Two Weeks: Chapter XXVI

103 2 0
                                    

'Terrible Things'

"O bakit parang natulala ka na dyan Alexa? Anong nangyari?" tanong ni Jassy.

"Ha? Wala may bigla lang akong naisip."

Hindi ko na sinabi kay Jassy ang natuklasan ko. Hindi ko na sinabi sa kanya na si Mr. Gabby at si Renz ay iisang tao. Hindi ko na binanggit sa kanya, kasi alam kong babagsak na naman ang mga luha ko ng hindi naman na dapat.

Masaya na si Renz. Masaya na siya kay Andrea, patunay ito dahil magpo'propose na ulit siya sa babaeng pangalawang beses na niyang papakasalan.

Bakit ganito padin ang nararamdaman ko? May kirot padin sa puso ko?

Kung pwede ko lang isabotahe ang mga bulaklak na ito para lang hindi matuloy ang engagement na iyon, pero mali. Maling mali.

"O anong ginagawa mo sa mga bulaklak Alexa?" tanong ni Jassy sa akin habang lalo ko pang ginagandahan ang pagkaka'ayos sa mga ito.

"Wala, mas lalo ko pang ginagandahan para naman maging maayos ang engagement party ni Mr. Velasco." sagot ko.

Dinagdagan ko pa ng mga palamuting naayon sa lalo pang ikakaganda ng mga flower arrangements and boquet ni Renz para kay Andrea. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, nalulungkot ako para sa sarili ko dahil hanggang ngayon ay umaasa akong kami parin ni Renz sa huli pero wala na ang pag-asang iyon.

"Wow ah. Bessy. Sobrang ganda na niyan. Special client ba yan si Mr. Velasco at pinaganda mo pa lalo ang mga iyan?" sabi ni Jassy.

"Oo. Special. Espesyal na tao sa buhay ko." bulong ko.

"Anong sabi mo? Ang hina e." sabi ni Jassy.

"Sabi ko oo special. Special client ni Sir Ian." pagsisinungaling ko.

"Ready na ito for delivery. Ingatan niyo ito at napaka importante ng mga ito." sabi ko sa delivery boy.

"Yes mam Alexa. Noted po." sagot nila.

--

________- Renz's POV -________

"Good morning po. Delivery po ito for Mr. Gabby Velasco." sabi ng delivery boy.

Dumating na pala ang mga bulaklak na inorder ko para kay Andrea. Nagpasya na kasi ulit akong ayain siyang magpakasal, nagpasya na akong ituloy ulit ang kung ano mang naudlot sa aming dalawa.

Mabuti na lang at nakilala ko si Mr. Ian Fuentes, ang kilalang events coordinator sa buong mundo. Kinuha ko talaga siya para kay Andrea para maging maayos ang surprise engagement namin mamaya. And isa pa, ang gaganda ng mga gawa ng florist niya, naalala ko lang si Alexa.

"Sir Renz, saan ko po ilalagay itong boquet?" tanong ni Bea sa akin.

"Akin na muna Bea, ako na lang ang magtatabi nito, para hindi makita ni Andrea mamaya." sabi ko.

"Sige po. Kayo po ang bahala."

Kinuha ko ang boquet at itatago ko na sana sa area ko, pero napansin kong napakaganda ng pagkakagawa ng mga ito. Para talagang ginawa na galing sa puso. Napansin ko ding may isang maliit na card na nakaipit sa boquet. Kinuha ko ito at binasa, marahil isa lamang itong thank you letter galing sa florist ni Mr. Fuentes.

'Hi Mr. Gabby Velasco,

Thank you for everything. Thank you for making me happy and for making my life more meaningful. Thank you for the happy memories, i will never ever forget that. And thank you, thank you for making me feel that somehow i'm special too. I love you, goodbye.

Congratulations and best wishes for you and Andrea.

Alexa Marie del Mundo
- Florist

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon