Two Weeks: Chapter IV

157 2 0
                                    

'All by Myself'

Maaga akong nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog ko kagabi. Pero hindi ako bumangon agad, at mukhang wala akong balak bumangon ngayong unang araw ko sa Baler.

Mas gusto kong humiga at ipahinga ang pagod kong katawan mula sa mahabang byahe kagabi.

Ang sarap tumira dito. Ang sarap tumira sa tabing dagat. Napakamaaliwalas ng kwarto ko dahil tumatagos ang sinag ng araw mula sa mga bintana. Isang maliit na bahay kasi ang nirentahan ko. Kumbaga sa condo unit e ito ang studio type.

Bumabangon lang ako para magcr tapos babalik agad ako ng kama para humiga. Ewan ko ba pero parang tamad na tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko.

Limang oras na akong nakahilata. Malapit na ang tanghalian pero hindi rin ako nakakaramdam ng gutom. Nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang magagandang ulap.

Nag-iisip ako ng mga bagay na nangyari sa buhay ko, nag-iisip ng mga pagkakamali ko, nag-iisip ng mga pagkukulang ko.

Naluluha na naman ako. Naisip ko din kasi ang ginawang panloloko sa akin ni Matteo. Tanging si Jassy lang ang napagsabihan ko ng tungkol sa nangyari sa aming dalawa, ang katangahan ko at kagagahan ko. Hindi kasi maaaring malaman nila daddy at kuya ang nagawa niya. Malamang kasi na baka tuluyan na akong mamaalam sa Pilipinas at baka mamaalam nadin si Matteo sa buhay niya.

Pero bakit ganoon, ako na yung naloko, ako na yung nasaktan at ipinagpalit pero hindi ko padin siya matanggal tanggal sa isip ko.

Hindi ko padin matanggal sa puso ko ang sakit na ipinadama niya sa mga nakita at narinig ko nung gabing iyon.

Hanggang ngayon nasasaktan padin ako at naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maalis alis yon.

Kinuha ko ang celphone ko at tinawagan si Jassy.

"Hi girl. Kamusta ka?" tanong ko.

"Hi girl. Parang antok kapa. Nakahiga ka pa no? Kamusta ang first day?" sabi niya.

"Oo nakahiga pa ako. At parang wala akong gustong gawin ngayon kundi ang humiga." sagot ko.

"Ay kaloka ka girl. Kung hihiga ka lang din pala edi sana dito ka na lang sa kwarto mo humilata. Free pa o." sagot niya.

"Hahaha. Ewan ko, parang ang sakit kasi ng katawan ko sa byahe." angal ko.

"Hay nako girl. Bangon bangon din. Sayang ang oras. Malay mo nasa labas na ang bagong lovelife mo." loko niya.

"Pambihira ka talaga. O siya na. Babangon na ako. Nagugutom na din ako. Ingat ka dyan. Love you girl." sabi ko.

"Ok. Love you too girl. Bangon na!" sagot niya.

Sinabi ko lang na babangon na ako pero ang totoo tinatamad talaga ako. Pero nakaramdam na din ako ng gutom kaya pumunta ako ng ref para kuhanin ang tinapay na inilagay ko kagabi. Ininit ko ito gamit ang oven toaster.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik agad ako sa kama upang mahiga. Patuloy ko lang pinakikinggan ang agos at hampas ng tubig dagat sa dalampasigan.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko, si kuya Pat tumatawag.

"Hi kuya, how are you?" bungad ko.

"Hanggang kelan ka maglilihim sa akin?" galit na sabi ni kuya.

"Kuya? Anong sinasabi mo?" tanong ko.

"Alexa, just tell me everything i need to know. I'm not mad at you. Galit ako kay Matteo." sabi niya.

"Kuya, i'm ok. Don't worry." pagsisinungaling ko, kasi hanggang ngayon nasasaktan padin ako.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon