi niya naramdaman ang halik ko sa kanya.

Ano bang magandang isagot sa kanya. Hindi naman pwedeng mainit kasi may aircon, hindi din naman pwedeng masikip kasi malaki ang kama. Isip Alexa, mag-isip ka.

"Hindi kasi ako makatulog sa kama kagabi. Sinubukan kong mahiga sa sala pero nakatulog na pala ako dito." pagsisinungaling ko.

"Dapat ginising mo ako para tinabihan kita dito." sabi niya.

"Tinabihan mo naman ako ah." sabi ko.

"Naramdaman ko kasing wala ka sa tabi ko kaya nagising ako." sabi niya sabay halik na naman sa aking noo.

"Bakit nga pala maga yang mata mo? Umiyak ka ba?" patay na. Halata pala ang mugto kong mata.

Hindi na naman agad ako nakasagot agad sa tanong niya.

"Hindi. Baka puyat lang yan kaya ganyan." pagsisinungaling ko.

Mabuti na lang at hindi na siya nakipagtalo pa sa sagot ko.

"Bangon na tayo." pag-aya ni Renz.

Ayaw na yata talaga akong makatabi nito.

"Ayaw mo na ba akong makatabi?" malungkot na sabi ko.

Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayapos sa akin, pagkatapos ay iniangat niya ang mukha ko at pinapak niya ako ng halik dito maliban lang sa labi ko.

"Ang dami naman ng halik na yon." sabi ko.

"Kulang pa nga." sabi niya.

"Kulang?"

"Oo kulang." sabi niya. Hindi na ako nagtanong kung bakit kulang. Marahil ang itinutukoy niya ay ang labi ko. Hindi niya alam na naunahan ko na siyang mahalikan ang labi niya. Napangiti ako bigla sa naalala ko.

"Bakit may pag ngiti?" tanong niya.

"Masama ba ang ngumiti?" sabi ko.

"Doon ka muna sa bahay ko. Samahan mo ako. Dalawang araw." sabi ni Renz.

"Request ba yan o utos?" nakangiting tanong ko.

"Utos." sabi ni Renz.

"Ayoko." sabi ko.

"Kahit ayaw mo bibitbitin kita papunta doon." sabay bangon at kiliti sa katawan ko.

"Hahaha. Renz tama na. Hahaha. Ayoko na. Oo na. Sasama na. Hahaha." sabi ko habang kinikiliti niya ako.

"Good." sabi niya sabay tigil sa ginagawa niya.

"Gutom ka na?" sabi ko.

"Hindi pa naman. Ikaw? Sa bahay na tayo mag-almusal, ipagluluto kita." sabi niya.

"Sige." sabi ko.

Bumangon na kami. Habang nagliligpit si Renz ng hinigaan namin ay nag-ayos naman ako ng mga damit na dadalhin ko kila Renz. Pagkatapos ay nagtungo ako ng banyo para magsipilyo at maghilamos, nauna na kasi si Renz sa banyo kanina.

"Ready?" tanong ni Renz.

"Ready." sabi ko.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon